By Mubarak Tahir
Poetry
Sa dalem nu puasa na saksi su ulan-ulan.
Ulan-ulan na kabedsimba salkanin a kadnan,
Kadnan a labi a pakataw sa gatamanan,
Gatamanan a ibendua umanu gasimpitan.
Su mga bamedtulog a walay na inisayog.
Inisayog bun mambo su embabatay a bedtog,
Bedtog siya sa didalem u malong a mana ibembedtog,
Ibembedtog sa kabegakgilek sa semakwil a midtudtundog.
Mimbaba su mga mama a nakagadong,
Nakagadong a aden matalem nilan a pinadtitimpong,
Pinadtitimpong su mga Magindanon a midtetendong,
Midtetendong sa nadtatanggit nilan a malong.
Limalag kami den siya kanu mga benday,
Benday a niya bu gasandeng su natagak a walay,
Walay a nambabamatan nu umani embabatay,
Embabatay a nangatagak su suled nilan a isa den a bangkay.
Nangalimod kami siya kanu ludep nu padiyan,
Padiyan a nabaluy a walay a gapagalaguyan,
Gapagalaguyan sa timpu nu kasimpitan,
Kasimpitan sa kadala nu kalilintad nu pangingedan.
Isa aku kanu Magindandanon a wata,
Wata a migkasela sa inged a Moro i bangsa,
Bangsa nami a malagan den madadag kanu mapa,
Mapa nu Pilipinas a di kami galinyan pakambamata.
Malipedes kanu pamusungan nu isa su kabenalan,
Kabenalan na dala sa makatagu sa kanu pagitungan,
Pagitungan a midtaman siya kanu talasilan,
Talasilan na umanu ngiyawa na aden tudtulan nilan.
Niyaba su tudtulan nu ngiyawa nami a bamangeni,
Bamangeni sa dua sa kadnan a di kami lemimpangi,
Lemimpangi sa kadsususleda endu kabpapagari,
Kabpapagari siya kanu kalilintad nu inged nami.
*
Ang mga Kaluluwa sa Bayan
Sa Ramadhan, saksi ang buwan.
Buwan ito ng pananampalataya sa Panginoon,
Panginoong saksi sa aming kalagayan,
Kalagayang ipinapanalangin ng bawat nahihirapan.
Ang natutulog ay inuugoy-ugoy.
Inuugoy rin ang pamilyang nahihimlay,
Nahihimlay sa ilalim ng malong na itinataboy,
Itinataboy sa takot sa rumaragasang tangke.
Pumanaog ang kalalakihang nakaberde,
Nakaberdeng may armas na tinipon,
Tinipon ang mga Magindanaw na nakatabon,
Nakatabon sa dala-dala nilang malong.
Binagtas namin ang sakahan,
Sakahang ang natatanaw lang ay tahanan,
Tahanang kinamulatan ng mag-anak,
Mag-anak na naiwan ang kapatid na isa nang bangkay.
Nagtipon kami sa loob ng padiyan,
Padiyan na nagsilbing takbuhang tahanan,
Tahanan sa panahon ng kagipitan,
Kagipitan sa kawalan ng kapayapaan sa bayan.
Isa ako sa mga Magindanaw na musmos,
Musmos na lumaki sa bayan ng liping Moro,
Liping malapit nang maglaho sa mapa,
Mapa ng Pilipinas na ayaw kaming mamulat.
Tanikala ng katotohanan,
Katotohanang hindi naitala sa isipan,
Isipang nagwakas sa isang salaysay,
Salaysay ng bawat may isasalaysay.
Ito ang salaysay ng kaluluwa naming nanalangin,
Nanalanging sa kaitaasan na di kami makaliligtaan,
Makaliligtaan sa pagkakaibigan at pagkakapatiran,
Pagkakapatiran sa kapayapaan nitong aming bayan.