Migo

By Bernadette V. Neri
Short Story for Children

Assalam mu alaykum! Ako si Migo Dagbusan, Tausug mula sa Cotabato,” bati niya sa sarili habang nananalamin. Unang araw niya ngayon sa Paaralang Elementarya ng Barangay Sentral kaya hindi siya mapakali sa pag-eensayo ng pagpapakilala. Bukod sa sabik siyang makabalik sa pag-aaral, sabik din si Migo na magkaroon ng mga bagong kaibigan.

“Aba! Handa na ang utoh ko,” nakangiting sabi ng kaniyang ina.

Biglang nag-alala ang mukha ng bata, “May makipaglaro po kaya sa akin?”

Marahang yumuko ang nanay upang suotan siya ng kupya, “Tiyak akong marami kang makikilala.”

Magdadalawang buwan pa lang sina Migo sa nirerentahan nilang kuwarto sa Maynila. Noong una, ayaw niya sa bago nilang tirahan. Masikip ang kalye papasok sa looban. Dikit-dikit ang mga bahay kaya napakaalinsangan. Ibang-iba sa kinalakhan niyang lugar.

Maliit lang naman ang kubo nina Migo sa probinsiya. Pero di niya ito dama dahil buong baryo ang kaniyang palaruan.

Manggahan nina Mang Turing ang paborito niyang tambayan kasama ang mga kaibigan. Madalas silang maghabulan sa mga pilapil ng bukiring sinasaka ng kanilang mga magulang. Nagpupunta rin sila sa ilog para lumangoy o kaya’y mamingwit. At tuwing nais niyang magpahinga, nahihiga siya sa duyang nakasabit sa punong bayabas sa harap ng kanilang tahanan.

Malawak at maaliwalas ang pinagmulang bayan ni Migo sa Cotabato. Gayon man, hindi ito nakaligtas sa nagpapatuloy na digmaan sa Mindanao.

Hindi makapagsaka at makapangisda ang mga nakatatanda. Nahinto sa pag-aaral ang mga bata. Ginawang kampo ng militar ang mga eskuwelahan. Nababalot ng takot ang buong pamayanan. Kaya tulad ng iba pa nilang kababayan, napilitang lumikas ang pamilya ni Migo.

Gustong-gustong makabalik sa pag-aaral si Migo. Nais niya muling magbuklat ng mga libro, gumuhit ng mga larawan, at magsulat ng kaniyang pangalan. Kaya kahit masikip at mainit, ang lagi niyang iniisip, “Dito, walang putukan.”

Kabadong tumayo si Migo sa harapan ng kanilang silid-aralan. Wala siyang nakita ni isang naka-kupya at turung kaya inayos niya ang abaya at huminga nang malalim. Pagkatapos ay ngumiti siya at nagpakilala.

Pagdating ng rises, pinili ni Migong umupo sa lilim ng punong malapit sa palaruan. Tumunog ang kaniyang tiyan kaya inilabas niya ang baong dalawang piraso ng pandesal.

“Naaamoy ninyo ba ‘yon?”

Napalingon si Migo sa boses na mula sa likuran. Nginitian niya ang tatlong batang nakatingin sa kaniya. “Nakagugutom talaga ang amoy nitong pandesal,” sabi niya. “Gusto ninyong tikman?”

Biglang inagaw ng kaklase niyang si Dana ang mga tinapay. “Masarap nga!” sabi nito matapos kumagat. “Pero,” kumunot ang kaniyang ilong, “may naaamoy pa rin akong hindi maganda.”

Sininghot-singhot ni Dana ang bagong kamag-aral, “Naligo ka ba, Migo?”

Gitlang sinundan ng tingin ni Migo ang mga bata. Nagtatawanan ang mga ito habang lumalakad palayo kain-kain ang kaniyang baon. Hindi niya maipaliwanag kung bakit pero magkahalong takot at hiya ang naramdaman niya.

Kinabukasan, nakita ni Migo si Dana na nag-aabang sa tarangkahan ng paaralan. Iiwas sana siya pero agad siyang nasundan.

“Pakopya ng assignment,” utos ni Dana.

“Wala ka bang nagawa?” pag-aalangan ni Migo.

Nanlisik ang mga mata ng batang maton, “Kokopya ba ako kung meron?”

Biglang naalala ni Migo ang mga mata ng mga unipormadong nagkampo sa kanilang paaralan. Nag-umpugan ang kaniyang mga tuhod. Hindi makagalaw ang kaniyang mga paa. Napilitan si Migong iabot ang kuwaderno na agad namang kinopya ni Dana.

“Lagot ka sa akin kapag nagsumbong ka,” banta ni Dana bago nagmadaling pumasok sa kanilang klase.

Nagpatuloy ang gayong gawi ni Dana kay Migo. Araw-araw siya nitong inaabangan para tuksuhin, utusan, o kaya ay agawan ng baon.

Minsan, hinablot ni Dana ang kupya ni Migo. Araw iyon ng pagsamba kaya naka-kupya at abaya siya.

“Hindi bagay sa iyo!” pangungutya ni Dana.

Iba ang nadama ni Migo sa pagkakataong ito. May kuryenteng gumapang sa kaniyang mga paa paakyat sa kaniyang ulo. Hindi siya nakapagpigil.

“Ibalik mo ‘yan,” madiin niyang sabi.

Nagbago ang mukha ng galit na si Dana. Nagmistula siyang tangkeng malapit nang sumabog. “Kunin mo kung kaya mo!”

Hindi natinag si Migo sa kabila ng kaniyang takot. Pinilit niyang abutin ang kupya. Dahil mas malaki si Dana, kahit anong lundag ay hindi niya ito maagaw.

Buong-lakas na itinapon ni Dana ang kupya sa lupa. Tinapakan niya ito nang pupulutin na Migo at sinipa palayo. “Huwag mo na ulit akong sisigawan!”

Naluluhang pinulot ni Migo ang kaniyang kupya. Pero kahit anong gawin niyang pagpag at punas, naroon pa rin ang bakas ng sapatos ni Dana.

Mabibigat ang bawat hakbang ni Migo pauwi. Hindi maalis sa kaniyang isip ang mga panunuya ni Dana.

“Bakit ba ako palaging tinutukso?” tanong niya sa sarili.

Naalala ni Migo ang kaniyang mga kaibigan. Ang bahaginan nila ng baon tuwing rises, pagtutulungan sa paggawa ng asignatura, at ang paglalaro o kaya’y paghuhuntahan kapag uwian. Pero tulad niya, nagsilikas din ang mga ito dahil sa giyera.

“Kamusta na kaya sila?” bulong ng bata.

Napansin ng nanay ni Migo na wala siyang ganang maghapunan. Sinubukan siya nitong pasayahin, “Sa susunod kong sahod, anak, ang paborito mong pianggang ang iluluto ko.”

Inah,” mahinang sabi ng bata habang tinitingnan ang dumi sa hawak na kupya, “Wala pa rin po akong kaibigan.”

Sa pagitan ng mga hikbi, ikinuwento ni Migo ang mga panunuyang nararanasan niya sa eskuwela.

“Gusto ko na pong umuwi, Inah,” bulong ni Migo. “Kailan po ba matatapos ang giyera?”

Tinabihan si Migo ng kaniyang nanay at marahang niyakap. “Hindi ko alam, utoh,” buntonghininga nito. “Nagpapatuloy ang digmaan dahil may mga nais mang-agaw sa ating mga lupang ninuno, at dahil may mga matatapang na nagtatanggol para sa karapatan nating mga katutubo ng Mindanao.”

Nanatiling tahimik si Migo.

“Mahirap pa itong unawain sa ngayon, utoh, pero pakatandaan mong walang mali o kulang sa atin. Mabubuti at mararangal tayong tao,” paliwanag pa ng nanay. “Kailangan lang tayong makilala upang maunawaang lahat tayo’y magkakapantay.”

Inabot ng ina ang kupya sa kamay ni Migo at marahan itong nilinis gamit ang laylayan ng kaniyang saya. Pagkatapos ay isinuot niya ito sa ulo ng anak, “Utoh, huwag mong kalilimutan kung sino at saan ka nagmula.”

Naging resolbado si Migo na magpakilala kay Dana. Kinabukasan, inabangan niya ito sa bungad ng kanilang paaralan.

“Magandang umaga, Dana!” bati niya. “May assignment ka na?”

“Nasa iyo, di ba?” sutil na sagot ng bata.

Lumapit si Migo dala ang dalawang kopya ng asignatura para sa araw na iyon. Iniabot niya sa kaklase ang isa.

Agad nabura ang ngiti sa mukha ni Dana dahil listahan lang ng mga tanong ang nakasulat sa papel. Pagagalitan dapat niya si Migo pero bago pa man siya makapagsalita ay nauna na ito.

“Madali lang ito,” bungad ng bata. Ipinaliwanag niya sa harap ni Dana ang mga sagot na kaniyang isinusulat.

Nagtaka si Dana sa asal ni Migo. Hindi na rin niya mabakas ang takot sa mukha nito. Gayon man, sinimulan na rin niya ang pagkopya. Pero sa pagkakataong ito, nauunawaan na niya kung bakit gayon ang mga sagot.

Kinahapunan, sinamahan si Migo ng kaniyang Inah kay Teacher Mira, ang guidance counselor ng paaralan. Naniniwala kasi siya na tungkulin din ang eskuwelahang pangalagaan ang mga mag-aaral. Hindi sila nabigo. Ipinangako ni Teacher Mira na kakausapin si Dana at ang mga magulang nito upang maunawaang mali ang pangungutya.

“Huwag kang mag-alala, Migo,” sabi ng tagapayo. “Sabay namin kayong gagabayan ni Dana para hindi na ito maulit.”

Kinahapunan, pinanood ni Migo sina Dana habang nagpapatintero. Matatapos na sana ang laro nang magpaalam ang isang bata. Agad lumapit si Migo at nagboluntaryo.

“Bawal ang lampa rito,” ismid ni Dana.

Ngumiti si Migo. “Subukan ninyo ako,” hamon niya.

Dahil ayaw pang mag-uwian, isinali siya sa grupo nina Dana. Hindi nahirapan si Migo. Sa kanilang baryo sa Cotabato, siya ang pinakamaliksi at matulin sa pagtakbo.

“Ang galing mong umilag sa patotot, Migo!” bilib na sabi ng isang kalaro.

“Maliit pero mabilis!” hiyaw ng isa pa.

Tiningnan ni Dana ang batang Tausug. “Bukas ulit, ha?” sabi nito.

Lalong naging masigasig si Migo sa mga sumunod pang araw. Tinuruan niya si Dana sa paggawa ng mga asignatura sa matematika. Tinulungan naman siya nito sa mga proyekto nila sa agham.

Unti-unting nagdagdagan ang mga kasama nilang nag-aaral bago mag-uwian. Kapag walang asignatura, sama-sama rin silang naglalaro ng patintero, taguan, o kaya’y habulan.

Minsan, habang nagririses, sinubok ni Migo ang memorya ni Dana. Tinuturuan kasi niya ito ng ilang salita at pahayag na Tausug.

Maunu unu ra kaw?” pangungumusta niya.

Marayaw da,” sabi ni Dana habang iniaalok kay Migo ang nilagang saging na saba. “Ikaw, maunu unu ra kaw?”

Marayaw da,” masaya at puno ng pag-asang sagot ni Migo habang inaayos ang kaniyang kupya. Naisip niyang hindi lang pagkakaroon ng kaibigan ang natupad sa araw na iyon. Nakilala at naipakilala rin niya ang sarili bilang kapantay ng iba.

 

Advertisement

Editors and Contributors

GUEST EDITOR

Jade Mark B. Capiñanes earned his bachelor’s degree in English at Mindanao State University in General Santos City. He has been a fellow for essay at the 2016 Davao Writers Workshop and the 2017 University of Santo Tomas National Writers Workshop. His “A Portrait of a Young Man as a Banak” won third prize at the Essay Category of the 2017 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature.

REGULAR EDITOR

Jude Ortega is a short story writer from Senator Ninoy Aquino, Sultan Kudarat. He has been a fellow in two regional and four national writers workshops. In 2015, he received honorable mention at the inaugural F. Sionil José Young Writers Awards. His short story collection Seekers of Spirits is forthcoming from the University of the Philippines Press.

CONTRIBUTORS

Rio Alma is the pen name of National Artist for Literature Virgilio S. Almario. He is a poet, critic, translator, editor, teacher, and cultural manager. He is currently the chairman of the Komisyon sa Wikang Filipino and the National Commission for Culture and the Arts.

Mark Angeles was a writer-in-residence of the International Writing Program at the University of Iowa in the United States in 2013. He is the author of the children’s books Si Znork, Ang Kabayong Mahilig Matulog and Si Andoy, Batang Tondo, the short story collection Gagambeks at mga Kuwentong Waratpad, and the poetry books Emotero, Patikim, and Threesome. He received awards for his works from Komisyon sa Wikang Filipino, Don Carlos Palanca Memorial Foundation for Literature, and Philippine Board on Books for Young People.

Rogelio Braga is a playwright, fictionist, and essayist born and raised in Manila. Among his notable works on theater are “Ang Mga Mananahi,” “Ang Bayot, Ang Meranao, at ang Habal-Habal sa Isang Nakababagot na Paghihintay sa Kanto ng Lanao del Norte,” “So Sanggibo a Ranon na Piyatay o Satiman a Tadman,” and “Mas Mabigat ang Liwanag sa Kalungkutan.” His short stories appeared in various publications such as TOMAS and Ani. He was a fellow for fiction at the UST, Ateneo, and UP national writers workshops and for Art Criticism at J. Elizalde Navarro National Writers Workshop for Criticism in the Arts and Humanities.

Reparado B. Galos III is a poet and lawyer. He was a fellow at the Linangan sa Imahen, Retorika, at Anyo’s poetry clinic in 2006 and became a member of the group in 2007. His poetry collection in Filipino won first prize at the Maningning Miclat Poetry Awards in 2015.

Jeric F. Jimenez is a graduate of AB Filipinolohiya at Polytechnic University of the Philippines–Sta. Mesa in Manila. He has taught in elementary, junior high school, senior high school, and college. His short stories are included in the anthologies Piglas: Antolohiya ng mga Kuwentong Pambata and Saanman: Mga Kuwento sa Biyahe, Bagahe, at Balikbayan Box.

Johanna Michelle Lim is a brand strategist, creative director, and travel writer based in Cebu City. She was a fellow at the 54th Silliman University National Writers Workshop and is the author of What Distance Tells Us, a collection of travel essays.

Bernadette V. Neri writes fiction and plays and teaches creative writing at the Department of Filipino and Philippine Literature, University of the Philippines–Diliman. She is the author of the children’s book Ang Ikaklit sa Aming Hardin. She is originally from Gabaldon, Nueva Ecija.

Jose Victor Peñaranda was a poet and community development practitioner. He was the author of the poetry collections Voyage in Dry Season (Sipat Publishing), Pilgrim in Transit (Anvil Publishing), and Lucid Lightning (UST Publishing). He received awards for his poetry from the Carlos Palanca Memorial Foundation for Literature, Manila Critics Circle, Philippines Free Press Award, Unyon ng mga Manunulat sa Pilipinas, and Philippines Graphic’s Nick Joaquin Literary Awards. He was born in Manila in 1953 and passed away in 2017.

Ralph Jake T. Wabingga is a college instructor and used to be a writer and producer for television. He was a fellow for fiction at the Davao Writers Workshop in 2017. He is from Sulop, Davao del Sur.