Sa Kaunting Panahon

By Gerard E. Distor
Fiction

Isa, dalawa, tatlo . . . apat . . . lima . . . Malapit na. Kaunting panahon na lang . . .

Sadyang napakalambot ng mga palad mo, mahal kong ina. Dama ko ang init na humahaplos sa maliit kong katawan. Dinig ko ang matamis at walang katulad mong boses. Kay sarap pakinggan habang ako’y natutulog.

“Mila, ano na ang balak mo d’yan?”

Sandali, kaninong boses iyan? Tila magkahawig sa tinig mo, Ina. Ngunit bakit tila galit?

“Sandali lang, Nay. Pinag-iisipan ko pa.”

Ah, boses pala iyon ng aking lola. Sadyang napakagandang tinig din, katulad ng sa ’yo, Ina. Hindi na ako makapaghintay na masulyapan ang magaganda ninyong mukha.

Isa, dalawa, tatlo . . . apat . . . lima . . . Apat na buwan na lang, mahal kong ina.

Aray! Napukaw ako mula sa aking mahimbing na pagkatulog.

“Mila, gumising ka na. Nariyan na si Aling Mining.”

Ha? Malalim na ang gabi, ngunit ginigising ka ni Lola. At sino naman si Aling Mining?

“Nay, di ba sabi ko pag-iisipan ko pa?”

“Ngunit hanggang kailan, Mila? Maglilimang buwan na ’yan at bakat na sa iyong damit.”

Bakit tila lumalakas ang boses ni Lola? Ano’ng nangyayari?

“Bilis na, Mila. Naghihintay si Aling Mining.”

“Ngunit, Nay . . .”

“Wala nang ngunit-ngunit. Kailangan na nating ipalaglag ’yan. Nakakahiya na sa mga kumare ko. Baka malaman na nilang disgrasyada ka.”

Ano? Bakit? Bakit gusto ninyo akong mawala, Lola? Mahal kong ina, ipagtanggol mo ako. Huwag mong hayaang gawin nila ito sa akin.

Apat na buwan na lang, Ina, at lalabas na ako. Apat na buwan na lang at masusulyapan ko na ang maganda mong mukha at ang pagmamahal sa iyong mga mata. Apat na buwan na lang!

“Bilis na, Mila!”

Mahal kong ina, bakit tila ika’y umiiyak? Sinasaktan ka ba nila? Huwag mong hayaang saktan ka nila. Huwag mong hayaang mawala ako sa ’yo. Ipaglaban mo ang sarili mo. Ipaglaban mo ako!

“Sige,” isang salitang namutawi sa iyong bibig.

Bakit ka pumapayag, Ina? Hindi ka ba nasasabik na makita ako? Hindi ka ba nasasabik na marinig ang boses ko, mahawakan ang kamay ko, at mahagkan ako? Hindi mo ba ako mahal? Hindi mo na ba ako mahal?

Aray! Araaaay! Bakit nanlalambot ang maliit kong katawan? Ano’ng nangyayari, mahal kong ina? Bakit?

Advertisements

Thorn

By Irish L. Petipit
Fiction

On a cold evening of December inside the high well-furnished place, they formed a circle, each one of them holding a rose. The five of them were standing in their assigned positions when six girls wearing bright beautiful dresses entered. As the men started to dance, the girls watched them with glee, focusing on their hands.

It is time for them to choose a girl. Each one of them would give a rose to their chosen one. Dante, the most handsome of all, wanted to give the rose to a short fat girl, but the other men in the room picked tall thin girls. Afraid to be laughed at, he chose a thin blonde. When the girl received the rose, she immediately let go of it. Her palm was bleeding.

Dante looked down at the rose. Suddenly a big hand picked it up from the ground, a hand covered with green lace gloves. It was the fat girl. He hugged her. It was a cold evening indeed.

Bahaghari

By Bryant Lee Niervo Morales
Fiction

“Tanggap ka ba ng Diyos, Ma?”

Waring nabingi ang tenga ng ina sa tanong ng anak. Sa kasagsagan ng paghuhugas ng pinggan ay nilingon niya ang bata na siya namang gumagawa ng gawaing bahay. Nagtaka siya kung bakit nito naitanong, at wala sa huwisyong tanong din ang kaniyang naisagot. “Bakit?”

“Hindi raw po kasi makakapunta sa langit ang mga bakla . . . eh bakla rin po ako.” Matapang na nilakbay ng bata ang makulay ngunit mapanganib na mundo sa kaniyang isipan. Ni walang takot na itinahi niya ang komplikadong palaisipan sa ulo ng ina.

Hindi nakasagot ang ina at ipinagpatuloy na lamang ang ginagawa. “Alam mo, Juan, magsulat ka na lang ng pangalan mo diyan. Baka makalimutan mo na may ‘Junior’ sa hulihan ng pangalan. Naku, di magiging kumpleto ’yang pangalan mo kapag walang ‘Junior’! May regalo ka sa ’kin pag tama!”

Gumuhit ang ngiti sa labi ng bata.

“Juan Dela Cruz Senior,” ang basa ng bata na ngayo’y dalaga na sa lapida ng ina. Waring gumuhit ang ngiting naglakbay sa kaniya tungo sa nakaraan. “Noon, Ma, tinatanong ko pa kung saan galing ang pangalan ko at kung bakit may ‘Junior’ sa hulihan,” bulong niya habang pinupunasan ang lapida ng ina. “Ikaw talaga, Ma, napakamalihim mo.”

Mapait na ngiti ang namutawi sa kaniyang mga labi nang matuklasan ang katotohanan. At habang umaagos ang luha’y napatanong siya sa kaniyang inang nakatago sa lilim ng bahaghari, “Kumusta ka na sa langit?”

 

Just Me, You, and the Moon

By Edzelyn Oñate
Fiction

A thin layer of snow covered the ground on a cold December night. The neighborhood in which a boy named Louis lived in was fast asleep. Judging by the clock that said 11:02, it made sense why they were all out like a light. Everyone except Louis, that is.

The boy couldn’t fall asleep for some reason. No matter how much he tried to get some shut-eye, he just couldn’t.

He stared out his window, having a good view of the moon that displayed itself among the millions of stars twinkling in the sky. Little snowflakes began falling ever so elegantly, dancing in the air until they landed on the surface of either the ground or on the roofs of houses.

Louis’ gaze suddenly landed on a figure sitting on the roof of the house next to his, and he wondered why someone would be up there on a cold, winter night.

Out of curiosity, the boy climbed out his window and onto the tree that was conveniently planted next to his house. It gave him more access to reach the strange figure on his neighbor’s roof. Call him a creep if you want, his curiosity got the best of him.

As he carefully placed his foot on the roof’s edge, he swiftly shifted all of his weight from the tree and landed with a small thud on the roof, causing the figure to snap its head to the sound and lock eyes with the curious boy.

“W-who are you?” The figure, turning out to be a boy who looked younger than Louis, asked warily.

“I’m Louis. Who are you?” the boy asked back, slowly making his way to sit a few feet away from the boy with noticeably curly hair.

“H-Harry. What are you doing here?” The boy arched his brow. It’s not every day that a stranger comes to your roof in the middle of the night while it’s snowing lightly.

“Was just curious, you know. I couldn’t sleep, and then I saw you out here while I was staring out my window and, yeah, here I am. What’s up?”

Harry couldn’t help but laugh at how casual Louis was toward him, resulting for the other lad to laugh along and scoot closer so they could have a more decent conversation.

“I’m actually out here because I couldn’t sleep either.”

“Really?”

“Yeah.”

The two conversed for God knows how long, laughing at each other’s jokes and slowly getting to know each other.

Without thinking, Harry leaned his head on Louis’ shoulder, feeling sleep begin to take its toll on him. “You don’t mind if I—”

“Not at all. No one is out here to tell you otherwise. It’s just me, you, and the moon.”

That’s how the two boys fell asleep—cuddled up to each other on the roof with the moon shining its light upon them.

Magatos a Badas

By Mubarak M. Tahir
Fiction

So magatos ba tu a badas na di nin den mabago so paniniwala ko kano ginawa ko. Nasambiyan so mga di kaaya-ayang galbekan ko, ganito ako den. Dahil kung aden bo gamut sa petalon ninyong sakit ay nawget ko  den ginamot,  ugayd na wala . . .

*

Habang nakatayo sa harap ng salamin, napansin ni Rashid na hindi maayos ang pagkakatali ng malong sa kaniyang beywang. Itinali niya ulit ito hanggang makagawa ng isang malaking laso. “Kanisan!” bulong niya sa sarili habang nakangiti. “Ganda!”

“Watamama!” malakas na tawag sa kaniya ng kaniyang ama. “Nginan? Sasama ka o hindi?”

“Dakapan, E’ma!” sagot niya. “Sandali na lang ’to.”

Habang pumipilantik ang mga daliri, marahan niyang inilagay sa beywang ang mga kamay, at bahagya niyang itinaas ang balikat at baba. Naglakad siya na nakatingkayad. Huminto siya, kumaway-kaway, at ngumiti na halos abot tenga. Lumingon sa kanan at muling ngumiti.  Lumingon naman sa kaliwa, ngumiti, at kumaway-kaway ulit. Inikot niya ang buong kuwarto na sumasadsad ang laylayan ng malong, iniimadyin na nasa entablado siya, napapalibutan ng maraming ilaw na iba’t iba ang kulay habang hinihiyawan at pinapalakpakan ng mga tao. Muntikan na siyang matisod nang may kumatok.

“Uway!” gulat niyang sigaw. “Andiyan na ako!”

Mabilis niyang inalis ang malong na nakapalupot sa beywang, at muli niyang tiningnan ang sarili sa salamin. Huminga siya nang malalim. Tumayo siya nang maayos, matikas, at matapang na para bang handang makipagsuntukan. Saka muling huminga at napalunok.

Papunta sa padiyan si Rashid at ang kaniyang e’ma upang mamili para sa paghahanda sa unang araw ng Ramadhan. Dahil binata at nasa tamang gulang na siya, kinakailangan na niyang mag-ayuno bilang pagsunod sa pananampalatayang Islam. Habang sakay ng kalabaw ang dalawa, nakatawag-pansin kay Rashid ang tunog ng kulintang at agong. Ilang buwan na rin ang lumipas nang huli niyang marinig ang tunog ng mga ito, nang magkaroon ng pagdiriwang ng kasal sa padiyan.

Labis ang tuwa ni Rashid sa tugtog, at hindi niya namamalayang umiindayog na ang kaniyang katawan at pumipilantik ang mga daliri. Mula sa pagkayuko, iniangat niya ang kaniyang mukha. Nanigas bigla ang kaniyang kamay nang hampasin ito ng kaniyang e’ma. “Watamama!” Nanlilisik ang mga mata nito. “Gusto mong ipaguyod ko seka sa kabaw?”

Ang mga daliri ni Rashid na sumasayaw sa hangin ay biglang nawalan ng lakas. Tanging sakit na natamo mula sa ama ang tanging nararamdaman niya. Ang kaniyang nakaangat na mukha ay muli nang yumuko habang pilit na itinatago ang kaniyang luha sa sulok ng kaniyang mga mata.

Magtatanghali na nang marating nila ang padiyan. “Allahu Akbar! Allahu Akbar!” isang panawagan sa pagdarasal sa Dhuh’r para sa tanghali. Bago tuluyang mamili ay dumaan muna sila sa masjid sa padiyan upang magdasal.

“Mag-wudhu ka muna bago pumasok,” paalala ng kaniyang ama habang itinataas ang laylayan ng kaniyang pantalon upang maghanda para sa pag-a-abdas.

Naunang matapos sa pag-abdas ang kaniyang ama kaya nauna na rin itong pumasok sa masjid. Habang naghihintay na matapos ang ilan sa pag-a-abdas, nakatayo si Rashid sa gilid ng balon na pinagsasalukan ng tubig. Hindi siya mapakali sa mga oras na iyon. Sa kaloob-looban niya ay binabantayan siya ng lahat ng mga taong nasa kaniyang paligid, lalo’t lalaki lahat ang mga ito. Gusto niyang sundan ang kaniyang ama na nasa loob na, ngunit hindi pa siya nakapag-abdas. Mas lalong hindi siya napakali nang narinig niya ang usap-usapan ng ilang kalalakihan sa kaniyang likuran.

“Astaghfirullah!” sambit ng isang lalaki. “Bayot pala ang anak ni Kagi Tasil.”

“Uway!” tugon ng isang matandang lalaki na nakatingin kay Rashid. “Nagsasambayang pa, hindi naman tinatanggap ang dasal kasi bayot nga! Kung wata ko lang ’yan, matagal ko na ’yang kinatay.”

Labis na nanliit si Rashid sa kaniyang mga narinig. Mahigpit niyang ikinuyom ang kaniyang mga kamay na kanina lang ay pumipilantik ang mga daliri. Nahimasmasan lamang siya nang mapansing siya na ang susunod na mag-a-abdas. Kinuha niya ang lumang tabo at isinalok sa tubig sa balon. Nang mahugasan ang mga kamay at paa, agad siyang pumasok sa masjid upang sundan ang kaniyang ama.

Hapon na nang natapos sila sa pamimili ng kanilang kakailanganin sa pag-aayuno. Bago umuwi ay dumaan muna ang mag-ama sa isang kapehan.

“Assalamau alaykum, Bapa Tasil,” bati ng isang binata na nagsisilbing waiter. Kilala na ang ama ni Rashid sa kapehan na iyon dahil kaibigan nito ang may-ari at lagi itong nagmemeryenda rito.

Bitbit ng binata ang isang tray na may mainit na panyalam, dinangay, at kapeng netib. Inilatag nito ang mga ito sa harap ni Rashid. Agad napansin ni Rashid ang makapal na kilay ng binata na bagay sa singkit na mga mata nito.

“Jameel, maso baguhan ka lang dito,” siyasat ng ama ni Rashid.

“Uway, bapa,” sagot ni Jameel. “Kinaumanggay na nandito ako. Siya kubo kaginasu bakasyon nami.”

Nag-usap ang dalawa, at nakinig si Rashid. Nalaman niyang labing-walong taong gulang si Jameel, kasing-edad lamang niya. Nagkataon na bakasyon kaya nasa probinsiya ito at tumutulong sa kapehan. Laking Cotabato City ito, na halos isang oras ang layo sa Kitango, ang kanilang pamayanan sa Maguindanao.

Hindi maalis ni Rashid ang tingin kay Jameel. Matangos ang ilong nito at mamula-mula ang mga labi. Matangkad rin ito at malaman ang pangangatawan.

“Kanka den, wata!” sambit ni Bapa Tasil. “Kain na at nang makauwi na tayo. Naghihintay den si I’na nenka sa walay.”

“Ehhm! Ehhm, uway, E’ma,” sagot ni Rashid.

*

Isang mainit na palad ang nagpagising kay Rashid. Madaling araw na at kinakailangan na nilang kumain bago sumapit ang adzan. Habang pilit na nilulunok ang pagkain dahil sa sobrang antok ay nabanggit ng kaniyang e’ma ang pag-aaral niya sa kolehiyo.

“Samaya, watamama, na malapit na ang klase sa Inggles,” sabi ni Bapa Tasil. “Sa Cotabato ka den mag-aral.”

Tumango na lamang ang antok na antok na si Rashid, pero sa kaloob-looban niya ay masaya siya sa kaniyang narinig dahil matagal na niyang gustong mag-aral sa Cotabato City. Halos lahat ng nagkokolehiyo sa kanilang probinsiya ay sa Cotabato dumarayo.

Dugtong na paalala ng kaniyang e’ma, “Pero dapat uman Sabado at Sunday na mag-aral ka rin ng Arabic sa madrasah sa Cotabato.”

Pagkatapos kumain ay nagdasal sila bago bumalik sa pagtulog. Habang nakahiga ay hindi maiwasan ni Rashid na maisip si Jameel. Naglalaro sa bawat pagpikit niya ang singkit na mga mata nito at mamula-mulang mga labi. Nakadagdag pa ang matipuno nitong pangangatawan.

“Astaghfirullah!” sabi niya sa sarili habang nakayakap sa unan. “Allah ko, patawad. Puasa pa menem ngayon. Ayaw ko ma-invalid puasa ko. Gosh!”

Ngunit natalo ng kaniyang imahinasyon si Rashid.

*

“Allahu Akbar, Allahu Akbar, Allahu Akbar, Allahu Akbar. La Ilaha Illah Allahu Akbar. Allahu Akbar Wa Lillahil Hamdu,” hudyat ng pagtatapos ng araw ng Ramadhan. Kaya ang buong pamayanan ng Kitango ay naghanda sa malaking pagdiriwang na ito. Nagsimula na ring magtugtugan ang mga agong at kulintang. Napadalaw na rin sa padiyan ang halos lahat upang mamili ng mga ihahanda. Habang nakikipagsikan sa pamimili ay nakasalubong ni Rashid si Jameel na hirap na hirap sa pagbitbit ng mga pinamili.

“Masu gahirapan ka a, tulungan ko seka,” pagmamagandang loob ni Rashid kay Jameel na pumapatak na ang pawis sa bigat ng kaniyang mga dalahin.

“Shukran gayd, Rashid,” sabi ni Jameel.

“Paano mo natawan ang name ko?” pagtatakang tanong ni Rashid.

“Nabanggit kasi ni e’ma mo so kabagiskul nenka sa Cotabato,” paliwanag ni Jameel.

Nagkalapit sina Rashid at Jameel sa pagkakataong iyon. Bago tuluyang maghiwalay ng landas ang dalawa ay naimbita ni Rashid si Jameel na dumalaw ito sa kanilang handaan sa Eid’l Fitr.

Kinaumagahan ay araw ng Eid’ Fitr at lahat ng pamilya sa bayan ay may kani-kaniyang handaan. Pagkatapos ng pagdarasal ay agad umuwi si Rashid sa kanilang bahay upang tumulong sa kaniyang i’na sa paghahanda. Nang matapos ang paghahanda ay lumabas siya at tumambay sa daang nasa harap ng kanilang bahay. Minsan ay tinitingnan niya ang kaniyang relo.

Labas-masok siya sa bahay. Napapatakbo siya kapag may humihintong motorsiklo sa harap ng bahay. Palubog na lamang ang araw ngunit wala pa rin ang taong inaasahan niya.

*

Makalipas ang dalawang linggo ay pasukan na, kaya naman ay ihinatid ni Bapa Tasil si Rashid sa Cotabato para makapag-enroll ito sa kolehiyo at mahanapan ng boarding house. First year college pa lamang si Rashid sa kursong nursing kaya hindi pa nito kabisado ang lahat ng transaksiyon sa pinapasukang paaralan. Nahirapan siya sa unang linggo ng pasukan lalo’t wala itong kakilala.

English subject ang unang klase niya, Section G.E, Room 10. Kinakabahan man sa unang pagkakataon ay may halong pananabik ang kaniyang naramdaman. Nadatnan niya ang ilang mag-aaral sa klasrum na noon ay hinihintay ang kanilang propesor. Umupo ito at tahimik na kinuha ang kaniyang bolpen at papel.

“English 1, Section G.E?” tanong ng isang binatang lalaki.

Biglang napahinto sa pagguhit si Rashid. Napalingon siya at bumungad sa kaniyang paningin ang mukha ni Jameel. Biglang mas lumakas ang tibok ng kaniyang pusong kanina pa kinakabahan. Mas lalo siyang nabighani nang makita ang maayos at malinis na pananamit ni Jameel.

“Seka besen inan, ikaw pala ’yan!” gulat na sabi ni Jameel. “Klasmeyt ta besen, Rashid?”

“Uway,” matipid na sagot ni Rashid na halos hindi makatingin sa kaniyang kausap.

“Uway besen, ampon bu a, sorry di ako nakapunta sa handaan ninyo kanu puasa a tu. Na-busy kami sa walay ba. Dala i tu, okey bun. Dapat na libre nen ako nenka dahil hindi ka sumipot.”

Upang makabawi si Jameel sa kaibigang hindi nasipot noon, inanyaya niya si Rashid na sa labas sila mananghalian.

“Endaw ta besen?” sabi ni Rashid. “Saan ba ’yan? Baka kasi pag lumabas pa tayo ay mali-late na tayo sa next subject natin.”

“Malanggan ta bu man, mabilis lang naman.” ani Jameel. “Libre ko man seka bilang sorry ko sa ’yo.”

Hindi pinalagpas ni Rashid ang pagkakataon na makasama si Jameel. Habang binabaktas ang kalyeng papunta sa Al-Noor Mall ay hindi maiwasang magtawanan at magbiruan ang dalawa. Minsan ay hindi rin maiwasan ni Jameel na akbayan ang kaibigan habang naglalakad.

Mas lalong nagkalapit ang dalawa mula nang naging magkaklase sila lalo’t pareho sila ng kursong kinukuha. Nagtutulungan din sila sa kanilang mga asaynment. Kapag gipit ang isa sa kanila ay naghihiraman na lamang sila ng pera para may maipantustos habang hindi pa dumarating ang allowance.

Nagkaroon ng Acquaintance Party ang block section nina Rashid at Jameel kaya naman pagkatapos ng party ay nagkayayaan ang buong klase nila na mag-night swimming. Nagkatuwaan ang lahat. Pagpasok pa lamang sa resort ay tumalon na ang iba sa pool. Ang ilan nama’y agad tinungo ang tindahan upang bumili ng pagkain at maiinom na Red Horse at Emperador. Nagulat si Rashid sa nagaganap. Hindi niya inakala na ganito ang kaniyang masasaksihan. Kailanman ay hindi niya ito naranasan lalo’t laking probinsiya siya. Sa loob niya ay may pangamba ngunit may kalayaan siyang nadarama.

“Okey ka bun, enjoy tayo!” anyaya ni Jameel. “Ganito talaga siyaba! Let’s party!”

Biglang hinubad ni Jameel ang kaniyang T-shirt at pantalon, tumakbo, at tumalon sa pool. Saglit siyang umahon sa pagkakaligo at inanyaya si Rashid na maligo.

“Diyaku! Ayoko!” sabi ni Rashid habang panakaw na tumitingin sa lantad na katawan ni Jameel. “Maya na! Matenggaw gayd.”

Nakaramdam ng pag-init ng katawan si Rashid, ngunit ayaw niya itong pansinin dahil alam niyang haram ang kaniyang nararamdaman. Sa isip niya, ito ay isang fitnah lamang ng shaytan na kailangan niyang ipagbuno. Gusto na niyang umalis ngunit ayaw naman niyang masabihan siya ng kaniyang mga kaibigan na KJ, lalo na ni Jameel.

Nagkayayaan ang magkakaibigan na inumin ang kanilang biniling isang bucket ng Red Horse at dalawang Emperador.

“Umiinom ka? Su benal man,” tanong ni Rashid kay Jameel na hawak-hawak ang isang bote ng Red Horse.

“Saguna bu man, ngayon lang to! Tawbat ta bu, mapapatawad naman tayo ng Allah.” Tumatawa si Jameel habang ibinubuhos ang Red Horse sa baso.

Hindi napilit ng magkakaibigan na uminom si Rashid, kaya’t nanood na lamang siya kung paano uminom at dahan-dahan nahihilo ang mga ito dahil sa tama ng alak. Mas lalo siyang nabahala kay Jameel na nagsisimula nang mahilo at nagsasalita ng kung ano-ano.

Madaling araw na nang matapos mag-inuman ang lahat. Lahat ay tila bangkay na nakaratay sa sahig na kahit anong pilit na paggising ay wala nang lakas upang tumayo at maglakad. Sa pag-aalala ni Rashid sa mga kaibigan ay pinakiusapan niya ang may-ari ng resort na bantayan ang mga kaibigan. Ngunit mas nabahala siya sa kaibigang si Jameel. Naisip niyang alalayan na lamang si Jamel upang maiuwi ito sa kani-kanilang boarding house.

Akay-akay si Jameel ay nagpahatid sila sa habal-habal papunta sa kanilang boarding house. May kamahalan man ang pamasahe dahil madaling araw, mas mainam nang makauwi sila nang ligtas at maayos. Unang huminto sa boarding house ni Jameel ang habal-habal upang ibaba siya ngunit dahil curfew, sarado na. Dinala na lamang ni Rashid si Jameel sa tinutuluyan niya.

Marahang pinahiga ni Rashid ang kaibigan sa kama. Kumuha siya ng tuwalya at ipinampunas ito sa katawan ni Jameel. Nanginginig ang kamay niya habang pinupunasan ang bahagi ng katawan ni Jameel. Lumakas ang pagpintig ng puso ni Rashid na may halong kaba. Kailanman ay hindi siya nakaramdam ng ganoong kaba. Ngunit sa kalooban niya ay may nagpupumiglas na init sa kaniyang katawan. Mas lalo siyang nagulat nang hawakan ni Jameel ang kaniyang nanginig na kaliwang kamay at inilagay sa puson nito. Tumayo si Rashid, inilagay ang tuwalyang kaniyang hawak sa upuan, at pinatay ang ilaw. Muli niyang inilapat ang kaniyang nanginginig na kamay sa katawan ni Jameel.

*

“Assalamu alaykum!” panawagan ng imam mula sa masjid. “Bedtawagan nami su mga suled nami na mga Muslim na babae endu lalaki, bata endu matanda na saksihan ang pagpaparusa sa dalawang binatang nagkasala sa agama Islam.”

Dumating na ang araw na kinatatakutan ni Rashid. Ito ang araw na nakatakdang pagbayaran nila ni Jameel ang kanilang ginawa sa harap ng kanilang mga magulang, kamag-anak, kaibigan, at kakilala sa buong bayan ng Kitango, Maguindanao. Paparusahan sila sa pamamagitan ng paghampas sa buong katawan nila ng dulo ng dahon ng niyog na may mga tinik. Haharap ang dalawa sa entabladong sinadyang ipinagawa upang doon sila tatayo habang hinahampas. Sandaang beses silang hahampasin.

“Astaghfirullahil adezeem, ya Allah ampon ako,” paggunita ni Rashid habang nakayukong umaakyat ng entablado at nakasuot ng lambong na puti.

Marahang inilatag ni Rashid ang kaniyang mga kamay sa isang mesa habang nakaharap ito sa mga tao ngunit hindi niya magawang tumingin sa kanila lalo’t nasa harapan niya ang kaniyang e’ma at i’na. Isang malakas na hampas ang naramdaman niya na gumising sa kaniyang nanghihinang katawan. Napatingala siya sa labis na sakit na dumatal sa manipis niyang balat. Napatingin siya sa harap. Mga mata ng mga taong mapanghusga ang kaniyang nakikita. May nagbubulungan, humihiyaw, at nagmumura. Sumunod ang isa pang malakas na hampas. Habang tumatagal ay mas lalo itong lumalakas at ramdam na niya ang hapdi nito. Dahan-dahan na rin umaakyat ang hampas sa kaniyang braso.

“Aday! Aday! Adaaaaaaaay!” malakas na sigaw ni Rashid kasabay nang pagpatak ng kaniyang mga luha. “Di ko den balinganan. Tama na! Di ko na uulitin. Aday!”

Sa ibaba ng entablado ay ang kaniyang mga magulang na maluha-luha na lamang. Nais man nilang pigilan ang parusa, para sa kanila at sa katuruan ng Islam, ito ang tamang gawin upang hindi sila tularan ng iba.

“Maganda i nan sa mga bayot! Parusahan pa sila!” sigaw ng isang lalaking nanabako sa gilid ng entablado habang nagmamasid sa pagpaparusa kay Rashid.

Hindi nakayanan ng i’na ni Rashid ang pangungutya na kaniyang naririnig kaya nahimatay ito. Agad itong dinala sa loob ng masjid nang mahimasmasan.

Halos hindi na makahinga si Rashid sa tinatamasang hampas. Nanghilamos na rin siya ng kaniyang mga luha. Habang tinatanggap ang bawat hampas ay hindi na niya batid pa ang sakit nito kundi ang hapdi ng kahihiyang kaniyang kinakaharap. Mas masakit ang nararamdaman ni Rashid para sa sama ng loob na kaniyang naibigay sa magulang. Isang matinding hampas pa ay biglang pumukol sa kaniyang gunita ang gabing dahilan ng kaniyang pagdurusa ngayon.

*

Hinimas-himas ni Rashid ang dibdib ni Jameel. Isang mainit na balat ang kaniyang naramdaman. Marahan na rin niyang hinimas-himas ang puson ni Jameel na nagpapaungol kay Jameel nang mahina. Itinulak ni Jameel ang ulo ni Rashid pababa at hinayaan niya itong paglaruan ang kaniyang kabuuan.

“Nginan?” gulat at may pandidiring tanong ni Ustadz Musa, ang nagmamay-ari ng boarding house. “Ano to? Astagfirullah!”

Nakaligtaang i-lock ni Rashid ang pinto. Nawala rin sa isipan niya na tuwing madaling araw ay umiikot si Ustadz Musa sa buong boarding house at sinisigurong nakasara ang bawat pinto ng mga silid.

“Mga saytan kayo! Tayo kayo d’yan! Kalalaki ninyong mga tao, ganyan ginagawa ninyo sa bahay ko! Kaya pala minamalas na ’to!”

“Ampon kami, ustadz. Patawad,” sumamo ni Rashid na dali-daling tumayo mula sa pagkakasubsob kay Jameel.

Habang si Jameel naman ay sinisikap na mahimasmasan at tumayo. Pasuray-suray na lamang itong humingi ng tawad sa galit na ustadz.

Buong gabing binantayan ni Ustadz Musa ang dalawa habang tinatawagan ang mga magulang ng dalawa. Kinaumagahan ay sinundo sina Rashid at Jameel ng kanilang mga magulang. Nakatanggap ng isang malakas na suntok ang dalawa mula sa kanilang mga ama.

“Pakayaya kano duwa!” maiyak-iyak na sabi ng ama ni Rashid. “Nakakahiya kayo! Ito pala ang ginagawa ninyo, hindi na kayo natakot sa Allah.”

Naiyak na lamang sa sulok ang ina ni Rashid habang nanggagalaiting nakatitig naman ang ama ni Jameel sa kaniyang anak.

“Prepara kano duwa,” mahinahong paalala ng ama ni Rashid. “Maghanda kayo sa inyong parusa ng mga imam sa bayan. Gustuhin man naming itago ang ginawa ninyo pero hindi ito tama. Magsabar na lang tayo, magtiis na lamang tayo.”

Isang malakas pa na hampas ang nagpabalik sa gunita ni Rashid. Ramdam niyang natinik na ng niyog ang kaniyang balat. Isang malakas na pagkuyom ang kaniyang naigaganti. Sa kaloob-looban niya ay kung hindi lamang sila nadatnan ng may-ari ng boarding house na isang ustadz ay hindi mabubunyag ang ginawa nila ni Jameel, lalo’t pareho nila itong ginusto. Pero hindi niya maipagkakailang kahit hindi man sila nahuli ay hindi sila makakatakas sa mata ng Allah.

*

Sa bawat kantong nadaraanan ni Rashid ay pangalan niya ang kaniyang naririnig. Bulong-bulungan ang kanilang ginawa ni Jameel. May tumatawa, nangungutya, at nagmumura.

“Pamagayasi kanan, bilis!” utos ng kaniyang inang umiiyak habang sakay ng motorsiklo.

Isang mahigpit na yakap ang ibinalot ni Babo Amina sa kaniyang anak na si Rashid. Ramdam niya ang kahihiyang ibinabato sa kanila ng buong bayan pero nauunawaan niya ito bilang isang Muslim. Nagtalukbong na rin si Rashid ng malong nang hindi niya masilayan ang bawat dinaranas nilang pangungutya.

Pagdating na pagdating sa bahay, agad na pumasok sa kuwarto niya si Rashid. Umupo sa kaniyang kama, humarap sa salamin, at pinagmasdan ang sarili. Isang mukha ng kahihiyan ang kaniyang nakikita.

Kinaumagahan, mataimtim na nagdasal ng Sub’h si Rashid. Hindi pa man tuluyang sumisikat ang araw ay nagpalit siya ng damit. Hinanap niya ang kaniyang malong. Napansin niyang pinalitan ito ng malong na makintab na hindi pangkaraniwang inilalabas sa mga karaniwang araw. Nangiti siya. Tumayo siya sa harap ng salamin. Nagpalit siya ng malinis na damit na isinuot niya noong Eid’l Fitr— malinis, bago, at mabango. Kinuha niya ang makintab na malong. Mas matibay ito kaysa dating ginagamit niya. Hinanap niya ang dalawang dulo nito at tinupi. Muli siyang ngumiti. Lumingon sa kanan at kaliwa. Naglakad siya paatras upang pagmasdan ang kaniyang sarili. Hawak-hawak pa rin niya ang makintab na malong. Naisip niyang hindi na sa beywang ito gagamiting panali. Sa isip niya ay mas may nababagayan ito bilang panali, hindi na isang laso kundi isang karaniwang panali na lamang na kaniyang gagamitin ngayon.

“Astaghfurullah, ya Allah ampon ako nenka,” bulong niya sa sarili. “Patawad sa gagawin ko.”

Huminga siya nang malalim. Matagal niyang pinagmasdan ang sarili sa salamin habang nakakuyom ang kaniyang mga kamay. Sa kalooban niya kailanman ay hindi mapapalaya ng isa pang pagkakamali ang kaniyang sarili. Binitawan niya ang malong. Tumayo siya.

“Lilisanin ko muna ang inged, ang pamayanang ito hangga’t sa tuluyan nang maghilom ang sakit. Babalik na lamang ako kung may pagtanggap na sa isang katulad ko,” huling sambit ni Rashid.

YOLO-gy

By Mariz J. Leona
Fiction

Nagaduko ako kag ginasubay ang dalan nga ginaagyan sang mga subay. Daw wala ko sa akon espiritu nga ginasunod ang mga ini. Naugot abi ko kagaina pagbugtaw ko sa balay kay, baw, wala na gani tawo, wala pa gid pagkaon sa lamesa. Maayo tani pangutok ko subong kung my dapli ko nga nadakpan sa kaldero, pero kay waay gid. Amo siguro to nga gisundan ko ya agi ka mga subay kay nadumduman ko mabakas gali ni sila pangyadi sang makaon. Basi pa lang kakita man ko sang akon.

Sang nadula na sa akon panan-aw ang mga subay, gitan-aw ko ang palibot. Perti akon kibot kay sa minatyan takon gidala ka mga lilintian. Baw, maayo gid managap makaon ang mga dyutay nga subay ni. Sa may pagkatsismosa man ako, ti gilingling ko kung sin-o ya gihaya. Basi pa lang kilala ko man. Wala lang ko kabalo. Paglingling ko, baw, madamo sang tawo nagapururungko. Daw may misa haw. May ara sa tupad sang lungon nga gatindog nga laki. Gimurutan ko. Baw, amon nga kapitan ini. Sa wala pagduha-duha, nagsulod ko kag nagpungko man sa higad kay surebol gid nga pagtapos sining ila himuon may kaon gid mo.

“Maayong adlaw sa aton nga tanan no,” umpisa sang laki. Matyag ko kung indi ni pari, pastor ni mo. “Ari kita subong gatinurumpok para sa aton nga utod nga nagtaliwan na.”

Pagtapos sang pangamuyo kag wali sang laki, gihatag niya sa kapitan namon ang maykropon. “Tama gid ang hambal ni padre kagaina nga ang kamatayon wala sang ginapili nga edad okon sitwasyon,” hambal sang kapitan. “Kung imo na gid na nga adlaw, imo na gid ina. Wala na kita mahimo kundi iampo ta na lang gid ang ila nga kalag.

“Subong nga udto, tagaan ta sang higayon ang mga tawo nga malapit sa kay Maymay. Mauna anay ako kay ari na ako nga daan diri sa atubangan. Si Maymay kay isa gid ka maayo nga public servant. Isa siya sa mga maayo nga SK chairman nga akon nabal-an. Wala gid ina siya nagaduwa-duwa pagbulig sa barangay para sa ikalambo sini. Actually one of her projects na pending pa kay ang public library tani. Katong una wala ako nagsugot sa iya gusto, pero kagrabre gid kakugihan nga bata. Gibalik-balikan niya gid ako sa balay para pirmahan iya nga proposal. Iya gid nga gieksplinar sa akon nga importante gid sa mga kabataan nga makatuon makabasa, kag ini ang maging habit para mabatoan ang droga nga grabe na gid ang impluwensya diri sa aton lugar. Wala gid ako mahambal nga malain sa ini nga bata kay nasaksihan ko gid ang iya kabuot sa tanan. Ginahangyo ko man ang mga nabilin nga kaupod ni Maymay sa SK nga tani sundon ninyo ang iya nga mga nabilin nga mga proyekto para biskan siya nagtaliwan na makita ta gihapon ang iya nga gipangabudlayan. Saludo ako sa imo, May. Masubo lang kay kami gibiyaan mo na.” Gitrapohan niya ang luha nga nagtulo sa iya nga mata. “Ginatawagan ko si Nancy.” Gihatag dayon ni Kapitan ang maykropon kay Nancy.

“Bestfriend gid kami ya ni Maymay,” umpisa ni Nancy. “Upod gid kami sadto kaon lupa mo. Galuto-luto pa kami sa lata sang sardinas. Kung bakolon gani ko ni Nanay pati siya gawawaw man. Isa siya ka mabuot nga bata. Bal-an ko gid ina kay every time malagaw kami, ako ya wala lisensya lisensya a. Biskan di sugtan, hala sige malagaw gihapon ko ya, pero si Maymay tana ya kay malisensiya gid na siya biskan sa lapit lang na ya, kag kung indi siya sugtan, indi gid na siya maghalin sa ila balay.” Nag-untat sya istorya kay grabe na gid iya hibi. Gitagaan siya tubi. “Si Maymay kay isa gid ka mabinuligon nga tawo kay tong mga daw isa bulan bag-o siya napatay, tong grabe gid akon problema sa kwarta, wala gid siya nagduwa-duwa nga buksan ya iya nga alkansiya para may ipahulam lang siya sa akon mo. Indi lang sa mga amo sina nga butang. Biskan sin-o pa na basta may kinanglan nga bulig, buligan niya gid na ya sang wala pagduwa-duwa. Mabuot gid nga baye si Maymay.” Giatubang niya ang lungon kag nag hambal, “May, indi ta gid ka ya malimtan hangtod sa hangtod. Ang imo yuhom nga kanami kag imo mga kadlaw daw budlay gid dulaon sa akon hunahuna. Salamat, miga, sa tanan tanan. Tani makita mo na dira imo nga kasadya.”

Baw, grabe ba, daw puro lang kamaayohan sang nagtaliwan akon nabatian. Wala gid may malain sa iya nga? Ano na siya perpekto gid? Grabe man ning mga tawo diri man, ka mga plastic a. Nagtaliwan na gani ya tawo ila pa japon ginainto sang ila mga ginapanghambal.

Nagsunod istorya sa atubangan kay college classmate daw sang napatay. “Ante Fe, Angkol Jun, kag Boy, gibayaan na gid taton ni Maymay ya. Indi gid kami makapati pagkabati namon nga wala na gid siya.” Grabe ang wawaw sang baye nga gaistorya. “Sa amon nga barkadahanay siya gid ang isa sa mga gapakadlaw sa amon. Kengkoy siya namon. Siya man ang amon nga maaasahan nga friend sa tanan nga oras. Oo, tanan gid nga oras kay baskin kaagahon na kay ginapasulod gihapon kami niya sa ila balay biskan tulog na sila Ante. Matingala pagkaaga sila Ante nga damo na tawo sa kwarto sang iya bata.” Nagkadlaw siya pati man ang mga nagapamati. “Wala gid kami magdahom nga amo sini ang matabo sa iya. Kay tong mga tatlo ka adlaw bag-o siya napatay grabe gid iya nga pakadlaw sa amon. Grabe gid siya ka-caring sato nga adlaw. Naakig pa gani siya sa akon kay hambal ko sa iya nga depressed ko subong. Gisumbag niya bala ko sa akon bukton paghambal ko sato, ti nakibot tamon kay siya tana ang nag-walk out. Pero nagbalik man siya dayon sato nga time kag nangayo sa akon pasaylo kag iya ako gikup-an-kup-an. Perti abi sa iya ka sweet nga baye. Maayo gid ang pagpadako sang iya mga ginikanan sa iya. Dedicated gid siya sa iya nga pagskwela, kag may ara gid tana siya sang handum sa iya nga kinabuhi ya. Sa amon nga magbarkada, daw si Maymay lang gid ya may kongkreto nga handom sa kabuhi mo. Goal-oriented gid tana siya nga baye ya. Wala lang gid kami nagdahom nga sa iya ginapagawas nga kasadya, kapait gali ang ara sa iya nga sulod sulod. Abi namon okay lang siya. Abi namon wala siya problema. Pero wala lang gali namon napansin kay daw wala gid namon siya nakilala. Ginatago niya lang gali iya mga frustration kag problema. Indi namon bal-an kung ano gid hinungdan, pero kami nga iya mga barkada may ara gid kapakyasan sa iya.” Nagwawaw siya kag daw indi na kahambal. Pati man ang iya nga mga barkada kag pamilya. “May, kung diin ka man subong, tani mapasaylo mo kami kay wala ka gid namon nabuligan. Kag tani natagamtaman mo na ang kasadya nga wala sing kataposan.” Pagtapos niya sini ka hambal, nagparalapit sa iya ang iban niya nga barkada kag ila siya gikup-an pati man ang lungon ni Maymay.

Matapos sa iya, nagbulos sa atubangan si Boy, ang manghod ni Maymay. “Manang! Manang! Manang! Gibiyaan mo na gid kami.” Iya ini ginaliwat-liwat ka hambal sa atubangan. Daw ginasaulo niya ini. “Tupad gid kami matulog ni Manang biskan may kwarto siya. Sa kwarto ko gid na siya matulog. Kis-a ginasipa ko na siya sa akon kama kay tungod maugot ko sa iya kay perti kasabad. Sige siya ka istorya bag-o matulog sang mga nagakaratabo sa ila nga skwelahan sina nga adlaw, pero ginatulugan ko lang na siya pirmi. Pagkaaga, aga pa na siya magbugtaw kag ako iya sabadon duman. Biskan wala ko klase o biskan ala-una pa akon klase, pukawon niya gid ko sina sang alas-syete, amo na nga pirmi kami gainaway nga duwa. Pero pagkadugay-dugay migohanay duman kami a kay ya baba ni mama nagabratatat na.” Nakakadlaw ang mga tawo sa iya gihambal. “Pero tong isa ka gab-i, wala siya nagtulog sa akon kwarto. Natingala ko kay alas-diyes na sang gab-i, wala pa siya nagtupad sa akon, ti gikadtoan ko siya sa iya nga kwarto. Naabtan ko si Manang nga gaatubang sa iya nga laptop, busy kaayo. Gipamangkot ko pa siya kung diin siya matulog kay i-lock ko na ang akon kwarto. Ang sabat niya lang sa akon kay, “I-lock lang a. Diri lang ko matulog.” Ti sadya sadya man ko e kay masolo ko na man gid akon nga kama, sa wakas! Nag-untat siya istorya kag nag-atubang sa lungon. “Diyaon ka gid, Manang, ya! Hambal mo upod ta pirmi kag! Ti ngaa gibayaan mo na kami subong? Hambal mo matugtog pa gani ta sa simbahan pay. Ako magitara kag ikaw di ba ang makanta? Di ba nahadlok ka man mapilas? Ti ngaa gipilasan mo imo kamot? Manaaaaang!”

Nakahibi man ako sa iya gihambal. “Manang, kung diin ka man subong, tani nakit-an mo na ang tanan nga imo gipangsulat sa notepad mo. Nga tani makita mo dira ang katawhay kag ang kasadya nga wala sang kataposan. Ikaw na ang amon nga anghel subong, Manang. Bantayi kami pirmi kag padamgo ka pirmi ha? Palangga ta gid ka, Manang. Pirti ta gid ka kapalangga.”

Nagpalapit ako sa atubangan. Gusto ko siya gakson, pero nakuha sang tarpaulin ang akon atensiyon.

In loving memory of Angel Mae Pagayon

September 8, 1998 – May 2, 2018

Gilingling ko ang lungon. Nagwawaw ko. Nabatyagan ko nga may nagpalapit man sa akon puwesto. Gibalikid ko kung sin-o. Si Mama. “May, tani masadya ka na dira kung diin ka man subong. Palangga ka gid namon.”

Akon siya gikup-an, pero indi ko siya makaptan. Nagwawaw ako. “Ma, indi ako masadya. Abi ko lang gali.”

Pagkatapos nadula siya, parehas sa mga subay nga nadula gulpi sa iya mga panan-aw.

War Makes Me Sad

By Mary Ann Ordinario
Fiction

The following is the text of the storybook War Makes Me Sad: The Thoughts  of a Child about the War in Mindanao published in 2000 by ABC Educational Development Center. It was declared Best Short Story for Children at the 2003 Catholic Mass Media Awards.

When we hear strong explosions, I see the worried face of my mother with tears in her eyes. Father hurriedly prepares to bring the chicken and goats from our backyard.

We run and I don’t know where we are going. We ride in a cart pulled by a carabao. Sometimes in a tricycle, jeep, or Ford Fiera. Or just hop in any vehicle that passes by so we can be far away from the explosions.

I hear people say, “There is war.”

What is this war? Whatever it is, it makes me sad.

I know it will take a long time before I can play again. We will leave our small hut, my kite, ball, and books. I wonder will I still see my doll when I come back.

I just watch and stare blankly. There are soldiers and rebels. Like a movie or just like in the television. They have guns and move in tanks. For sure after a while there will be bombings and we have to run again.

Sometimes I cry. I remember my friend Kahlil, who lost his arms. They say, “The war took it.” Will he still go to school? How can he use his pencil and crayons again?

Because of war we hide for a long time and try to go to the next town. My body aches. We try to find a place or a building for us to stay. And usually these are schools. There are so many people. We sleep together inside the classrooms. We stay together even if we don’t know one another. There are many mosquitoes. We don’t have a blanket, a mosquito net, or even a mat. I lie down in concrete floors very cold against my back. Father and Toto sleep outside, with coconuts leaves spread out as their mat.

Oftentimes when asleep, I wake up frightened because of the strong explosions. Sometimes, Mother shakes me and I hear her say, “Wake up my child, you are having a nightmare.” I tell her I dreamed of a huge gun. It was chasing me. I had to run fast so I can hide.

We can’t change our clothes and we don’t have any belongings. We can’t even take a bath because there is no water. Maybe that is why so many of us get sick. I even saw a mother gave birth but her baby did not move. They said that there was no doctor to take care of her.

Because of war my stomach aches. But we don’t have food. Not even a piece of bread. Sometimes I don’t eat breakfast or lunch. Though there are people who drop by and bring some food like noodles, dried fish, sardines, or rice. I hear them call these donations. They are not even enough for everyone.

I see people get wounded or killed. People panic and scream! Some stumble, some cry, and some don’t move at all. Mother holds my hand and pulls me. I get bumped and stepped on by anybody. I have to run and take a step, even if I am barefooted.

What scares me even more is the thought that Father, Mother, Toto, or Nene might be gone one day. What if they get sick? That is why I hold tightly onto my mother’s skirt.

Will there be no silence? When will the bombings stop? When will the war end? I have too many questions but Father could not give me the answers.

I want to go home. I want to rest, play, eat well, go back to school, laugh, and be happy again. So I pray that God, the most powerful, who loves children like me will take pity on us.