hamartia

Julius Marc G. Taborete
Poetry

filipinx Oedipus

the only way
to cure people’s
heart is
to gouge your
eyes out


and exile—


(and empathize)
says the Oracle,




Asclepius’ myth
          Asclepius’ demise meant that a mortal man can reach only one certain limit
          in the natural order of things and it is forbidden to him to exceed this limit

A dream is one harmful thing.
I was a harmless six-year-old
sputtering senseless words.

White shirt with a miniature stethoscope,
given by Papa. It kept falling,
but I always clung to it.

We played doctor-patient
pretenders. Tended his life and my
stuffed bears, nursed from here to there . . .

until now . . . but
here’s a doctor’s advice:
put a swab inside, thrust, and wait
for disgruntled moans. Slowly
pull out, catch the colorless liquid.
If it bleeds, rest. If not, wait
for the result—and keep
on repeating until tons
of sweat trickle
down your coveralls.

Asclepius’ myth is similar, too
I was given a bare elixir to dream, yet
to live was another;
senseless words are harmful.




10 hr

. . . here’s a 10-hr uniform for September,
that
heats up like an unsung August protest,
sweats like July’s national address.
Or maybe that
tightens up like empty June promises, later
breaks down in May working holidays
and isolates all alone in April,
then gets discriminated by March.
That has been the same difference last February.
Here’s a “Thank you, frontliners!”



(counts up to 7 seconds)


. . . with(out) pay.

Advertisement

Burol ng Kamusmusan

Ni Angelo Lenard Yu
Tula

Habang naghahanda para sa panibagong paglalakbay,
Mataimtim na inaalala ang maiiwang paraiso—
Ang tuktok ng nakabibighaning Pedro Colina,
Natatanaw na malawak na lupain ng Cotabato.

Ang bawat umaga ay tila mahikang gigisingin ng adhan sa mosque
Habang tahimik na humihimlay sa kuta ang naglalakihang bato.
Tatangayin ng hangin ang mga bulak sa matatayog na puno ng kapok,
Hahalik sa alapaap, patungo sa aking imahinasyon at pangarap.

Ang tanghali sa Parke ng Tantawan ay may nakakahalinang ingay
Mula sa malakas na alingawngaw ng kampana sa simbahan
At busina ng mga kumpol-kumpol na sasakyan sa daan.
Hatid nito ay ligayang pumipintig sa aking bawat sandali.

Ang bawat gabi ay tila misteryong kumakatok sa aming pintuan
Habang dahan-dahang hinihintay na mabuhay ang buwan,
Tiyak paghaharian ng mga dambuhalang paniki
Mula sa kuwebang humihinga sa mga lagusan.

Subalit ang lahat ng ito ay mananatili na lamang sa alaala,
Mga kinagisnang bagay na di kayang kalimutan.
Sabi ni Ina kailangang mag-aaral at hanapin ang kapalaran
Sa lugar kung saan banayad ang mga alon sa karagatan.

Ayaw Kong Magmahal ng Selosa

Ni Philip Jay Leaño
Tula

Ayaw kong magmahal ng selosa.

Hindi ko kaya
Na may susumbat
Sa tuwing aking kausap
Ang kailaliman ng dagat.

Hindi ko nais
Na may magtataas ng kilay
Sa tuwing ang bayan
Ay aking kahawak-kamay.

Hindi ko magugustuhan
Ang kaniyang mga paratang
Kapag ang aking pagtuklas
Ay ituturing niyang harang.

Hindi ko masisikmura
Na sa kaniya’y magiging kaagaw
Ang pag-alay ko ng yakap
Sa mga pusong naliligaw.

Ayaw kong magmahal ng selosa
Sapagkat marami akong iniibig.

Ngunit kung nais niyang makipagsiksikan,
Tiyak walang puwang ang ligalig.

Araw at Buwan

Ni Mary Divine Escleto
Tula

Ikaw ang araw at ako ang buwan.
Marahan mong iniaangat ang iyong sarili
Sa pagkakaipit sa likod ng kabundukan
Upang maghatid ng kapanatagan sa kapatagan.
Sa pag-iisa’y wala akong karagatan na hinahagkan
Habang dumadanak ang gintong dugo mo’t humahalo
Sa tubig-alat at ako nama’y nahihimbing lamang
At iniinda ang ginaw kasama ang aking mga tala
Na hinubog sa iyong wangis.

Ako ang buwan at ikaw ang araw,
Parating nakakubli sa likod mo pagsapit ng liwanag.
Madalas ang dinadala ko’y lamig mula sa madilim
Na kasaysayan ng nilimot na pag-ibig
Kasabay ng pagbibigay mo ng init sa nilalamig.
Nang ninais ko’y pahinga, nang paghinga’y gustong madama,
Dumating ka, pinalakas pusong nanghihina.

At minsan nga’y nagkatotoo ang hinangad na pagtatagpo
Ng liwanag at dilim, ng puti at itim. Ngunit instrumento lamang
Ng umaga at gabi, hindi itinakda upang magsama.
Ngunit binubuhay ang pangako
Na narito lang para sa isa’t isa. Maaring may pag-ibig
Na mabubuhay mula sa magkabilang dulo
At doon tayo gugunitain sa paraang ako’y handa na,
Maging kalasag mo hanggang sa maibalik ang apoy na singsing
Na siyang ipinagkait ng itinuring mong mundo.

Ikaw, Labing Gamhanan

Ni Luis B. Bahay Jr.
Balak

Misabwag og kahumot ang hangin dihang
Mibukad ang imong mga buwak
Dabong, hamis, ug husto ang kaanyag.
Midugang ang langit og paambit sa kahayag.

Minglaray ang mga mananap nga naibog
Ug kanimo sila miduyog, apan
Ako nga ulod naningkamot og kamang
Langayan ug way mga pako.

Gani andam kong matusok sa imong mga tunok.
Uyon ko magpakalumos sa mga pisik sa uwan
Aron ikaw akong maduolan, kuyogan
Sa imung kadyot nga pag-inusara.

Talikdan man ka sa alindahaw ug buyog.
Inig huma’g pangulitawo kanimo
Timan-i nga ania ra ko sa ubos,
Sa ugat, sa sanga, ug sa udlot nga dahon
Kanunayng motangla kanimo.
Palihog, ayaw sa og kalawos
Huwata ang higayon nga ako mahimong alibangbang
Aron atong saw-an ang adlaw nga mosubang

Paghulat sa Imo

Ni Stalingrad Samulde Dollosa
Binalaybay

Ginahulat ko ang imo pag-abot.
Dungan kita manyapon
nga ginapayongan sang mga sanga.
Natrapohan na ang lamisa
sa dalum sang rambutan.
Ara na sa duta ang mga dahon
nga napuspos sang ulan.

Init pa ang sinugba nga tilapya.
Napreparar na ang luyag mo nga sawsawan:
kamatis, sibuyas, toyo nga ginkatumbalan.
Nasukad na ang kan-on.
Ginabalhas na ang pitsel.

Ano oras ka mag-abot?
Diri lang ako magahulat
upod ang dulom, lamig,
kalipay, kag kahidlaw.

Ginsugo ko na ang panganod
nga updan ka sa imo paglakat
pakari sa akon.

Keeper of the Unkept

By Ghermaine Marie M. Micaroz
Poetry

I was once given a book clothed with ragged covers—
The thick pile of dirty pages almost unattached to its spine.
Some of its parts were brutally torn by its past handlers,
But the beauty of its words still left me sublimed.

It was not well kept, nor was it appreciated by others,
For they told me it was ugly and nasty—lacking beauty and color.
I didn’t listen and continued to read;
My soul be lost and the metaphors were my lead.

I savored every sentence—everything just hooks,
And I started to know who I was as I started to know the book.
It was surreal and I kept it forever and beyond,
For the book was you—it’s now an eternal bond.

Kapag Umiyak ang Langit

Ni John Dave B. Pacheco
Tula

Ngayong gabi,
pahinaan mo ang tugtugin sa radyo.
Gawin nating musika
ang mga pitak na patak ng luhang
bumabagsak sa yero.

Kapag sumigaw siya ng kulog, hawakan mo
ang dibdib ko. Damhin mo na
mas malakas ang bawat tibok nito
sa anumang banta ng pighati.

Kapag kumidlat ang langit,
patayin mo ang ilaw,
tabunan ng tuwalya ang salamin,
tumingin sa aking mga mata.
Hayaan mong kuryentehin ng pagyakap
ang ating mga balat.

Kung iiyak ang langit
ngayong gabi
huhulihin kita
sa gunita.

Langit sa Karimlan

Ni Jerusalem D. Nalig
Tula

Niyapos mo ako sa himlayan ng ’yong palad,
magaspang, may kalyo, ngunit marahan.
Mula sa lubid ng libidong nakatali sa pahatiran,
sa alapaap natagpuan ang nakatirik na mata
ng araw, nagliliyab, sinusunog ang lamang
kusang ipinagkatiwala sa lagislis
ng matigas mong pag-aari.

Naglalakbay sa baybayin ang bagyong humahagupit,
ngunit inihayag mo ang labas-masok na paglalayag
nang tayo’y sumasagwan sa paghampas ng mga alon.
Magkadikit nating nilalangoy ang bawat daluyong.
Maging karagata’y tinatangay sa kawalan
ang katas ng pawis mula sa pangangabayong
bumabayo ng dumadagundong na ligaya.
Sa rurok pinagsaluhan ang bunga ng pagsisid
tulad ng tupang inalay sa dambanang sagrado.

Minasdan kita’t nakita sa bintana ng iyong kaluluwa
ang lalim ng paglingap. Nakawin mong muli sa gabi
itong tanglaw mula sa buwang nakasilip, sapagkat
madalas sa ’yong karimlan naroroon ang langit.

Ay Na Lang

Ni Generoso Opulencia
Binalaybay

Ang otsentahon nga tawo
panan-aw nya maayo
kay daw Starry Night ni van Gogh.

Ang tanan nga mabatian
ginayuhumyuhuman lang
daw iya sang kalangitan.

Pinirito o tinola
sa baba gakarambola.
Tunlon na lang kay kapoy na.

Balikawang nya kag tuhod
wala patay ginahagud.
Luyag nya kabay maglantyog.

Sa iya tagiposoon
hapos na lang nya kab-oton
ang tuodtuod nga handum

Kalipay kuno nga padayon.