Monsters

By Xaña Angel Eve M. Apolinar
Poetry

To you,
Please don’t ask me about monsters
And my sadness
They exist together and sometimes are
Just the same.

To you,
Please ask me to stop
Writing sad scribbles, monsters
Trapped inside my soul
Ready to devour those who are willing
To fight
The dragons and rescue the damsel in distress.
My fingers only lingers
On the letters that form these monsters,
Splitting them wide open and making you
Vulnerable in front of vultures.

To you,
Please take my palms and close
The fingers to form a fist and open them again
Until the venom slips off
The tips of my fingernails like a swift river.

To you,
please stay
until my monsters devour you.

Advertisements

Mother Kept Me Awake

By Yumi Ilagan
Poetry

Mom said I should keep the lights on
Even when I need to go to sleep.
I have known that and have always tried.

Mom knew that I drift into another world in my sleep.
She did not like it.
So every time she sensed that I was drifting away,
She would shake me awake.
I did not like it.

One night, I saw her keep and lock the knives in the drawer.
She never gave me the keys even if I politely asked for it.
She had also kept my medicine in a cupboard
And kept it locked until it was time for me to take them.

Mom said I should keep the lights on
Even when I need to go to sleep
Because she said I loved the dark too much
And she was afraid that one night the dark would take me away
And that I would gladly go.

Mom knew everything, except one
Or maybe two
Or maybe three.
Mom didn’t know that the dark already had.
Mom didn’t know how I feel when the dark consumes my mind,
When oblivion falls into my thoughts,
When death lingers in my conscious thoughts,
Just enough for me to crave the sensation of them.

So I kept the lights on, even when I needed to go to sleep.
Well, at least I have tried.

Now, I am looking for the keys my mother has kept
Because the dark has come once again,
And I am afraid to go back.

The Rose

By Reylan Gyll J. Padernilla
Poetry

Have your ever loved a rose
And watched her slowly bloom?
As her petals unfold, you grow
Drunk on her perfume.
You swear every night to let
The memory fade.

Have you ever seen its dance?
It quivers catching the dew
And with the passing of the wind.
You swear every night to let
The memory fade.

Have you ever loved a rose?
You can bleed by touching her thorns?

si yolanda

By Marianne Hazzale J. Bullos
Poetry

 anak din si yolanda ng ating ina pero hindi
   na kapatid ang turing niya sa atin nais
 niyang ipaghiganti ang ina sa kababuyan
      ng mga abusadong nanggahasa at
          nagpabaya kaya sumigaw siya
             ng katarungan at isang
                   umaga nakaratay
              ang mga puno sa
                lupa lumutang-
                   lutang sa lawang
                       puno ng putik
                            at lagkit ng
                               dugo ng
                             mga

      bangkay na nabaon sa hukay

Ritwal at Dalangin ng Hamog

By Adrian Pete Medina
Poetry

Habang isinisilang ang araw
Sa silangan, bubuksan ng hamog
Ang mga mata at pahihigpitin
Ng lamig ang bisig na nalanta
Dahil sa kahapong dumaan.
Labimpitong buntonghininga
Ang bibitawan sa malapad
Na mga dibdib saka lamang
Sisimulan ang paghakbang
Sa kayumanggi at matabang lupa.
Malulubog sa kapit ng putik
Ang mga paang binaluktot
Na parang mga kawayan.
Ihahagis ang mga butil sabay hihip
At dalangin mula sa sikmurang
Kumakalam at nangangasim.
Ubo, pawis, at hikahos sa lilim
Ng sikat ng araw ang papatnubay
Sa bawat hakbang ng ritwal
Na isasagawa sa pupunlaan.
Maraming buwan ang hihintayin.
Mga butil ng ulan ang nais
Pumatak sa kakarampot na pangarap.
Ibubuga sa daraang hangin
Ang hininga mula sa dibdib.
Magiging tubig sa palay ang pawis
Na malalaglag mula sa mga bisig.
Pagsapit ng ikasiyam na buwan,
Aanihin na ang gintong lupain,
Ay, natupad nga ang paulit-paulit
Na pagbabantay at paghihintay
Sa inusarang hikahos ng mga dalangin.
Ay, salamat sa Poong ibinigay ang araw
upang patnubayan ang paglalayag.

Kabacan Blues

By Gerald Galindez
Poetry

I.
Grabe kasilaw ang araw na nagalabas dahan-dahan—
Nagabaga sa likod ng Mount Apo—
Ginailawan ang malawak na basakan na ginto.

At lahat ng sungo na nagasupsop sa kanyang suso—
Nagagising sa nagasirit na tunog ng takore
Nagasabay sa nagakamang na tubig ng basakan.

II.
Ginapatugtog namin ang Chinese music bago mag-open ang Cybernet.
Nagapasok ang mga tao at magsabi sila ng “Open time, kuya.” Mag-nod ako.
Hawak ko ang kontrol, ako ang hari, isang klik lang,
Sendan ko ng warning message ang mga naganood ng porn, matakot sila.
Awtomatik, ako din ang DJ.

Pag ginapatugtog ko ang Gregorian chants at Enya, masaya-ah, pero magreklamo man sila.
Pag ginapatugtog ko ang Slayer at Pantera, masaya-ah, pero magreklamo man din sila.
Pag ginapatugtog ko ang April Boy at Willie Revillame, ayos-ah, pero magreklamo pa din man sila—

Sabihin nila, “Ano ngay yan, pang-weirdo man, yung uso ah, koya.” Take note, koya.
Pag tanghali, maraming tao, gusto nila ’90s, tunog kalye.
Kaya ginapatugtog ko ang Eheads at Rivermaya, ganun gud!

Ala-una hanggang alas-tres
Ginapatugtog ko ang “Beautiful Girl” ni Jose Mari Chan pag nagpasok si crush, si Moan.
Ginapatugtog ko ang “Ulan” ng Rivermaya o “Buhos ng Ulan” ni Regine pag nagaulan.
Ginapatugtog ko ang “We are the Champions” ng Queen pag nanalo sa pustahan ng Dota sila Ipo.
Ginapatugtog ko ang “Gitara” ng PNE pag nagpasok si Krabby Patty.
Ginapatugtog ko ang “Selling the Drama” ng Live pag nagpasok si Kuya Butch o si Kuya Coi.
Ginapatugtog ko ang Saosin, Hawthorne Heights, The Used pag nandyan sila Elp et al.
Ginapatugtog ko ang “MMMBop” ng Hanson pag nandyan si Kuya Jong.
Ginapatugtog ko ang “Name” ng Goo Goo Dolls, paborito ni Ate Leizel.
Ginapatugtog ko ang “Modelong Charing.”
Ginapatugtog ko ang “Antukin” ni Rico, kanta bago ang closing time . . .
Ginapatugtog ko ang “Closing Time” pag magsarado na . . .
At kadami pang ginapatugtog—
Big deal sa akin dati, lalo na yung “Barkado Ko” ng Isla Era—
Yun ang kanta namin,
Ginadaan sa mga lyrics ang mga damdamin.

III.
Kasarap maglakad sa ilalim ng mga kakahuyan ng USM.
Kadami mong maisip, bawat buto ng lawaan na nagahulog,
Parang isip mo, ginalipad ng hangin, nagaikot-ikot, makalingaw.

Kasarap maglakad sa ilalim ng mga kakahuyan ng USM
Lalo na pag naka-earphones ka, ginakanta mo ang lyrics
Naga-concert ka sa utak mo.

“Far Behind” ng Candle Box
Palagi, pag magklase ako sa CAS,
Sa lalamunan lang ang guitar solo.

Pag galing ka ng CED papuntang Men’s Dorm
5 minutes at 34 seconds yan eksakto—
Parang “Vampires Will Never Hurt You” ng MCR.

Ginalakad ko yan, pag nagapraktis ng pingpong
Habang nagahulog ang mga dahon
Habang nagadilim ang hapon.

IV.
Pag gabi
Nagaawas ng ukay-ukay at prutas ang Crossing Avenue,
Parang ilog ng laman, tela, at buto.
Nagabanggaan ang siko.
Maamoy mo ang hininga.
Malingaw ka sa mga ginasabi.
Malumos ka sa ingay.
Ma-high ka sa amoy.

V.
Patil ang buhay,
Buhay ang patil.

VI.
Lagi na lang, pag nagasakay sa tricycle na may sound system. Makasuya.

*Sad piano music with strings

Sometimes we close our eyes and just listen to the echoes of our hearts . . .

We all fall in love, and there are times when we love so much that we lose ourselves in our emotions . . . 

Many of us believe that love is forever, that love never dies, only to be disillusioned in the end . . . 

There is always a reason why we have to move on. When we have to say goodbye to the feeling we wanted to stay forever, let us not wave our hands with a heavy heart . . .

We should be thankful and happy not because we have lost love, but because, for once in our lives, that feeling called love lived in our hearts and made us happy . . .

Pagbaba sa Avenue, kalakas ng radyo sa mga boarding house. Makasuya.

VII.
“Nobela,” Join the Club,
Papunta na sa guitar solo
Bagsakan . . .

Hindi mo na kailangan ng droga o alak,
Nagalaro ang daliri at ilaw, sa sayaw ng tunog
Walang problema, walang away,
Ginaduyan lang ang lahat ng malungkot at masakit na awit
Parang ayaw mo nang matapos.

VIII.
Pag naglaki ka sa simbahan, sa sermon ng pastor,
Matutunan mo ang sikreto ng pagsilang at kamatayan
Matutunan mong makipagkamay habang nagatingin sa mata.

Nagasimba pa rin ako sa lumang simbahan
Kahit sa panaginip,
May mga alaalang hindi madaling malimutan.

IX.
“Sige na ba, magsama ka na sa Pisan Cave.”
“Sige ngarud. Sino ngay ang kasama natin?”
“Si Aila and friends.”
“Ah sige. OK!  Saan garud tayo magkita-kita?”
“Sa crossing lang!”

Naghuli kami ng mga pantat sa loob ng kweba.
Kinain namin.

X.
Kaibigan ko ang buwan.
Gibantayan niya ako sa aking paglakad sa malungkot na daan.
May aso at mga ibon akong kaibigan
Tahimik na nagasabay, pagliko sa simbahan.
Dahan-dahan lang sa pintuan.
Dahan-dahan sa pagtulog.

XI.
Nagalutang sa garapon ang nakalabos na katawan
Ginaikutan sa ilalim ng isdang maitim,
Klaro ang isip sa kwartong madilim,
Makaabot sa malayong lugar,
Sa mga oras na nangyari at mangyayari
Katalas ng utak, nagagawa ng sariling mundo

Dati.

XII.
Gipabukalan ni Lola ang baka at red beans
Gilagyan ng lamas, saluyot—
Gitimplahan ng mga bagay ng makapangyarihan
Mga bagay na nagabuo ng kalawakan.
            Bagay na nagpaamo ng mga bulkan—
Mga bagay na nagapagaling ng kaluluwa—
Ang luto ni Lola,
Hindi ko na matitikman.

XIII.
Nagaayos ng tambak ang mga tao sa basak
Ang iba nagakarga ng sako,
Mayrong naga-bike, mayrong naga-hike may mga dalang arado.

Galipad, gakalat ang mga dagami,
Maingay ang treser simula pa kagabi,
Nagasyawer ang mga nakasweter
            Sa pawis at tahop,
Ginahanap ng tiyan ang ininit.

At dahan-dahan ginailawan ng araw ang basak.
Nagabaga sa likod ng Mount Apo.
At lahat ng sungo na nagasupsop sa kanyang suso—
Nagagising sa nagasirit na tunog ng takore
                        Nagasabay sa nagakamang na tubig ng basakan,
Nagasakay sa sungay ng maputik na nuwang.