Tinted Nails

By Allan Ace Dignadice
Poetry

 

Woke up early
to go

to fall in line
to look for
a name

that should be mine
with hundreds of
people that

I don’t recognize
unfamiliar faces
for the first time

I sat
I pondered

and caught a glimpse
of a sacred ballot

I sat
I pondered

I remembered
the bills
that now are in
my pocket

a kilogram of rice
that will help
my family

my children
to get through
the week

I sat
I wrote his name

I sinned
I don’t—

I didn’t care

if he wins
if they suffer

at least not me
not my family

all we get in
the end is
a couple of bills
and

just tinted nails

Advertisements

Pisokol

Ni Michael B. Egasan
Dula

 

(Unang itinanghal ang dulang ito sa 3rd Drama Festival ng Apat Sa Taglamig sa St. Alexius College sa Koronadal City, South Cotabato, noong Pebrero 2016.)

 

Mga Tauhan

Andoy: sampung taong gulang, malanding bading, may lihim na pagtingin kay Khael

Gemma: sampung taong gulang na batang babae, sugarol at magaling sa pera

Khael: labing-isang taong gulang na guwapong lalaki, matalino at masigasig mag-aral

 

Tagpo

Alas-siyete ng gabi sa buwan ng Pebrero taong 2000, sa parking lot ng isang malaking restaurant malapit sa dagat sa isang siyudad

 

Eksena 1

Tutugtog ang korus ng kantang “Patuloy ang Pangarap” ni Angeline Quinto. Tatambad ang entabladong ginawang car park. Sa kanlurang bahagi nito, may maliit na concrete barrier at may isang poste ng ilaw na gagawing ilaw ni Khael para mag-aral ng leksiyon. Nakalagay din sa ibaba ng poste ang isang sirang school bag.

Nasa stage ang batang sina Gemma at Khael, nakaupo at nagbibilang ng mga kinitang barya. Nakasuot si Gemma ng tsinelas, shorts, at T-shirt na may floral print na halos hindi na nakikita sa kalumaan. Nakasuot naman si Khael ng tsinelas at uniporme sa isang paaralang elementarya.

Manggagaling si Andoy sa hanay ng mga manonood. Nakasuot siya ng lumang leotards, shorts, at tsinelas. May nakasabit ding sling bag na pambabae sa kaniyang balikat.

ANDOY: Stoooooooop! Antayin ni’yo ako bago kayo magbilang!

KHAEL: Pambihira naman, Andoy. Nakakagulat ka.

GEMMA: O ano, Andoy? Deposited na ba lahat, ha? Tatawa.

ANDOY: Oo. Eto nga o. Amuyin mo. Ipapaamoy ang kamay kay Gemma.

GEMMA: Hmp! Kadiri ka.

KHAEL: Ba’t kasi an’tagal mong makabalik, Andoy? Saan ka pa ba pumunta?

ANDOY: Hmp! Hindi ni’yo ba alam ang nangyari kani-kanina lang do’n sa may banda sa atin?

GEMMA at KHAEL: Hindi.

Tutungo si Andoy sa gitna ng entablado at sasayaw sa tunog ng kantang “Hot Issue.”

ANDOY: May hulihang nangyari kanina do’n sa atin. Super habulan ang drama ng mga pulis at mga tambay do’n. Pero alam ni’yo ba kung sino ang star? Si Mang Teksio at . . .

GEMMA: Sino?

ANDOY: At . . . At si Manong Arnel! ’Yong tiyo mo, Khael. Hinuli ng mga lespu ang Tiyo Arnel mo. Sa wakas! Tatawa.

GEMMA: E ano pa nga ba ang bago sa kaniya? E talaga namang bantog na kawatan ’yang tiyo mo, Khael, at pusher ’yang si Mang Teksio. Buti nga sa kanila.

ANDOY: Check!

Nabagabag si Khael sa nangyari, pero hindi niya ito ipinahalata.

KHAEL: O siya, hali na, magbilang na tayo ng kinita natin.

ANDOY: Bente, bente-uno, bente-dos, bente-tres, bente-kuwatro, bente-singko. Bente-singko? Pambihira naman. Bente-singko pa lang ang kita natin? Kakamot sa ulo.

GEMMA: Bente-singko. Hindi ba halata? Haler!

ANDOY: E sa gusto kong mag-comment. Pakialam mo.

KHAEL: O, nag-aaway na naman kayong dalawa. Mas lalo tayong mamalasin niyan pag nagpatuloy ’yang bangayan ni’yo. Sabi nga ni Tatay, “Relaks, para lumapit ang grasya.”

ANDOY: Hmp! Tatayo at dudukutin sa sling bag ang isang lalagyan ng compact powder at mananalamin. Maganda pa rin ba ang beauty ko, Khael?

KHAEL: Oo naman. Ngingiti na para bang nangungutya, saka kukunin ang isang notebook at isang libro mula sa bag at magbabasa sa ilalim ng poste. Pero sa totoo lang, hindi ko rin alam kung aabot ’yong kita natin ngayon sa kailangan ko para sa project. Sa pagkakahuli ng Tiyo, hindi ’yon matitiis ng Tatay. Kaya wala na akong aasahang pera sa kaniya. Tsk!

GEMMA: Ayan, magpapalaki na naman ng utak si Khael. Maglalakad na para bang mabigat ang ulo sa laki ng utak.

ANDOY: Asus! Para saan ’yan, Khael? Sigurado ka bang makakatapos ka ng elementarya?

KHAEL: Oo naman.

GEMMA: E makakatungtong ka ba ng high school? Tatawa.

ANDOY: Bubulong kay Gemma. Dapat sabihan pa natin ang mga tao na magtapon pa ng maraming basura para mas marami ang makakalakal ni Nong Bildo at Nang Badak kasi ’yong anak nila ambisyoso. Tatawa kasabay ni Gemma.

KHAEL: Sige, pagtawanan ni’yo akong pareho. Makikita ni’yo. Ituturo ang dalawang kausap.

Kakanta ng ilang linya mula sa “Mangarap Ka” ng After Image.

GEMMA: Ikaw kasi. Titingin kay Andoy.

ANDOY: Anong ako? Ikaw kaya. Nanlalaki ang mga mata kay Gemma, tapos babaling kay Khael. Kasi naman, Khael, dapat tanggapin na natin na ang tulad nating mga dukha na, pulubi pa, e wala nang mararating. Ga-gradweyt nga tayo ng elementarya, hindi naman sure if maka-high school.

GEMMA: Alam mo, Khael, korek si Andoy. Ako, tanggap ko na rin ’yan, kaya nga ini-enjoy ko na lang ang lahat.

ANDOY: Alam mo, Gemma, bukod sa pareho tayong maganda, pareho rin tayo ng isip minsan. Inuulit ko, minsan. Hali ka, sabayan mo ako, Khael. Ito dapat ang gawin natin sa pagtanggap ng ating kapalaran.

Kakanta ng ilang linya mula sa “Sama-sama” ng Alamid.

KHAEL: A, basta ako, patuloy akong magsusumikap, mag-aaral nang mabuti, at gumawa ng tama. Mali kayo na ang tulad natin e walang tsansa na maging maginhawa.

ANDOY: O sige nga, papano mo gagawin ’yan?

KHAEL: Ang sabi kasi ni Tatay, may mga tumutulong sa mga estudyanteng mahirap pero matalino.

GEMMA: Ha? Meron bang gano’n?

KHAEL: Oo. Ang Department of Social Work and Development, sabi ng Tatay. Sila daw ’yong isa sa mga tumutulong sa mahihirap.

ANDOY: Wow! Social? Siguro ang sososyal ng mga tao diyan. Gusto ko ’yan!

GEMMA: Tse! Tumahimik ka nga. Bobo!

KHAEL: Pero hindi lang naman sila. May mga iba pang tumutulong. Sabi nga rin ni Tatay, may mga politiko rin na nagpapaaral. May mayayaman ding may foundation na tumutulong. Kahit pribadong kompanya, tumutulong din.

ANDOY: Hmp! Paano pag hindi ka matalino? E di ka mapapansin?

KHAEL: Sabi ni ma’am, walang taong bobo. Nagiging bobo ka kasi tamad ka. Sabay turo kay Andoy. Tamad ka lang mag-aral.

ANDOY: Aarte na parang nabaril at hihiga sa sahig. Ouch! Ang sakit no’n ha.

KHAEL: Kaya ako, sisipagan ko ang pag-aaral. Tatayo at tutunguhin ang spotlight sa entablado. At magiging isang mahusay na engineer ako. Habang sinasabi niya ito, para bang nakikita niya ang sarili sa hinaharap. Tutugtog ang musikang “Go the Distance” ni Michael Bolton sa bandang unang koro.

GEMMA: Wiw! Andoy, tara na nga. Maglaro muna tayo ng tumbo. Baka kasi Yolandahin tayo rito sa lakas ng hangin.

Tatakbo ang dalawa sa kabilang bahagi ng entablado at maglalaro habang naiwang mag-isa si Khael na nagbabasa.

GEMMA: One, two, three . . . Yes! Panalo!

ANDOY: Ay, malas!

GEMMA: One, two, three . . . Tatawa. Ako na naman ulit!

ANDOY: Sandali, sandaleeeeeh! Bakit ikaw na lang lagi? Mandaraya ka. Tulisan! Kawatan! Ganid!

GEMMA: Talunan! Boba! Hindi ko kasalanan na parati kang talo.

ANDOY: Palibhasa, mana ka sa nanay mong sugarol. Pamilya kayo ng mga sugarol! Sasabunutan si Gemma.

KHAEL: Hoy! Ano ba kayong dalawa?

ANDOY: Si Gemma kasi, madaya.

GEMMA: Hindi kita dinaya. Sadyang bobo ka lang talaga. Ang mga bobo, walang mararating.

KHAEL: Gemma, tama na.

GEMMA: At ang sakit-sakit ng pagkasabunot mo sa akin ha.  Kakanta ng ilang linya mula sa “Babae Po Ako” ni Tuesday Vargas.

Maiiyak si Andoy. Aakap siya kay Khael.

ANDOY: Hindi ko kasalanan ang maging bobo. Hindi ko rin gusto ang maging bobo.

KHAEL: Tama na, Andoy. Hindi sinasadya ni Gemma ’yong mga nasabi niya.

Bahagyang kikiligin si Andoy, papahiran ang luha, at tutungo sa spotlight ng poste, saka magpo-pose na para bang isang ramp model.

ANDOY: Oo, bobo na nga ako. Kasi sa araw-araw na ginawa ng Diyos ay jinujumbag ako ng aking fadir. Kaya masyado nang naaalog ang aking utak. Hali kayo at tingnan ni’yo ang aking bagong pasa sa leeg. Kukunin ang panyo sa leeg. Sinubukan akong patayin ng aking fadir kagabi. Sinakal niya ako. Mangiyak-ngiyak. Dahil lang sa nakita niya ang mga ito. Bubunutin sa shoulder bag ang mga larawang naka-sketch na may iba’t ibang disenyo ng damit at itatapon sa sahig. Buti na lang ando’n ang mga kuya at naawat siya.

GEMMA: Pupulutin ang isang sketch. Wow, bakla, ang ganda-ganda naman nito.

KHAEL: Gawa mo ang lahat ng mga ito, Andoy?

ANDOY:  Hindi. Gawa ng mga sirena do’n sa dagat. May itinuturo kunwari. Siyempre, oo!

KHAEL at GEMMA: Wow!

ANDOY: Pangarap kong maging isang fashion designer ng mga sikat na artista sa mundo. Bibihisan ko sila ng aking mga nilikhang damit. Rarampa na para bang isang ramp model kasabay ang tugtog na “Bongga Ka, Day!” ng The Hotdogs. Natatakot lang ako dahil kay fadir.

KHAEL: Alam mo, tama ’yan, Andoy. Hindi ka man magaling sa academics, may talento ka naman sa pagde-design ng mga damit.

ANDOY: ’Yon nga lang, ayaw ng aking fadir ang talent ko. Sabi niya, salot daw ang maging bayot. Malas daw ako sa pamilya. Iiyak nang bahagya.

KHAEL: Nakalagay kaya sa libro natin na karapatan ng isang bata ang kilalanin siya kung ano siya. Karapatan din nating mga bata ang magkaroon ng isang mabuti at maligayang pamilya at ng mga pangarap. ’Yong ginagawa sa iyo ng tatay mo, labag sa ating mga karapatan at sa batas.

GEMMA: Kriminal ang fadir ni Andoy?

KHAEL: Kailangan lang ng tatay ni Andoy na maunawaan ang ating mga karapatan.

GEMMA: Tama. Nakita ko no’n sa TV ’yong Bantay Bata 163 na hinuhuli nila ’yong mga nanay at tatay na nananakit ng mga anak. Baka puwede tayong humingi ng tulong do’n.

KHAEL: Pero hindi na siguro natin paabutin do’n. Andoy, gusto mo bang kausapin ni Tatay si Tatay mo para naman maliwanagan siya? Puwede niyang yayain ang tatay mo na mag-volunteer do’n sa DSWD.

ANDOY: Bet na bet ko ’yan! Ang problema naman ay baka ako naman ang pagbalingan ni fadir.

KHAEL: Baka nakakalimutan mo, mag-best friend si Tatay mo at Tatay ko.

ANDOY: Ay, oo nga pala! Papalakpak saka babaling ang tingin sa isang sulok. Uy, di ba si Princess ’yon? ’Yong crush ni Khael na taga-condominium. Princess! Princess! Andito si Khael, o!

KHAEL: Uy, ’wag kayong ganiyan.

GEMMA: Uuuy, si Prinsipe o, nahihiya.

ANDOY: Kikiligin. Ayyyy! Tinatawag ka niya o! Dali, puntahan mo na.

KHAEL: Hala, nakakahiya. Aayusin ang sarili at tatakbo palabas ng stage.

GEMMA: Makikitsismis na rin ako. Susunod kay Khael.

ANDOY: Sige, dito lang ako. Susundan ng tingin ang dalawa. Mag-e-emote kasabay ng kantang “Bakit nga ba Mahal Kita” ni Rosselle Nava.

GEMMA: Papasok ng entablado kasama si Khael na kinikilig pa rin. Hoy, Andoy! Ang ganda talaga ni Princess pag sa malapitan. Perfect talaga silang dalawa ni Khael—guwapo at maganda.

Ibabaling ni Andoy ang tingin kay Gemma.

ANDOY: O, halos nakalimutan ko, may prinsesa pala ng sugal tayong kasama rito.

GEMMA: Tse! Gusto mong ako ang jumumbag sa ’yo ngayon? Aakmang susuntukin si Andoy, at saka tutunguhin ang spotlight ng poste. Simula ngayong gabi, idedeklara kong hindi ako titigil hangga’t hindi ko nakakamit ang aking pangarap!

ANDOY: Maging reyna ng tumbo at pyat-pyat? Tatawa.

GEMMA: Mali! Kikilalanin ako sa buong barangay bilang si Gemma, ang magaling na labandera! Sa tugtog ng kantang “Gloria Labandera,” rarampa na parang isang beauty queen na pakaway-kaway. Mababakas sa mukha ang pagiging proud sa kaniyang trabaho.

Matatawa nang husto sina Andoy at Khael.

ANDOY: Grabe! Ang taas ng pangarap mo, Gemma. Natatawa pa rin.

KHAEL: Nalula ako do’n a. Natatawa pa rin.

GEMMA: Pagtawanan ni’yo ako. Magkukusot ako at magkukula. Makikilala ako rito sa ating barangay bilang ang labanderang pinakamalinis at pinakamabango ang mga nilabhan. Lahat ng mayayaman dito e magkukumahog na malabhan ko ang kanilang maruruming damit. Lalakasan ang boses. At kahit ano pa man, marangal po ang pangarap kong ito!

KHAEL: Oo nga naman, Andoy. Marangal na trabaho ang pagiging labandera. Sina Tatay at Nanay nga, nagbabasura, at ang tatay mo kargador, pero marangal ang kanilang mga trabaho. Nagbabanat sila ng buto para sa mga pang-araw-araw na kailangan natin.

ANDOY: Oo nga naman. Pinipigilan ang tawa.

KHAEL: Kaya tayo, magsumikap na makatapos ng pag-aaral. ’Yon ang pinakamahalaga sa lahat. Pahalagahan ang pagsusumikap ng ating mga magulang para sa atin.  Mangarap tayo at pagsikapan na maabot.

ANDOY at GEMMA: Opo, kuya! Tatawa.

KHAEL: Kuya kayo diyan. Hoy, halos hindi na magkakalayo ang mga edad natin.

ANDOY: Mas gagalingan ko pa ngayon ang pagkanta at pag-awit para mas malaki ang kita natin!

GEMMA: Ako rin!

KHAEL: Kaya nga dapat magpraktis tayo ngayon. Dapat ’yong maganda talagang sayaw at kanta para malaki ang ibibigay ng customers natin. Di ba alam ni’yo naman na may project ako? Kakaunti pa lang kasi ’yong kita natin ngayon.

ANDOY: Tama! ’Yong bonggang-bonggang production number. Sige, Khael, anong kanta ba ang gusto mong kantahin natin?

KHAEL: ’Yong makabagbag-damdamin para maantig ang puso ng customers, plus pamatay sa galing na choreo. Ikaw, Gem?

ANDOY: Hoy, Gemma, bruha! Ano’ng tinutunganga mo diyan?

GEMMA: Tinitingnan ko lang ’yong bata at pamilya sa loob.  Tutunguhin nina Andoy at Khael ang tinitingnan niya. Siguro birthday niya kasi may malaking cake tapos may siyam na kandila. At ang saya-saya nila. Pangarap ko na sana minsan pag-uwi ko ng bahay, may cake din ako. Hindi pa talaga ako nakakatikim ng cake na ganiyan kalaki, o kahit na anong cake tuwing birthday ko.

ANDOY: Sister, ako rin, hindi pa nakakatikim ng cake na ganiyan. Ano kayang lasa niyan?

KHAEL: Hmmm . . . May naisip na ako. Ipikit natin ang ating mga mata at isipin natin ang lasa.

GEMMA: Ha? Paano? E hindi pa nga tayo nakakatikim ng cake?

KHAEL: Isipin natin ang masasayang alaala natin. Kasi ’yon ang mararamdaman natin pag nakakatikim tayo ng masarap na pagkain. Di ba ’yon ’yong naramdaman natin no’ng pinakain tayo ng pansit ni Mamang Guard diyan sa restawran? Kaya ngayon, isipin natin ang pinakamasayang sandali nating tatlo. Tiyak super masarap ito!

GEMMA, KHAEL, at ANDOY: Ipipikit ang mga mata. Mmmmmmm . . .

GEMMA: An’sarap! Naalala ko tuloy kung gaano ako kasaya no’ng naging magkaibigan tayo at natuto tayong kumanta.

Tutugtog ang kantang “Kayganda ng Ating Musika” ni Hajji Alejandro.

ANDOY: Hali na kayo, practice muna tayo.

Lalabas ng entablado ang tatlong bata. Lights off.

 

Eksena 2

Tutugtog ang kantang “In my Life” ng Beatles. May papasok na isang bading na mukhang sopistikada at sosyal. May kausap ito sa phone.

BADING: Girl, asan ka na ba? Alam mo, hindi pa rin kayo nagbabago. Always late. Masisira na ang beauty ko. Pleeeaaassseee! Oo, he called na, on the way na rin siya. Gaga. Aba siyempre, kinikilig pa rin ako sa kaniya. Tatawa. Sige na, magmadali ka na diyan. Yes, I know, kaya binook ko ’yong flight ko pabalik ng Milan a day after ng opening ng pansampung laundry shop mo. You’re welcome. OK, OK, ciao!  Ibababa ang phone, iikot sa car park, at makikita sa mukha nito ang ngiti na para bang may naalala.

Papasok ang tatlong bata na para bang nag-uusap pa sa kanilang choreo.

ANDOY: Uy, may customer!

Tatakbo ang tatlo at magsisimulang kumanta ng “Bakit Pa?” ni Jessa Zaragoza.

KHAEL, ANDOY, at GEMMA: Piso, kol! Sabay-sabay na nakaharap ang kanilang mga palad sa tatlong may edad.

BADING: Anong piso? Pam-five hundred ang performance ni’yo! Sabay abot ng pera sa palad ni Khael.

Tatakbo ang tatlong bata palabas ng entablado na tumatawa sa saya.

Lights off.

Lights on.

BADING: Ay, punyeta! Pupulutin ang red sling bag ni Andoy na naiwan. Mapapaisip. Fifteen years ago, ganitong shoulder bag din ’yong naiwan ko no’n dito! Aakmang para bang masaya na nagulat.

Lights off.

Editors and Contributors

GUEST EDITOR

Hazel-Gin Lorenzo Aspera is a registered nurse, artist, and writer. She spent her childhood in Cotabato City and is now based in Cagayan de Oro City. A fellow for literary essay at the 1st Cagayan de Oro Writers Workshop, some of her feature stories appear in the book Peace Journeys: A Collection of Peacebuilding Stories in Mindanao. Currently, she is Associate Director for Communications and Junior Fellow for Literary Essay of Nagkahiusang Magsusulat sa Cagayan de Oro (NAGMAC). She has a forthcoming work at Mindanao Odysseys: An Anthology of Travel Essays.

REGULAR EDITORS

Eric Gerard H. Nebran is an educator and illustrator from General Santos City. He is currently a PhD Comparative Literature student at the University of the Philippines–Diliman. His research interests include orality, history, and literary productions of his hometown.

Jude Ortega is the author of the short story collection Seekers of Spirits (University of the Philippines Press, 2018) and has been a fellow for fiction at two regional and four national writers workshops. In 2015, his stories received honorable mention at the inaugural F. Sionil José Young Writers Awards and at the Nick Joaquin Literary Awards. He divides his time between Senator Ninoy Aquino and Isulan, both in Sultan Kudarat.

CONTRIBUTORS

Allan Ace Dignadice is from Koronadal City, South Cotabato, and a BS Electronics Engineering student at Mindanao State University in General Santos City. He is a former editor in chief of Ang Tagatala, the official school publication of Koronadal Comprehensive National High School.

Michael B. Egasan is from Koronadal City, South Cotabato, and currently works in the United Arab Emirates. He earned his BS Commerce (major in Management Accounting) degree at Notre Dame of Marbel University in Koronadal City.

Mariz J. Leona is from Lambayong, Sultan Kudarat, and an AB English student at Mindanao State University in General Santos City. She was the winner of the 2017 Sultan Kudarat Essay Contest and a finalist in the 2018 Get Lit! contest for young-adult short stories.

Riccah Jedaina Moranos Ondoy was born in Kiamba, Sarangani Prrovince, and is currently a Humanities and Social Sciences student at the senior high school department of Notre Dame of Dadiangas University in General Santos City.

Introduction

In observance of National Indigenous Peoples Month, we are featuring in this issue of Cotabato Literary Journal contemporary creative works that are written by the lumad or about the lumad in the region. The works do not represent or reflect all the local indigenous literatures; our limited resources prevent us from undertaking such a project. The works deal only with a few tribes and a few themes. But each of them provides an insight into the shared aspects of the plights and cultures of indigenous peoples.

The original lyrics of the Blaan song “Kastifun” has appeared in the National Arts Month (February 2018) issue of this journal, and for the song to reach a wider audience, we are publishing its Filipino and English translations in the current issue. “Kastifun,” which literally means “gathering,” is the most popular song of Silek Musical Ensemble, the five members of which play both modern and indigenous musical instruments. At the core of the song is the persona’s deep concern with violence. Bakit tayo nag-aaway sa sariling bayan? is the most repeated line. As translated by Henry G. Dalon, the persona further states: Kailan matatapos ang pagdanak ng dugong Blaan sa bawat tinutunguhang bayan?/ Maraming matatapang,/ Maraming masasamang salita. The song seems to confirm the Blaan people’s reputation for being one of the fiercest tribes in the Philippines. But in the latter part, the persona expresses a longing and plea for peace, obviously the ultimate message of the composition: Magtulungan tayo sa ikauunlad ng bayan./ Itigil na natin ang pag-aaway.

“Si Sambiling owoy sa Senang,” written in the Dulangan Manobo language, is difficult for us to categorize. The story contains fantastical details that the writer, Mark Banday Lu, considers true. In modern literary practice, such details would not be included—or would be presented as mere beliefs and not actual occurrences—in nonfiction pieces, or the whole work would be classified as fiction. We decided not to evaluate the work using mainstream standards and regarded it the way the writer does—a real story of a member of his family. Sambiling Banday, who died in February this year, was a tribal healer and Lu’s grandfather. Through oral storytelling, his experiences were passed on to his children and grandchildren, and the account in this journal is the very first written version. (We would like to thank Monica Aquino Kamal for helping us with the orthography.) The story is rich and quite interesting. While living in the middle of the jungle and guided by a magical beam of light, Sambiling encounters humanlike pigs, one of which became his second wife, a family of talking monkeys, and irascible deities, among others.

“Bulawan,” a one-act play by Anna Liz V. Cabrido, is about a Blaan couple caught in a complicated conflict between a mining company and government forces on one side and communist rebels on the other side. Although melodramatic and clearly written from an outsider’s point of view, the play succeeds in showing the readers the difficult choices that many indigenous people have to make in the face of systemic oppression.

“Panibagong Digma,” a poem by John Carlo S. Gloria, deals with a similar subject matter. In December last year, two government soldiers and eight men belonging to the Tboli and Dulangan Manobo tribes were killed in the boundary of South Cotabato and Sultan Kudarat. The military called the incident a legitimate operation against communist rebels. Progressive groups called it a massacre of civilians fighting for their ancestral domain against a private plantation. In harrowing images, Gloria echoes the latter: Hindi paggapas sa bukid ang aalingawngaw/ sa tamlay ng araw/ kundi mga kalabit sa gatilyo ng punglo/ na sasaluhin ng inyong katawan at bungo. However anyone sees what happened, everyone will agree that the poem is right about one thing—violence will beget violence: Kaya’t dito, sa inyong minsang pinagyaman at pinatabang lupa,/ tutubo’t yayabong ang isang panibagong digma.

In the spoken word poem “Tintang Dugo,” Kenneth Michael L. Dalimbang makes a confession: he has gotten a girl pregnant. Still in his teens, he is not ready yet for the responsibility that lies ahead and the commitment that he will have to make. The lines are heavy with regret: Dugo ang tinta, at walang hanggan ko nang isusulat/ Ang hinagpis na dulot ng pagkakamaling/ Sa iba’y hindi maisusumbat. Religion further complicates his predicament. He is a Christian, and the girl is a Muslim. That Dalimbang has been raised as a Christian and holds traditional Christian values might come as a surprise to many Christian settlers. Even to this day, many members of non-lumad tribes still stereotype the lumad as animists or polytheists, among other things. The poem does not only make us feel the poet’s personal agony; it also gives us a glimpse of his tribe’s changing—or changed—way of life.

“Barefoot Bulayan,” the text of a picture book by Mary Ann Ordinario, is based on a true story of a Bagobo boy. Bulayan does not like wearing shoes, which causes his classmates, who presumably belong to settler families, to taunt him. His teacher and some other concerned individuals give him shoes, but Bulayan remains indifferent to both the bullying and the generosity. Eventually, the teacher and the school principal learn why when they go to Bulayan’s community, and the story ends with understanding and acceptance. Without being didactic, Ordinario teaches readers, settlers especially, how we should deal with the lumad. We need not change them to accept them. We need to change ourselves instead.

Jude Ortega
Isulan, Sultan Kudarat

Kastifun

By Silek Musical Ensemble
Lyrics

Pagtitipon
(Translated by Henry G. Dalon)

Lagi kong tanong, gaano karami
Lahing Blaan sa aming bayan.
Anuman ang dugong pinagmulan
Ay pinagmulan ko rin.

Bakit tayo nag-aaway sa sariling bayan?

Kailan magkakaroon ng pagtitipon para sa pagkakaisa ng mga Blaan?
Kailan matatapos ang pagdanak ng dugong Blaan sa bawat tinutunguhang bayan?
Maraming matatapang,
Maraming masasamang salita.

Kailan magkakaisa ang dugong Blaan?
Bakit tila iba-iba ang tinatahak nating daan?
Magtulungan tayo sa ikauunlad ng bayan.
Itigil na natin ang pag-aaway.

Bakit tayo nag-aaway sa sariling bayan?

Kailan magkakaroon ng pagtitipon para sa pagkakaisa ng mga Blaan?
Kailan matatapos ang pagdanak ng dugong Blaan sa bawat tinutunguhang bayan?
Maraming matatapang,
Maraming masasamang salita.

Kailan magkakaisa ang dugong Blaan?
Bakit tila iba-iba ang tinatahak nating daan?
Magtulungan tayo sa ikauunlad ng bayan.
Itigil na natin ang pag-aaway.

Kailan magkakaisa ang dugong Blaan?
Bakit tila iba-iba ang tinatahak nating daan?
Magtulungan tayo sa ikauunlad ng bayan.
Itigil na natin ang pag-aaway.

Bakit tayo nag-aaway sa sariling bayan?
Bakit tayo nag-aaway sa sariling bayan?

Gathering
(Translated by the editors, based on the Filipino translation by Henry G. Dalon)

I always ask how many
The Blaans are in our land.
Their lineage
Is my lineage too.

Why do we fight in our own land?

When will we have a gathering to unite the Blaan people?
When will Blaan bloodshed in every land end?
So much cruelty,
So many unkind words.

When will people of Blaan descent unite?
Why do we seem to take different paths?
Let us work together for the progress of the land.
Please let’s not fight.

Why do we fight in our own land?

When will we have a gathering to unite the Blaan people?
When will Blaan bloodshed in every town end?
So much cruelty
So many unkind words.

When will people of Blaan descent unite?
Why do we seem to take different paths?
Let us work together for the progress of the land.
Please let’s not fight.

When will people of Blaan descent unite?
Why do we seem to take different paths?
Let us work together for the progress of the land.
Please let us not fight.

Why do we fight in our own land?
Why do we fight in our own land?

Si Sambiling owoy sa Senang (Si Sambiling at ang Sinag)

Si Sambiling owoy sa Senang
Sinulat i Mark Banday Lu, iya sa tegodon sa hagdi eg-etud bébê

Aken si Sambiling Banday, nekeugfà diyà teliwada tuduk. Egoh anay, nekeugfà a diyà medoo etaw. Egoh sasang kesetimbakay owoy keseimatayay, egkedan a danà sa feso. Inuwit ku sa naken segemalay diyà teliwada tuduk, diyà menuwa endà dé meuma di sa medoo medaet etaw.

Migbael ké dalesan anay mekeuma ké dutu. Kineanaw simag, tumibah ké anì mekehemula ké falay, kelang, katilà, owoy katilà kayu. Meuma sa keenem owoy kefitu gesigef, tumegeinif a sa senang. “O Sambiling, mefion ka etaw,” guwaen sa senang. “Ledaben ka, huenan di nekeuma ka dini. Huenan di tabangan ko kuna sa kaugfà ko dini.”

Sumiod a owoy tumaen a bakil. Enda egkegaga subela babuy, agkaen hinemulaan. Meuma telu agdaw, tumelow a bakil. Hinaa ku duen defanug. Toltulen ku sa defanug. Mekeuma a sa dakel batu, enda dé haawen ku sa defanug. Meukaan sa batu. Hauwen ku sa senang. Mikagi. “Egdalem ka.” Diyà ludef, duen hinaa ku medoo etaw metaes belengos. Felas da mebabuy. Mikagi sa datu babuy, “Ginafen bakil ko sa anak ku maama, huenan di bulung ko. Amuk enda bulungen ko duu, matay. Amuk matay, matay ka ma. Tabeli ko sa sigfù ko owoy lumikù ka.”

Mekeuma a dalesan, luminadu a. Enda fekeenaw a. Enda ma egkaen. Egtalà sa bekong. Eg-segoysoy sa ngingi di, owoy mekesugat kenaken. Lagà a egfeguwal-uwal ubal. Fenelikuan ko sigfù ko igfetantang sa datu babuy. Mekeuma a dutu datu babuy. Mikagi kagdi, “Temù maama ka. Huenan di danà ko, nehagtay sa anak ku. Ifasawa ku keniko sa anak ku bayi.” Enda ma egkeiyaf a, ugéd kinawing kédo. Huenan di nekemudi a babuy.

Agulé ehoh ku eglikù hanaa ku sa senang. Guwaen di, “O, kailawan, fetéél ka likù. Tumalà kani melaud Lambangian. Legkang diyà tuduk metu mangay diyà legaeben. Amuk melayafan kelamag sa bata, luminadu da.”

Mekeuma a dalesan, haawen ku medoo bébê ku. Dok hinilu da. Anan da megsilaylayan na meglinado. Nool lédé mehafun dé, mifanaw a lumenged si melaud Lambangian dutu legaeben dô. Tikong di mesesumbak ké si melaud enda felafela. Inigsaan di aken, “Ngayan ko?” Sagbì ku, “Eglenged a si melaud Lambangian.” Guwaen di, “Oho, mebaluy ok kediya.”

Dumutu a. Haawen ko Bébê Fangagading. Fitu sefang sidung di. Ketulengan ku medoo bébê ku. Guwaen ku, “O bébê, fekiskis a sa sidung ko nagawa kelikuan medoo bébê ku.” Tikong di bumulit folo. Balbalen di aken lubog. Melaguy a. Fekelid a diyà lagfian. Meliteg a owoy mekesaba a diyà sa inay kayo aglébéd-lébéd diyà dakel kayo. Taman iya enda dé hinaa ku saglohot kenaken. Mikagi dema sa senang. Guwaen di, “Nesabaan ko siiya, kagdi bulung sa medoo épê tuduk, épê wayeg, épê kayo, owoy épê batu.”

“Salamat,” guwaen ku. Nool lédé mifanaw a dé. Mekeuma a diyà sagfaw legaeben. Neukaan fetow delama ya. Lumudef a owoy haawen ku sa medoo telakiyén bébê ta. Enda fekefigtuu a. Dasi sudoysudoy mata dasi sudoysudoy leeg, owoy medoo dakel da maama. Sa lifo kagfa, owoy dasi tinabadak.

Medoo ma etaw kailawan ma dalem. Netelas da egoh anay owoy minekasawa da dumata na sa dilong. Iya egmangana kanaken. “Ifasyal ku kuna,” guwaen da. Munut a. Haawen ku sa kansad-kansad bulawan. Medoo bulawan, timbak, owoy gamit lukes dutu. Buyug simag lumikù a. Egoh ku mekeuma a, bulungen ku  medoo bébê ku, owoy nelikuan da melô.

Tumudug a ki neliteg. Agulé mehafun dé umanaw a dé. Minem a kafi. Ubus iya wé telowen ku kelangan ku ya. Tikong haawen ku sinefi ubal. Beken-ukul di! Nool lédé egbulit a. Bumael a tufil owoy igtaen ku.

Enaw semag, agulé telowen ku sa tufil, haawen ku ubal minefeleng. Mikagi, “Hê, nekekuwa tufil ku ya.” Melum fulo sa bayi ubal. Guwaen di sa anak di, “Naal fa kasalafan yu daya. Haayu emâ yu ya, nematay dé.” Nagaef a ki mig-olom sa ubal. Sagbì ku, “Sala yu huenan di. Seféen yu daa sa kelang. Enda ma kaenen yu du. Atong keg kaliteg egkelu.” Tinagakan ku. Edong egoh, enda dé egkaen a ubal. Etaw ma doo folo iya wê nebaloy ubal egoh anay danà sa medoo nebatun.

Sebaen agdaw, inolomon a sa senang. Guwaen di, “Ifanaw ka angay katelow siod.” Mangay a tumelow siod. Netalas a. Folo tikong haawen ku sa lawi nedugbunan det manduo tafasal. Salilen ku. Haawen ku dalem sa lukes si Belahungen. Guwaen di, “A kaaya ka dé. Angay ka langit dò.”

“Tiegen kaangay ko dutu?” mikagi a. “Enda ma duen naken idu balakat.”

“Sini telinga ku owoy lisen ku,” sagbì di.

Migdeket kenaken sa telinga di owoy lisen di. Enda ma eghauwen kuduu telinga owoy lisen, ugéd egdinegen ko sa afaydifa ekagiyin fusong ko owoy, egoh ku egkedan, mekeifanaw a diya awang.

Duen fitu maama migsiegung kanak. Guwain ku do muwit kenaken dutu langit, do atok medoo madaet etaw folò. Iya wé mikagi sa fusong da, “Nabuen ta kani dutu fangfang kelamag.” Egfesu a. Egletu a. Fetow a minakaoma diyà kenà i Blahungen, igfelikù telinga owoy lisen di.

Lumikù a. Meuma fila agdaw, haawen ku dé ma sa senang. Mikagi kagdi, “Mokit bitil. Kuna da enda bitilin. Angay ko sido lebuk diya teliwada tinalong. Dalem siini, duen haawen ko telu gebelahan begas owoy telu gebelahan falay. Kuwa ko siini owoy ifekaen sa malayan ko amuk temebow sa sasang bitil.”

Egoh ku eghaa sa lebuk, tinagfed ku. Haawen ko telu meitem owoy tulo mabula. Enda mafelas di begas owoy enda mafelas di falay. Huenan di, egbuong ku. Sa kelikù ku, eg-igsaan di aken si Belahungen, “Kenâ di dé egfakuwa ku keniko?” Sagbì a, “Beken du edò é.” Megbulit sa senang. Mikagi di, “Ini dé dudi é angay ko, sidò sawi nematay.”

Inangay ku egtelow sa delama sa sigtulù sa senang. Meukaan lumudef a. Hauwen ku sawi nematay ya. Guwaen di, “Dineg dineg ka. Amuk mesugat ko sa sagbì ko diyà sa igsa ku, mekegaun ka. Amuk enda, matay ka. Enda dé mekegaun ka. Ini i sa igsa ku: Ngadan kaiyafan ko ya, makailing ka si Inay Tomigel nebaton o miling ka sa tufo ko nematay diyà tanà? Fasiyafat ka sagbì!”

Guwaen ku, “Munut a sa tufo ku nematay diyà tanà. Tikong nekegaun a. Enda nekuwa ku sido sawi mematay. Migsa sa senang, “Nakuwa ko?” Mikagi a, “Enda.” Agulé binegayan di aken tegulong kayo. “Hemula ko. Amuk mehagtay meketuu sa kabeliyan ko. Amuk enda, matay ka doo diyà tanà.” Mikagi a, “Maen dé.” Agulé meg-ebal dé, “Enda di haawen ko akin taman sa taman.” Edung-egoh iya, endà dé hinaa ku duu.

*

Si Sambiling at ang Sinag
Isinulat ni Mark Banday Lu, batay sa salaysay ng kaniyang yumaong lolo

Ako si Sambiling Banday, nakatira sa gitna ng bundok. Noong una, nakatira ako sa maraming tao. Nang magkaroon ng barilan at patayan, umalis ako dahil sa takot. Dinala ko ang aking pamilya sa gitna ng bundok, sa lugar na hindi maaabot ng masasamang tao.

Gumawa kami ng bahay pagdating namin doon. Kinaumagahan, nanghawan kami para makapagtanim kami ng palay, mais, kamote, at kamoteng kahoy. Pagdating ng ikaanim at ikapitong gabi, napanaginipan ko ang isang sinag. “O Sambiling, mabuti kang tao,” ang sabi ng sinag. “Umiiwas ka sa gulo, kaya nakarating ka rito. Kaya tutulungan kita sa pagtira mo rito.”

Gumawa ako ng siod at naglatag ako ng bakil. Hindi makaya ang mga baboy, napakaraming kinakain na tanim. Pagdating ng tatlong araw, tiningnan ko ang bakil. Nakita kong may dugo. Sinundan ko ang dugo. Nakarating ako sa isang malaking bato. Nabuksan ang bato. Nakita ko ang sinag. Sabi nito, “Pumasok ka.” Sa loob, may nakita akong mga tao na may mahahabang nguso. Kamukha sila ng baboy. Sabi ng kanilang datu, “Nahuli ng bakil mo ang anak kong lalaki, kaya gamutin mo siya. Kapag hindi mo siya ginamot, mamamatay siya. Kapag namatay siya, mamamatay ka rin. Iwan mo ang sibat mo at umuwi ka.”

Pagdating ko ng bahay, nagkasakit ako. Hindi ako makabangon. Hindi rin ako makakain. Dumaan ang isang butiki. Tumulo ang laway niya at tumama sa akin. Para akong unggoy na biglang bumangon. Binalikan ko ang sibat ko na ipinaiwan ng datu ng baboy. Sabi niya, “Tunay na lalaki ka. Dahil sa ’yo, nabuhay ang anak ko. Ipapaasawa ko sa ’yo ang anak kong babae.” Hindi ko gusto, pero ikinasal pa rin nila kami. Kaya nagkaroon ako ng pangalawang asawa na baboy.

Habang pauwi ako, nakita ko ang sinag. Sabi niya, “O tagalupa, magmadali kang umuwi. Dadaan mamaya roon ang binatang si Lambangian. Galing siya ng bulkan at papunta ng alapaap. Kapag nadampian ng hangin ang mga bata, magkakasakit sila.”

Pagdating ko ng bahay, nakita ko ang mga apo ko. Nahihilo sila. Lahat sila ay nakahandusay na nagkakasakit. Nang dumating ang hapon, umalis ako upang puntahan ang binatang si Lambangian sa alapaap. Nakasalubong ko ang isang ahas. Tinanong niya ako, “Saan ka pupunta?” Sagot ko, “Inimbita ako ng binatang si Lambangian.” Sabi niya, “Sige, kung ganoon.”

Nagpatuloy ako. Nakita ko si Tandang Fangagading. May pitong sanga ang sungay niya. Naalala ko ang mga apo ko. Sabi ko, “O Lolo, pakiskis naman sa sungay mo para gumaling ang mga apo ko.” Dahil doon nagalit siya. Papaluin niya ako ng lubog. Tumakbo ako. Napagulong-gulong ako sa dalisdis. Napagod ako at napahawak sa isang baging na nakapulupot sa malaking puno. Nawala ang humahabol sa akin. Muling nagsalita ang sinag. Sabi niya, “’Yang nahawakan mong baging, ’yan ang gamot ng mga may-ari ng bukid, may-ari ng tubig, may-ari ng kahoy, at may-ari ng bato.”

“Salamat,” sabi ko. Pagkatapos umalis na ako. Narating ko ang talon sa alapaap. Nabuksan bigla ang malaking bato. Pumasok ako at nakita ko ang mga nilalang na naririnig ko lang dati sa mga kuwento ng lolo ko. Hindi ako makapaniwala. Nakalaylay ang kanilang mata at leeg, at malalaki silang tao. Isang dipa ang kanilang dibdib, at kasinlaki ng langka ang kanilang mga itlog.

Marami ring tagalupa sa loob. Sila ang mga nawala noon at nakapangasawa ng mga hindi nakikita. Sila ang nag-asikaso sa akin. “Ipapasyal ka namin,” sabi nila. Sumama ako. Nakita ko ang patong-patong na ginto. Maraming ginto, baril, at mga gamit ng sinaunang tao roon. Pagdating ng madaling araw, umuwi ako. Nang makarating ako ng bahay, ginamot ko ang aking mga apo, at gumaling sila.

Natulog ako dahil sa pagod. Hapon na nang magising ako. Uminom ako ng kape. Pagkatapos tiningnan ko ang maisan ko. Nakita ko na pinitas ng unggoy ang mga mais. Napakarami! Dahil doon, nagalit ako. Gumawa ako ng tufil at nilatag ito.

Kinabukasan, nang tingnan ko ang tufil, nakita ko ang isang unggoy na nakabigti. Sabi ko, “Aha, nakakuha ang tufil ko.” May babaeng unggoy na biglang nagsalita. Sabi niya sa mga anak niya, “Tama na ang paglalaro ninyo diyan. Tingnan ninyo ang ama ninyo, patay na.” Nagtaka ako na nagsasalita ang unggoy. Sagot ko, “Kasalanan ninyo kasi. Pinipitas lang ninyo ang mais. Hindi naman ninyo kinakain. Napapagod ako kakalinis.” Iniwan ko siya. Mula noon, hindi na ako kumakain ng unggoy. Tao pala ang mga ito na ginawang unggoy ng mga beliyan noong unang panahon.

Nang sumunod na araw, kinausap ako ng sinag. Sabi niya, “Tingnan mo ang siod mo.” Kinaumagahan, tumungo ako sa aking siod. Nawala ako. May nakita akong isang bahay na natatabunan ng kalabasa. Sinilip ko. Nakita ko sa loob ang matandang si Belahungen. Sabi niya, “A, nandiyan ka na pala. Pumunta ka ng langit.”

“Paano ako makakapunta roon?” sabi ko. “Wala naman akong kapangyarihan.”

“Hiramin mo ang mga tenga at paa ko,” sagot niya.

Dumikit sa akin ang kaniyang mga tenga at  paa. Hindi ko nakikita ang mga tenga at paa, ngunit naririnig ko ang mga sinasabi at tibok ng puso ng iba at, nang umalis ako, nakakapaglakad ako sa hangin.

May pitong lalaking sumalubong sa akin. Akala ko sila ang magdadala sa akin sa langit, pero masasamang tao pala sila. Sabi ng puso nila, “Ihulog natin ito mamaya roon sa pinagmumulan ng hangin.” Natakot ako. Tumakbo ako. Nang makarating ako sa bahay ni Belahungen, ibinalik ko ang mga tenga at paa niya.

Umuwi ako. Paglipas ng ilang araw, nakita ko na naman ang sinag. Sabi niya, “Dadaan ang taggutom. Ikaw lang ang hindi magugutom. Puntahan mo ang kawayan sa gitna ng gubat. Sa loob nito, may makikita kang tatlong dakot ng palay at tatlong dakot ng bigas. Kunin mo ang mga ito at ipakain sa pamilya mo pagdating ng taggutom.”

Nang mahanap ko ang kawayan, pinutol ko ito. May nakita akong tatlong itim at talong puti. Hindi mukhang palay at hindi mukhang bigas. Dahil doon, itinapon ko ang mga ito. Pagbalik ko, tinanong ako ni Belahungen, “Saan na ang pinakuha ko sa ’yo?” Sagot ko, “Hindi naman totoo ang sinabi mo.” Nagalit ang sinag. Sabi niya, “Ito na ang huling puntahan mo, ang bumubuhay ng patay.”

Pinuntahan ko ang yungib na itinuro ng sinag. Bumukas ito at pumasok ako. Nakita ko ang bumubuhay ng patay. Sabi niya, “Makinig kang mabuti. Kapag tama ang sagot mo sa tanong ko, makakalabas ka. Kung hindi, mamamatay ka. Hindi ka na makakalabas. Ito ang tanong ko: Ano ang gusto mo, matutulad ka kay Inay Tomigel na nakapunta ng langit o kagaya sa mga kalahi mo, namatay sa lupa? Sagot, bilis!”

Sabi ko, “Sasama ako sa lahi kong namamatay sa lupa.” Bigla akong nakalabas ng yungib. Hindi ko nakuha ang pambuhay sa patay. Nagtanong ang sinag, “Nakuha mo?” Sabi ko, “Hindi.” Pagkatapos binigyan niya ako ng talbos ng kahoy. “Itanim mo. Kapag nabuhay, magiging beliyan ka. Kung hindi, mamamatay ka sa lupa.” Sabi ko, “Bahala na.” Dahil doon, nagpaalam siya. “Hindi mo na ako makikita kahit kailan.” Mula noon hindi ko na siya nakita.