Kung Di Mo Na Kaya

Ni Rustom M. Gaton
Maikling Kuwento

 

Sa unang pagkakataon, nakita kong maayos ang kuwarto ko. Nakatupi ang kumot, tama at walang yukot ang bedsheet, nakapuwesto ang mga unan. Wala na ring laman ang laundry bin, at wala ring nagkalat na damit sa itaas at ilalim ng kama.

Maging study table ko sa gilid ay nailigpit ding maigi. Nakasalansan ang mga papel, at nakasilid lahat sa garapon ang mga bolpen at lapis. Ang nakatuping papel sa gitna ng mesa ay maayos rin ang pagkapatong.

Maayos na sana lahat kung wala lang ang malamig kong katawan na nakabitay sa ceiling fan at ang nakatumbang monobloc chair sa ilalim.

Dapat talaga masaya ako ngayon eh kasi sa wakas ay naayos ko na lahat. Naiwan ko na lahat ng pagod ko. Hinihintay ko na lang ang liwanag na kukuha sa akin.

Ang tagal. Parang dinudurog ang puso ko sa paghihintay. Sino ang mag-aakala na maaari ko rin palang kaawaan ang sarili kong kalagayan?

Tinitigan ko ang nakabitay kong katawan na ngayon ay wala nang kabuhay-buhay. Ang putla na nito. Kulay kahel na rin ang mga labi nito. Gayunpaman, mukha lang mahimbing na natutulog ang bangkay. Tila ba wala itong dinadalang anumang pasanin sa buhay.

Napansin ko ang mga daliri ng katawan. B-bakit kusang gumagalaw ang mga ito? nausal ko sa aking isip, at mas lalo pang nanlaki ang mga mata ko nang makitang unti-unting nabubuo ang isang ngiti sa mga labi ng katawan. Dahan-dahan ding bumuklat ang mga mata.

Napaatras ako sa aking nakikita. Bakit nabubuhay ang aking bangkay?

Umangat ang mga kamay ng katawan at hinawakan ang taling nakapulupot sa leeg nito, pilit itong kinakalas. Maya-maya pa’y nakawala sa tali ang katawan at nahulog sa sahig.

Bumangon ang katawan. Halatang labis itong nanghihina at paminsan-minsan pang umuubo.

Kinuha nito ang nakatumbang monobloc at pinatayo sa likod ng study table. Umupo ito at sumalampak ang ulo sa mesa.

Patay na ba siya ulit? Paano nangyari ’yon? Natutulog lang ba siya? Ako pa ba ’yan? Labis akong naguguluhan habang pinagmamasdan ang katawang natutulog sa mesa. May paminsan-minsan pang pumapatak na luha sa mga mata nito.

Halos isang oras din akong naghintay bago nagising muli ang katawan. Iniangat nito ang ulo mula sa mesa at pinahiran ang mga natuyong luha. Pagkatapos dinampot nito ang nakatuping papel, na naglalaman ng isinulat kong pamamaalam.

Hawak ng dalawang kamay, binasa nito ang nakasulat. “Hindi ko pala kayang gawin ito,” sabi nito maya-maya.

Kumunot ang noo ko. Ngunit nandito ako. Nandito pa ako sa labas ng katawan ko.

Pinunit nito ang papel at itinapon sa basurahan. Tumungo ito sa aparador at kinuha ang paborito kong kulay abong jacket. Isinuot rin nito ang bunny slippers ko na pink bago tuluyang lumabas ng silid.

Naiwan sa loob ng kuwarto na naguguluhan.

“Sabi ko na eh, susuko ka rin,” narinig kong may nagsabi sa likuran ko. “Mahirap talagang kontrolin ang babaeng iyon. Masyadong matigas ang ulo.”

Kaboses ko ang nagsasalita.

Lumingon ako, at sa sobrang gulat ko, napaatras ako sa aking kinatatayuan. Isang babae ang nakatayo sa harap ko. Mata-sa-matang tumitingin ito sa akin.

Kilalang-kilala ko ang mukha niya. “B-bakit kamukha kita?” nausal ko na lamang.

“Gaya mo, minsan din akong nasa loob ng babaeng iyon,” sagot nito. “Gaya mo, nasawi rin ako.” Inangat nito ang isang kamay, at nakita kong may hiwa ito sa pulso.

“Hindi pa tayo kinukuha ng liwanag dahil hihintayin pa natin ang kamatayan niya.” Isa na namang pamilyar na boses ang nagsalita. “Hindi pa niya oras.”

Tiningnan ko ang pinanggalingan ng boses, at nakakita ako ng isa na namang babaeng kamukha ko. May butas na gawa ng bala sa noo nito. Sa likuran nito, nakatayo ang marami pang babaeng kamukha ko.

Marami na kaming sumuko?

Advertisements

Editors and Contributors

EDITORS

Eric Gerard H. Nebran is an educator and illustrator from General Santos City. He is currently a PhD Comparative Literature student at the University of the Philippines–Diliman. His research interests include orality, history, and literary productions of his hometown.

Jude Ortega is the author of the short story collection Seekers of Spirits (University of the Philippines Press, 2018), the chapbook Katakot (Balangay Books, 2018) and the zines Mga Kuwentong Peysbuk and Faded Jeans and Old Shoes. He has been a fellow for fiction at four national and two regional writers workshops. In 2015, his stories received honorable mention at the inaugural F. Sionil José Young Writers Awards and at the Nick Joaquin Literary Awards. He divides his time between Senator Ninoy Aquino and Isulan, both in Sultan Kudarat.

CONTRIBUTORS

Jennie P. Arado is from Koronadal City, South Cotabato, and currently works for SunStar Davao as editor of the lifestyle section. She earned her BA in English (major in creative writing) from the University of the Philippines–Mindanao. Her story “Ang Dako nga Yahong sang Batchoy” won the South Cotabato Children’s Story Writing Contest in 2018.

Hazel-Gin Lorenzo Aspera is a registered nurse, artist, and writer. She spent her childhood in Cotabato City and is now based in Cagayan de Oro City. A fellow for literary essay at the 1st Cagayan de Oro Writers Workshop, some of her feature stories appear in the book Peace Journeys: A Collection of Peacebuilding Stories in Mindanao. Currently, she is Associate Director for Communications and Junior Fellow for Literary Essay of Nagkahiusang Magsusulat sa Cagayan de Oro (NAGMAC).

Allan Ace Dignadice is from Koronadal City, South Cotabato, and a BS Electronics Engineering student at Mindanao State University in General Santos City. He is a former editor in chief of the official school publication of Koronadal Comprehensive National High School. “Hawla,” his play that appears in this issue, is his fifth published work in Cotabato Literary Journal.

Gerald Galindez is a senior high school teacher at Notre Dame of Tacurong College in Tacurong City, Sultan Kudarat. His poem “San Gerardo and the Exocotidae” is the winner of the 2017 Cotabato Province Poetry Contest. He has released two poetry zines—I, Alone and Ginapasaya Mo Ako.

Rustom M. Gaton teaches at Montessori Learning Center in Isulan, Sultan Kudarat. He grew up in the municipality of Bagumbayan in the same province and earned his Bachelor of Secondary Education (major in English) degree at Sultan Kudarat State University.

Alvin Q. Larida is a teacher at Dole Philippines School in Polomolok, South Cotabato, where he teaches physics and chemistry for senior high school. He is a graduate of Notre Dame of Marbel University in Koronadal City, South Cotabato, and currently finishing his master’s degree at Mindanao State University in General Santos City.

Hannah Adtoon Leceña is a high school teacher and spoken word artist from Kiamba, Sarangani Province. She was a fellow for fiction at the 2018 Davao Writers Workshop and at the 3rd Bathalad–Sugbo Creative Writing Workshop (2019). She earned her Bachelor of Secondary Education (major in Filipino) degree at Mindanao State University in General Santos City.

Andrea D. Lim is from General Santos City and currently working as an editor for a publishing company in Cebu City while taking her master’s degree in literature at the University of San Carlos. She is also a former editor in chief of The Weekly Sillimanian, the official student publication of Silliman University in Dumaguete City, Negros Oriental.