’Wag Tularan

Ni Jean Martinez Fullo
Maikling Kuwento

Iyakan. Nasa labas pa lang ako ng gate nang marinig ko ang iyakan na nanggagaling sa loob ng aming tahanan. Natataranta at nagmamadali kong kinuha ang susi sa aking bag at nanginginig na binuksan ang gate. Nakabukas ang pinto, kaya agad na akong pumasok sa madilim naming tahanan. Ang dating puting dingding, may bakas na ng kalumaan. Takip-silim na ngunit walang nakaalalang magsindi ng ilaw sa sala, at ang tanging liwanag ay nanggagaling lamang sa maliit na kuwarto ni Papa.

“Papa! Papa!” hagulgol ng aking mga kapatid.

Dali-dali kong tinunton ang kuwarto, at sa aking pagpasok, nakita ko si Papa na nakahandusay sa kama. Nagsilapitan ang aking dalawang nakababatang kapatid na babae. Ang lalaki kong kapatid, tila ayaw umalis sa tabi ni Papa.

“Ate, si Papa!” sambit ng isa sa aking mga kapatid! “Wala na si Papa!”

Dahan-dahan akong lumapit, nanlalamig at nanginginig. Maliban sa sakit, naramdaman ko rin ang mainit na dampi ng luha sa aking mga pisngi.

Tuwing umaga, ang una kong naririnig ay ang makapal ngunit may halong lambing na boses niya.

“Anak, kain na.”

Pagmulat ko ng aking mga mata, masisilayan ko agad ang puting kisame ng aking kuwarto. Pakikinggan ko ang pagtimpla ni Papa ng kaniyang kape, ang paglapat ng kutsara sa mug hanggang sa haluin niya ito. Minsan kapag masyadong napapaaga ang gising ko, maririnig ko ang paghanda niya ng aming almusal, ang amoy ng bawang at sibuyas sa ginigisang sardinas o kaya’y ang amoy ng pinritong tuyo. Pagkalipas ng ilang segundo o minutong pagmamatyag, babangon ako at gigisingin ang aking mga kapatid. Lalabas kami ng kuwarto at mag-uunahan sa banyo para maligo. Kapag nakapaghanda na ang lahat, sabay sa pagsikat ng araw, sama-sama kaming mag-aalmusal. Ang unang pasahero ni Papa sa umaga ay kaming mga anak niya. Una niyang ihahatid ang dalawa kong nakababatang kapatid, sina Ebele at Emine. Sunod naman niyang ihahatid kami ni Ari.

Ngayon wala na siya. Tanging alaala na lang ang natitira sa kung paano niya kami inalagaan. Tatlong taon na ang nakalipas simula noong yumao si Mama. Ngayon, bumabalik lahat ng sakit gayong wala na rin si Papa.

Naisip ko, Paano ko nga ba natanggap noong nawala si Mama? Paano ko ba hinarap ang bawat araw na wala siya? Maraming katanungan ang bumabalot sa aking isipan. Paulit-ulit. Paano na kaming magkakapatid?

Hindi ko kakayanin na wala si Papa. Imposible nang mapalitan ng kagalakan ang kalungkutan sapagkat siya na ang nagsilbing ina at ama sa aming magkakapatid. Siya ang naging sandigan ko sa panahong malungkot ako, at sa panahon ng kasiyahan, siya rin ang kasama ko. Ngayon, sino na?

Lumipas ang mga araw at gabi simula noong gabing pumasok akong nanginginig sa kaniyang kuwarto. Naging gawain ko na yata bago matulog ang pagpasok dito. Uupo ako sa kaniyang kama, pagmamasdan ang bawat sulok ng kuwarto, iniisip kung paano niya tinititigan ang mga ito sa panahong nalulungkot siya. Minsan, hihiga ako sa kaniyang kama at makikipagtitigan sa kisame. Ang hirap sanayin ang sarili na wala na si Papa, pero kailangan. Kailangan ko maging matatag para sa aming magkakapatid.

* * *

Nagising ako dahil sa sikat ng araw. Hindi ko namalayan na nakatulog pala ako sa kuwarto ni Papa. Nakakasilaw ang sikat ng araw. Nakakatamad bumangon pero kailangan kong ipagluto ng almusal ang aking mga kapatid. Napatanong ako sa sarili, Sa ganitong paraan din ba nagigising si Papa? May mga panahon din kaya na gusto niya pang matulog o magpahinga pero kailangan niyang bumangon para lang ipagluto kami?

Bumangon ako. Nakaramdam ako ng pananakit ng likod. Naisip ko ulit si Papa. Nakakalungkot sapagkat ni minsan, hindi man lang siya nagpamasahe ng likod niya, at ang mas masakit isipin ay hindi man lang ako nagkusang magmasahe ng likod niya. Umunat ako nang kaunti at lumabas. Kinatok ko ang silid na katabi lamang ng kay Papa, kung saan natutulog sina Ebele at Emine. Sunod ko namang kinatok ang pinto ng kuwarto ni Ari.

“Gumising na kayo,” sambit ko.

Dumiretso ako sa kusina upang ipagluto ang aking mga kapatid ng ginisang sardinas, katulad ng madalas ipagluto sa amin ni Papa noon. Maaaring tama ang pagluto ko dahil ganitong-ganito ang amoy ng niluluto ni Papa. Tatlong sardinas lang ang meron kami ngayon. Maaaring ito rin ang ulam namin maghapon. Kailangan kong tipirin ang kakaunting sahod na meron ako sa pagtatrabaho bilang crew sa isang fast-food chain. Dati, para lamang ito sa aking kakaunting pangangailangan. Di ko inaasahan na ang dating pinagkakasya ko sa kakaunting pangangailangan ko ay pagkakasyahin ko sa aming magkakapatid.

Nabaling ang atensiyon ko sa aking niluluto na pawang masusunog na. Nakakaiyak. Kung nandito lang sana si Papa. Kung nandito lang sana siya para turuan ako ng mga nararapat kong gawin.

Inilapag ko sa hapag-kainan ang kagabi pang tirang kanin at ang ulam na kakaluto ko lamang. Kumuha ako ng limang plato at inilapag sa mesa. Napakalaki tingnan ng mesa dahil sa kakaunting kanin at ulam. Nalungkot ako hindi dahil sa kakaunting pagkain na meron kami. Nalungkot ako sa pagkaalalang wala na si Papa. At alam kong mas malaking tingnan ang mesa sapagkat apat na lamang kami ang magsasamasamang kakain dito.  Kinuha ko ang isang sobrang plato sa mesa at inilagay na lamang sa lababo. Kung dati masigla kong hinaharap ang bawat umaga sa pagkakaalam na may nagmamahal at nag-aalaga sa amin, ngayon iba na. Kailangan ko maging malakas. Hindi puwedeng umiyak ako sa harap ng aking mga kapatid.

“Kain na!” tawag ko sa kanila.

Agad namang tumungo sa kusina sina Ebele at Emine. Unang umupo si Ebele. Si Emine naman ay nakatayo lamang habang tinititigan ang kakaunting pagkain na parang dumi lamang sa mesa. “Ate, ’yan lang ba ang meron tayo?” tanong niya.

Nilingon siya ni Ebele at tiningnan nang may galit. Nagkunwari na lang ako na hindi ko narinig ang tanong ni Emine. Sa halip, ako ang nagtanong sa kanila, “Bakit wala pa ang Kuya Ari ni’yo?”

“Hindi ko alam. Hindi pa naman siya lumalabas ng kuwarto niya,” sagot ni Ebele.

Inutusan ko si Emine na katukin si Ari sa kaniyang kuwarto. Padabog niya namang sinunod ang aking utos. Dinig ko ang pagkatok niya sa pinto ng kuwarto ni Ari at ang pagtawag niya sa pangalan nito.

“Kuya, kakain na raw!” pasigaw na sambit ni Emine.

“Mamaya na,” sagot naman ni Ari. “Susunod ako.”

Nakasanayan sa pamamahay na ito na sa tuwing umaga ay sabay kaming lahat sa pag-aalmusal—ito ang turo ni Papa, maging sa panahong nabubuhay pa si Mama. Tinungo ko si Ari sa kaniyang kuwarto. Mahina kong kinatok ang pinto at humingi ng pahintulot upang pumasok. Pinagbuksan niya ako ng pinto. Pansin ko ang pamumugto ng kaniyang mga mata, subalit nagkunwari na lang ako na hindi ito pansin at umupo na lamang sa tabi niya.

“Ate, pasensiya. Masakit lang talaga ulo ko.”

“Napapadalas na ’ata ’yan? Teka, bibili ako ng gamot.”

Nang patayo na ako, pinigilan niya ako. Hindi ko matukoy ang ekspresyon sa kaniyang mukha. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya kakausapin.

“Ate,” paunang sambit niya, “’wag na. Wala lang ito. Mabuti pang kumain na lang tayo. Gutom lang ito.”

Sabay kaming tumungo sa kusina. Sabay-sabay kaming kumaing magkakapatid. Hindi na ito katulad ng dati, masaya. Kung nandito lamang si Papa, malamang marami kaming mapag-uusapan.

Bago pumasok sa eskuwela, kinausap ko si Ari.

“Ari, sigurado ka ba na mabuti ang iyong pakiramdam?” tanong ko sa kaniya, sabay kapa sa kaniyang noo.

“Ate, mabuti naman ang pakiramdam ko,” sagot niya at inilayo ang kaniyang mukha sa kamay ko. “Ate, pahingi naman ng dalawandaang piso,” dagdag niya.

“Aanhin mo naman ang pera, ha?” usisa ko.

“Kailangan ko lang sa eskuwela.”

Dumukot ako sa aking bag. Kumuha ako ng pera at iniabot sa kaniya. Ngumiti siya at niyakap ako. “Salamat, ate. Salamat.”

* * *

Mag-aalas-onse na ng gabi. Madalas, umuuwi ako ng alas-diyes, subalit sa pagkakataong ito, marami akong dapat tapusin sa trabaho at eskuwela. Umuwi akong pagod. Nasa labas pa lang ako ng gate, nakaramdam na ako ng inis sapagkat wala na namang nakaalalang magsindi ng ilaw sa labas. Mayamaya’y naisip ko na mas mabuti na ngang gano’n upang mas makatipid. Dahan-dahan kong binuksan ang gate. Kasabay nito ang mahinang tunog na tanda ng kalumaan. Nang makapasok ako sa bakuran, natanaw ko agad ang bukas na pinto. Sa tuwing nandito ako sa bahay, naaalala ko si Papa. Sa bawat gagawin, bawat desisyon ko sa buhay, naaalala ko si Papa.

Wala sa sala ang aking mga kapatid. Pumunta ako sa kuwarto para alamin kung naroon na sina Ebele at Emine. Hindi na ako kumatok. Sa halip, dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Bumungad sa aking paningin ang dalawa kong kapatid na mahimbing na natutulog. Sunod kong sinilip ang kuwarto ni Ari. Nakakapagtaka sapagkat wala siya rito. Kadalasan, sa ganitong oras, nakauwi na si Ari. Kung may pagkakataon man na may lakad siya o mahuhuli siya sa pag-uwi, nagpapaalam naman siya. Nabalot ako ng pag-aalala. Hinintay ko siya sa sala. Baka-sakaling lumabas lang saglit, nagpahangin. Makalipas ang labinlimang minuto, wala pa rin si Ari. Sinubukan kong tanggalin ang pag-aalala na bumabalot sa akin. Nagbigay ako ng limang minutong palugit. Makalipas ang limang minuto, sinubukan ko na namang alisin ang pag-aalala at nagbigay ulit ng limang minutong palugit. Lumipas ang maraming limang minuto at inabot ako ng alas-dose na. Inaantok na ako subalit pinipigilan akong magpahing ng aking pag-aalala.

Tumayo ako nang marinig kong bumukas ang gate. Sumilip ako sa bintana, at kahit hindi masyadong maliwanag, tanaw ko si Ari. Dali-dali kong binuksan ang pinto. Nasilayan ko ang aking kapatid. Gulat na gulat siya. Namumula ang kaniyang mukha at magulo ang buhok. Hindi ito ang Ari na kilala ko. Tiningnan ko lang siya. Pilit kong iniiwasan na magalit. Dumiretso siya sa loob na parang wala ako sa kaniyang harapan, na parang hindi niya ako nirerespeto. Sinundan ko siya hanggang sa kaniyang kuwarto.

“Saan ka galing?” mahinahon kong tanong.

“Sa labas lang,” sagot niya.

Amoy alak ang hininga niya. Bigla akong nakaramdam ng galit at sakit. Galit dahil ang perang pinaghirapan ko ay napunta lang sa wala. Sakit dahil halatang hindi pinahahalagahan ni Ari ang aking mga paghihirap.

“Kaya naman pala palaging sumasakit ’yang ulo mo sa umaga!” pasigaw kong sambit. “Kailan ka pa ba natutong uminom?”

Wala akong natanggap na sagot. Umupo lang siya sa kaniyang kama at yumuko.

“Ari, pinaghirapan ko ang perang pinang-inom mo. May mga kapatid pa tayo na nag-aaral din. At saka, sa palagay mo ba magugustuhan ni Papa na nagkakaganiyan ka?”

Gusto nang kumawala ng mga luha ko, ngunit pilit kong pinigilan. Hindi ako iiyak sa harap niya o kahit ninuman. Hindi ko na siya hinintay na makapagsalita. Lumabas ako ng kuwarto niya at dumiretso sa kuwarto ni Papa. Sa unang pagkakataon, bumuhos ang aking luha. Luhang matagal ko nang inipon. Kumawala lahat ng emosyon na matagal ko nang pinipigilan simula noong araw na yumao si Papa.

* * *

Limang araw at apat na gabi nang hindi ako kinakausap ni Ari. Sa bawat tangka kong kausapin siya, palagi niyang sinasabing, “Abala ako ngayon.” Sa gabi naman, sinisilip ko siya sa kaniyang kuwarto subalit hindi ko siya naaabutang gising. Kahit ganoon, panatag na ang loob ko sa pagkakaalam na hindi na siya ginagabi sa pag-uwi.

Balak ko siyang kausapin kinaumagahan, anuman ang mangyari, sabihin niya mang abala siya. Kung kailangan, kukulitin at magmamakaawa ako sa kaniya. Gusto ko siyang kausapin. Kailangan ko siyang kausapin. Alam kong ’yon din ang gagawin ni Papa. Ayaw kong mapariwara ang aking mga kapatid.

Kinaumagahan, dali-dali akong bumangon at nagluto. Pagkatapos ay masigla kong tinawag silang lahat. Dumating sina Ebele at Emine. Nilingon ko ang kuwarto ni Ari.

“Gigisingin ko ba si kuya, ate?” tanong ni Ebele.

“Ako na,” sagot ko.

Tinunton ko ang kuwarto ni Ari at kinatok, subalit wala akong natanggap na sagot. Kumatok ako ulit. “Ari, gising na. Kakain na tayo.”

Wala pa ring sagot, kaya binuksan ko na lang ang pinto. Nadismaya ako sapagkat wala siya roon. Hindi ako nakaramdam ng galit. Maaaring maaga lang siyang pumunta sa eskuwela. Bumalik na lang ako sa kusina at sinabayan sa pagkain sina Ebele at Emine.

Hindi ko na masyadong pinag-alala ang aking sarili. Makakausap ko rin siya mamayang gabi. Kakausapin ko siya mamayang gabi.

Katulad pa rin ng dati, pumasok ako ng eskuwela, at pagkatapos ng klase, pumunta ako sa trabaho.

Tila mabilis ang paglipas ng mga oras. Pauwi na ako at gustong gusto kong makita ang aking mga kapatid.

Buong araw, ang nasa isip ko ay ang pagiging makasarili ko. Inisip ko lang kung papaanong paraan ko malalagpasan ang sakit na nararamdaman ko nang mawala si Papa at hindi man lang sinubukang pansinin ang sakit na nararamdaman ng aking mga kapatid. Patawarin sana ako ng Diyos.

Wala na nga si Papa pero nariyan pa naman ang aking mga kapatid. Patuloy pa rin ang buhay ko ngayon dahil sa kanila. Paano na sila kapag wala ako? Paano na sila kapag nanatili akong mahina? Sila ang rason kung bakit kailangan kong bumangon sa umaga, mag-aral, at magtrabaho. Nakakapagod pero para naman sa kanila. Sa kabila ng lahat, naniniwala pa rin ako na may pahinga sa bawat pagod at may gamot sa bawat sugat. Alisin man ng tadhana ang aking responsibilidad bilang anak sa aking ina at ama, iniwan naman sa akin ang responsibilidad bilang ate sa aking mga kapatid. “Panginoon, gabayan ni’yo ako,” dalangin ko.

Saktong sahod ko kaya bumili ako ng kaunting pagsasaluhan namin. Naisip ko si Ari. Kakausapin ko siya ngayon.

Nang malapit na ako sa kanto namin, dumaan ang sasakyan ng pulisya. Nakakabingi ang sirena nito at nakakasilaw ang pula’t asul na ilaw. Lumiko ito sa aming kanto. Bumilis ang tibok ng aking puso. Tanaw ko ang paghinto ng sasakyan sa kumpulan ng mga tao. May ilang tao sa likuran ko na tumatakbo papunta sa direksiyon na iyon. Nakiusisa ako sa grupo. Sumilip ako, patalon-talon. Sa tabi ng daan, sa tapat ng isang bakanteng lote, ilang metro lamang ang layo sa bahay, nakita kong may nakahandusay na lalaki. Mas bumilis ang tibok ng puso ko. Nanlalamig ako. Nanginginig. Pamilyar ang suot ng lalaki.

Nakipagsiksikan ako lalo. Nang mabigyan ako ng puwang, napahinto ako. Nanigas ang buo kong katawan. Malinaw ang aking nakikita. May mga pasa ang kaniyang mukha, duguan ang kaniyang katawan, at nakatali ang kaniyang mga kamay at paa. Gusto kong lumapit, subalit may pumigil sa aking dalawang nakaitim na lalaki.

“Kilala ko siya!” sigaw ko habang rumaragasa ang luha sa aking mga mata. “Ari!” dagdag ko.

Nanghihina ang aking mga tuhod na parang hindi na kakayanin nng mga ito na suportahan ang aking katawan. Masyadong mabigat para tumayo. Mabigat ang aking kalooban. Napaupo ako. Patuloy pa rin sa pagdaloy ang aking luha. Pilit akong inalalayang ng dalawang lalaking humarang sa akin. Nilingon ko ang nakahandusay na katawan ni Ari. Nabasa ko ang nakasulat sa karatulang nakapatong sa kaniyang katawan: DRUG PUSHER AKO. ’WAG TULARAN.

Editors and Contributors

GUEST EDITOR

Noel Pingoy is a graduate of Notre Dame of Marbel University in Koronadal City, South Cotabato, and of Davao Medical School Foundation. He finished residency in internal medicine and fellowships in hematology and in medical oncology at the University of the Philippines–Philippine General Hospital. He also completed courses at St. Christopher’s Hospice and at Harvard Medical School Center for Palliative Care. In 2018, he became a visiting scholar at the Hastings Center. His essay “Becoming a Hematologist” won third prize at the 2002 Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, and he was a fellow for creative nonfiction at the 2006 Silliman University National Writers Workshop. He divides his time between General Santos City and Koronadal City.

CONTRIBUTORS

Lance Isidore Catedral has completed his residency training in internal medicine and is now pursuing his fellowship in medical oncology at the University of the Philippines–Philippine General Hospital. He also has a degree in molecular biology and biotechnology from UP Diliman. He was born and raised in Koronadal City, South Cotabato, and, since 2004, has been blogging at bottledbrain.com. His interests include Christianity, literature, and medicine.

Jean Martinez Fullo is from Lebak, Sultan Kudarat, and earned her Bachelor of Arts in Literature degree at the University of Southeastern Philippines in Davao City.

John Efrael Igot grew up in Magpet, Cotabato Province, and is a graduate of BS in Information Technology from ACLC College of Marbel in Koronadal City, South Cotabato. He is a former editor in chief of the student publication and a member of several writing groups on social media.

An-Nurhaiyden Mangelen hails from Cotabato City and received his bachelor’s degree in creative writing from the University of the Philippines–Mindanao. He was a fellow for creative nonfiction at the 2018 Davao Writers Workshop.

Wilfredo Pascual Jr. is a winner of the Curt Johnson Prose Award for Nonfiction and a runner-up to the Steinberg Essay Prize in the United States. In the Philippines, he has won in the Palanca Award three times and in the Philippines Free Press Literary Awards. He was born in San Jose City, Nueva Ecija, where he has been conducting an annual personal essay writing workshop named after the province for three years now. The Sangguniang Panlungsod of General Santos passed a resolution in 2017 declaring him an adopted son of the city.

Adrian Pete Medina Pregonir is a senior high school student in Banga, South Cotabato. He has been published in Cotabato Literary Journal and Liwayway, and he was a fellow for poetry at the 2018 Davao Writers Workshop. He won third prize in the Kabataan Sanaysay category of the 69th Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2019).

Dianne May Torres is a freelance writer and editor currently working in Manila but considers Koronadal City, South Cotabato, home.

REGULAR EDITORS

Jude Ortega (Editor in Chief) is the author of the short story collection Seekers of Spirits (UP Press, 2018), which received the Cirilo F. Bautista Prize for Best Book of Short Fiction in English at the 38th National Book Awards. He studied political science at Notre Dame of Marbel University in Koronadal City, South Cotabato, and currently stays most of the time in Isulan, Sultan Kudarat.

David Jayson Oquendo (Editor for Fiction) is from Polomolok, South Cotabato, and works in Davao City as an electrical engineer. He was a fellow for fiction at the 2018 Davao Writers Workshop and is a former editor in chief of the official student publication of Mindanao State University in General Santos City.

Andrea D. Lim (Editor for Poetry) is working as an editor for a publishing company in Cebu City while taking her master’s degree in literature at the University of San Carlos. She was a fellow at the 24th Iligan National Writers Workshop (2017) and is a former editor in chief of the official student publication of Silliman University in Dumaguete City, Negros Oriental. Her family lives in General Santos City.

Paul Randy P. Gumanao (Editor for Poetry) hails from Kidapawan City, Cotabato Province, and teaches chemistry at Philippine Science High School–SOCCSKSARGEN Region Campus in Koronadal City, South Cotabato. He was a fellow for poetry at the 2009 Davao Writers Workshop and the 2010 Iyas National Writers Workshop. He is a former editor in chief of the official student publication of Ateneo de Davao University, where he earned his bachelor’s degree and is finishing his master’s degree in chemistry.

Hazel-Gin Lorenzo Aspera (Editor for Nonfiction) is a registered nurse, artist, and writer. She spent her childhood in Cotabato City and is now based in Cagayan de Oro City. A fellow for literary essay at the 1st Cagayan de Oro Writers Workshop, some of her feature stories appear in the book Peace Journeys: A Collection of Peacebuilding Stories in Mindanao. Currently, she is Associate Director for Communications and Junior Fellow for Literary Essay of Nagkahiusang Magsusulat sa Cagayan de Oro (NAGMAC).

Jennie P. Arado (Editor for Nonfiction) is from Koronadal City, South Cotabato, and currently works for a newspaper in Davao City as editor of the lifestyle section. She earned her BA in English (major in creative writing) from the University of the Philippines–Mindanao and was a fellow for creative nonfiction at the 2016 University of Santo Tomas National Writers Workshop. Her story “Ang Dako nga Yahong sang Batchoy” won the South Cotabato Children’s Story Writing Contest in 2018.

Norman Ralph Isla (Editor for Play) is from Tacurong City, Sultan Kudarat, and a department head at Mindanao State University in General Santos City. He was a fellow for drama at the 2015 Davao Writers Workshop and at the 4th Amelia Lapeña–Bonifacio Writers Workshop (2019). Several of his plays have been staged in General Santos City and South Cotabato.

Panimula sa November 2019 Isyu

Iisa ang katotohanan, at kailangang halukayin ang mga kasinungalingan upang ito ay matagpuan. Ito ang karaniwang paniniwala. Ngunit sa ating kasalukuyan, ang katotohanan sa isang tao ay maaaring kasinungalingan sa iba. Maraming anyo ang katotohanan sa bawat pagkakataon, o nagbabago ang anyo nito sa pag-usad ng panahon. Maaaring ang lahat ng sangkot ay tama o walang tama. Maaaring ang katotohanan ay hindi batay sa katunayan kundi sa paniniwala. Tinatalakay, tinitimbang, at tinatanong ang katotohanan ng anim na akdang tampok sa isyung ito.

Nanalo ngayong taon sa 69th Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang akdang “Noon Akto-o Hén Fa Gali Em (May Katotohanan Pa Pala)” ni Adrian Pete Medina Pregonir. Ikatlong gantimpala ang nakamit ng akda sa kategoryang Kabataan Sanaysay, na bukas sa mga labinwalong taong gulang pababa at umiikot dapat sa temang “Sa panahon na laganap ang pagkalat ng maling impormasyon, paano mo matutulungan ang mga tao, lalo na ang kabataan, na hanapin ang katotohanan?” Sa sanaysay, ipinahayag ni Pregonir ang kaniyang panlulumo sa hayagang panloloko ng mga politiko at kanilang mga tagapagtanggol sa mga karaniwang tao, lalo na sa mga katutubo. Sa tema ng patimpalak at sa akda, ipinapalagay at isinusulong na hawak ng mga naaapi ang katotohanan at sinisikil ito ng mga kasinungalingang ikinakalat ng mga nasa kapangyarihan.

Sa “Nag-agi ang Agi,” isang sanaysay sa wikang Kinaray-a, isinalaysay ni Jerico L. Marcelino ang pangugutyang kaniyang naranasan sa kaniyang paaralan, pamayanan, at maging sariling pamilya dahil sa paningin ng ibang tao sa kaniyang kasarian. Iginigiit niya na mas kilala niya ang sarili at mas alam niya ang katotohanan. Isang magandang palaisipan ang kaniyang sinabi tungkol sa kung paano natin sinusukat ang pagkatao ng ating kapwa: “ang mga tao talaga isa lang ang masasabi sa ’yo—at ’yan ay kung ano lang ang nakikita nila sa ’yo.”

Sa “Buayahon,” isang sanaysay sa wikang Cebuano, ibinahagi ni Hannah Adtoon Leceña kung paano nakaapekto sa kaniyang tingin sa sarili ang paniniwala ng kaniyang mga kaanak at kakilala na may kaakibat siyang sumpa. Malabuwaya umano si Leceña ayon sa guhit ng kaniyang palad, at siya ang dahilan kung bakit namatay ang tatlo niyang nakababatang kapatid at laging nakukunan ang kaniyang ina. Hindi siya lubusang naniniwala na totoo ang sumpa, kaya hindi rin siya lubusang naniniwala sa mga ritwal na ginagawa sa kaniya upang maputol ang sumpa, at ito raw ang dahilan kung bakit hindi pa siya tuluyang nakakawala rito. Kapag parehong malakas ang hatak sa isang tao ng makabagong kaalaman at makalumang kaugalian, mahirap matukoy kung ano ang dapat paniwalaan.

Katotohanan tungkol sa sariling nararamdaman naman ang tinutuklas sa tulang “Antigong Salamin” ni PG Murillo. Hindi natatangi ang dalamhati ng isang tao, ngunit sa huli, sarili at sarili lang din ang tanging karamay: maaliwalas pa rin at hindi makikita/ na milyong lungkot na/ ang sa kaniya’y nakadungaw. Sino man ang dahilan ng o kasama sa pinagdadaanan, marahil sa pagharap sa sariling repleksiyon lang makakamit ang hinahangad, masasagot ang mga katanungan, o matatanggap ang kinasadlakan.

Sa maikling kuwentong “Isang Puta” ni Prince Vincent M. Tolorio, ipinapakitang muli ang dalawang mukha ng katotohanan—mula sa pananaw ng humuhusga at mula sa pananaw ng hinuhusgahan. Halos likas sa atin na ikahon sa ating isipan ang ibang tao ayon sa ating nakikita o kinalakihang pananaw, ngunit minsan, kaunting pagkahabag o pag-unawa lang ang ating kailangan upang makita natin ang kanilang kagandahan o kabutihan.

Sa maikling kuwentong “Manang Arsilinda,” muling ibinunyag ni Adrian Pete Pregonir ang mga panlolokong nangyayari sa ating lipunan at paano nagdudusa ang mga mahihirap, na siyang kadalasang biktima. Batay ang kuwento sa malawakang investment schemes na luminlang sa libo-libong tao sa rehiyon kumakailan. Nang ipinasara ng gobyerno ang mga kompanya, tinatayang mahigit dalawang bilyong piso ang nakulimbat sa General Santos City pa lang. Maraming buhay ang tumigil, at maraming pangarap ang nawasak. Isang siksik na bersyon ng nangyaring kaguluhan ang kuwento. Hanggang ngayon, marami pa ring naniniwala na totoo ang malalangit na pangako ng Kapa at mga kahalintulad na kompanya, at umaasang maibabalik ang mga puhunan nila.

Laging mananatiling palaisipan ang katotohanan, at batay sa nangyayari sa ating bansa ngayon, madalas pinagbabalat-kayong katotohanan ang mga kasinungalingan, at nilalamon naman nang buong-buo ang mga ito ng maraming Pilipino. Sa mga diskusyon, lalo na sa social media, walang kakulangan sa mga pag-uutos at pagpapaalala na maging mapanuri sa mga nababasa, ngunit halos walang nagbibigay daan sa mga naggigiriang pangkat at hindi natitibag ang pader sa  kanilang pagitan. Dito marahil maaaring pumasok ang panitikan. Hayaan nating ipaalala sa atin ng mga kuwento, sanaysay, tula, at iba pa na halos wala tayong pinagkaiba sa isa’t isa. Hindi man natin makita, mahawakan, o mapanghawakan ang katotohanan, maaari natin itong madama.

Jude Ortega
Isulan, Sultan Kudarat

Noon Akto-o Hén Fa Gali Em (May Katotohanan Pa Pala)

Ni Adrian Pete Medina Pregonir

(Ang sanaysay na ito ay nanalo ng ikatlong gantimpala sa kategoryang Kabataan Sanaysay sa 69th Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature, ngayong 2019.)

Paghahalinghing ito na tinutuldukan ng hinaing ang labis na pagkamuhi sa bawat galaw ng oras na ang manusya ay umaalingasaw sa hangin.

Takna ito na ang pagkakataon ay kumakatok upang maibuwag ang nakapinid na hilagyo ng maraming proseso buhat nitong aking pakikipag-usap sa sariling isip.

Anong oras pa lang. Hindi pa naaninawan ang umuunat na liwanag sa butas ng aming sawaling dingding habang bumabalot ang hamog sa balat ng kapunuan na wala pang tigyaok ang tandang. Wala pang bakya ang lumulundong sa kawayang sahig.  Sa ilang sandaling pagpanaw ay kumakalabit pa ang masiglang basag na nota na parang Betamax na nagsasalita ng pangako mula kahapon. Dalisay pa ang nagtatangging magpakuhang muta sa abandonadong holen at sa bulwagan ng nag-uumpugang kilay. Ngunit nakaiirita nang pakinggan ang mga awiting dumadagundong sa kadalanan na inuuyog pati mga bato at kapunuan sa buong magdamag na pagroronda. Jusko! Nagawa pang magplahiyo ng awiting Momoland at baga’y sinakop na tayo ng mga Koreyano. Nakakaulaw dahil mapapaspageti-pababa ang yaring katawan kung sasabay sa jingle habang nagdi-“Dear Charo” ang kandidato. Ito ang tanging namumukaw sa akin mula sa higaan, kaya parang sinuway ko na ang pagsuway ng bakya ni Yê.

Sa paulit-ulit na propaganda at mga proposisyon ay lumulutang ang huwad na pagkatao tuwing kapihan sa Purok Plaza. Tila mga dagang inumpok ang lahat na mga táong nagsisiksika’t nag-aagawan ng pan de sal at kape sabay na nakikinig sa nang-aakit at nangungusap na mga labi ng kakandarapang konsehal, mayor, at gobernador. Walang lisyang maaga pang gumuho ang bakuran nina Aleng Inday nang hindi malulutsan ng sinulid ang nagsasawata’t naggigitgitang tao. Naghahalong mga salita. Naghahalong hininga. Hiningang may halong kasinungalingan. At dahil sa pagsisiksikang ito nakatagpo ko ang katatagpuin sa lumalaong panahon.

Sa aking pagbukas ng tarangkahan doon sa tapat, mariing nagtaka ako. Marahil hindi na pala Disyembre ang aming piyesta. Abril na. Marami nang mga sinampay na karatula at tarpaulin sa kuryente, sa mga kudal, sa dingding ng bahay, sa kahit saan mang sulok nitong aming lunan. Makikitang aliwalas ang dagway ng pare-parehong mukha, may iba’t ibang itinatagong ipupunla sa panghunahuna.

Isa-isa sa amin ang inaalayan ng tarpaulin na may tatak TOTOO SA SERBISYO. Itinuring nila kaming mga dahak-dahak, ganid sa pera. Kung hindi nila kami makayanang akitin, walang lisya’y pagkaumaga makakikita ka na lang ng sobreng puting nakasabit sa kudal na may nakasulat, “Botoha ako pagka-gobernador, kinyentos para sa imo.” Limandaang piso ang balor ng boto.

Nakagawian ko itong pangyayari tuwing sasapit ang umaga ng Marso at Abril kada tatlong taon. Nakagawian ko ang pagkusot ng kana’t kaliwang mata kung may bumabagabag na alalahaning nagpapatuliro ng aking diwa. Ng aking katauhan. Bilang kabataan. Bilang anak nitong Lupang Sinilangan. Bilang taong may karapatang hanapin ang katotohanan sa minsang pagkaligaw sa maraming panalgan ng pambibilog at pagyurak. Nakalulugod at lubos na ikalulunod ang tuwa kung ito ang pangyayari, ngunit iyan ang danas na itinuring kong kasuklam-suklam. Kapangit tingnan. Pagbebenta ng boto. Pagsisinungaling. Platapormang dati pang kasinungalingan. At minsang isinisikretong pagpaslang ng mga mangangamkam ng sakahan sa kapwa ko Blaan na hindi sumang-ayon sa kanilang panlilinlang na tila mga propeta na tagapagpalaganap ng maling impormasyon sa kanilang edukasyon—nakamit, nagawa, at gagawin pa sa sariling bayan.

Napapatanong na lang ako kung bakit dito kami itinadhana sa panahong talamak ang pagmamaskara. Kung bakit sa lambong ng ulap na umuunat tuwing sasapit ang umaga, sa tanghaling tapat na tutok ang sarili sa sariling pagbilad sa araw, o sa gabing naglalabasan ang kuwentong lamang-lupa ay hindi pa rin nawawala ang pakpak ng balitang hunyango.

Isang pangyayari noon, itong lubos kong pinaniwalaan bilang Mindanawon. Akala ko nga ito ang tama kong akala. At, dito nanibago ako sa salitang fake news. Nanibago ako na may bago palang reyna para rito—Mocha Uson ang katawagan. Nanibago ako dahil minsan din lang akong makakalap ng balita. Ngunit itong paksa kong sasabihin ay tunay na pagsisinungaling mula sa kaniya.

Kabilang ako sa nakipagsiksikan, nagpadala sa kaniyang dila. Akala ko nga ito ang pag-aakalang bigyan kami ng pansin at kalinga sa mga biyayang bigay ni D’wata. Minsan hinahayaan kong dumalaw ang kaluluwa ng aking mga kamag-anak na nadawit sa extrajudicial killings. Ang mga tala ng aking pagpapalapad ng imahinasyon sa tala ay parang pagsasakripisyo dahil binusog kami sa walang kahihiyang panlilinlang. Sa kaniyang plataporma’t propaganda, babaguhin niya raw ang lupaing ito, ang lahat ng pulo, ngunit iba itong aking nadatnan nang nakuha niya ang posisyon. Isang pagpapatiwakal para sa amin. Isang walang proseso ng kahandaan. Isang walang kapararakang paghahanap ng kinagisnang lahi. Isang walang kulay na pagpaslang sa aking kadugo, pag-agaw ng aming lupain na siyang susi sana na ipagbantayog ang aming kalayaan, sa pagpahayag, sa pagsisid sa tunay na katotohanan na ang batayan ay hindi plataporma.

Hindi naman nagkamali noon ang mensahero ni Emilio sa pagpakalap ng katotohanan. Hindi naman nagkamali ng paniniwala si Kudalat sa kaniyang prinsipyo. Ngunit bakit ito ang samu’t saring ganito? Ginawang mapusyaw ang kulay ng paglingon sa aming nasusong tradisyon. Batid ko ang tumoy nito sapagkat dahil din ito sa aking pinili. Gagapang ako upang iangat ang mga sigaw ng nasa bitag ng pagkaparool at nasa laylayang binibigkis ng katiwalian.

Masasabing sa pasan kong isang malapad na kahon na napupulutan ng unti-unting lumuluwag na maninipis na balat ng mais at sakbat, ay kasabay nito ang aking pagkamuhi at muling pagkatuto na hustong aangatin nito ang kanan kong paa patungo sa loob na dapat at marapat paniwalaan. Ito pala ang aming pagdusa dahil sa kawalang kaalaman namin.

Nagkakandalipit sa napuruhang bahagi ng punyal na nakapagpalugmok sa aking pagkawalang timbang ng damdamin ang makailang ulit kong pagkusot sa mata na gayon pa rin ang mga pahina ng plastik na kinababalutan sa hingahang huwad.

Walang makukuha sa akalang tama ang pag-aakala. Walang balor ang limandaang piso upang ibenta ang boto sa isang taong nagkalap ng maling impormasyon, propaganda, at plataporma. Mga butang na nagpilit gumulong sa isip na maging isang katotohanan. Nungkang maniwala sa nambubugaw na dila. Tama ngang may tradisyon akong ganito para mabawasan ang pangambang sumasanib sa aking katawan, isang hindi batayan na tunay niyang isinisiwalat sa lahat ang dapat isiwalat.

Iyan lang. Ngunit, mayroon pa, ito ang huli kong tulong na dapat mong mabatid. Na dapat mabatid ng lahat. Nakalilito man, ngunit ikaw bilang tao ay kailangang maghukay sa maraming paliko-liko, kagaya sa paliko-likong pagpapanggap ng mga politiko mong pinili:

Pabalik-balik ang patutunguhan ng mga bata’t matanda. Lumalangitngit, lumalawiswis ang kawayan. Alam mo iyan. Lumalagaslas ang tubig na minsang yumayakap sa iyong pandinig. May pakpak ang balita. Alam kong alam ng lahat iyan.

Subalit ang dapat na alamin ay hukayin ang mga tagdan kahit yari ito sa semento o sa establisiyemento ng maraming ganid sa yaman na kinagawian ang ritwal ng pagpapakalap ng hunyangong impormasyon upang maibaligtad ang dapat. Mismo, tayo ang magrorolyo ng panibagong paglalakbay gamit ang dugo ng panitik. Gamit ang isip sa pagpili na dapat may kredibilidad at pananalig.

Kaya, ito ako, isang Blaan sa Banga, Timog Cotabato. Isang netibong walang pinag-agam-agam sa maraming baklad ng pagtanaw na may pag-asang makapagtatanong  na may katotohanan pa pala.

Nag-agi ang Agi

Ni Jerico L. Marcelino
Panaysayun

Matapos ang flag ceremony, ginpakilala ang bag-o nga principal sang amun high school. Nagbagting talinga ko katong namangkot siya kung sin-o kuno ang president kang Supreme Student Government kag gintudlo ko ka iban nga istudyanti. Koon na, “Ay, gwapo man gali inyung president.” Baw, manami man pamatian. Pero pagtan-aw ko sa akun mga schoolmate, indi kadlaw nga nalipay ang nakita ko kananda—kadlaw nga may dara nga kung ano nga indi ko maistorya.

Wara gid takun nalipay kamayad sa iskwilahan. Tood, namian ko mag-iskwila. Namian ko makatoon, kag namian ko matawag akon pangaran kada recognition program. Sa indi pagpanghinambog, wara gid ko nadagdag sa top 5 halin elementary paadto hayskul. Pero amo lang da makapalipay kanakun.

Kada pauli, ginapanaw ko ang dalan imaw akun amigo nga si Elmer kay maagyan lang man amun kung paadto sa anda. Yang amigo ko paryas kami sa tanan nga butang. Kung honor student siya, amo man ko. Kung para-garden siya, amo man ko. Kung grabi tana kang limpyado, ah, amo man ko, pero gamay lang. Daw nahimo run gani tamun nga kapid.

Kung pauli, raku ko maagyan, apil ang dalan nga tunga semento, tunga awot nga lupa. “Oh, ja ruman yang mga laki nga wara mahimo sa kinabuhi nanda,” koon ko sa utok ko tong paagi dun kami sa terminal diin nagaturumpok ang mga tambay. Amo gid nang ginaindian ko bala nga may masublangan ko tapos manunlog kag magkinaradlawanay, magkoon, “Hi, chicks!” “Ay, bayot ko!” “Hi, Miss Beautiful!” Sakit sa pamatyagan nga mas kilala pa gali ko nanda kumpara sa akun ginikanan, sa akun pamilya, kag mismo sa akun kaugalingon. Nabatyagan ko man gyapon nga nag-init dugo kang imaw ko kay tana mismo naapektuhan kay darwa kami ginatan-aw nanda.

Tong rapit dun kami sa amun balay, naagyan namun ang pustaanan kang lotto diin may ingud nga sarisa. “Agay!” sakit-sakit gid tana akun ulo nga daw ano may natabug. Gali yang mga bata nga nagsirnaka sa sarisa ang nagtarablog sa amun. OK lang gid to daad sa amun, pero tong kinan-anan pa gid nanda ang andang gintamblog, dara kantsaw nga, “Bayot! Bayot! Bayot!” Akun ugat sa lawas daw mauslo sa kaugot, pero ginpunggan ko kaugalingon ko. Ang imaw ko wara gid nakapugung. Namurot tana kang mga bato, kag wara bala ginpanglibag tong mga bata sa babaw kang sarisa. Imbis nga maugot ko, nakakadlaw lamang takun dun sa anang gihimo.

Pag-uli ko sa balay, nami anay daad magpuhay pero kinanglan gid mag-ubra kang mga urubrahun sa balay. Ang balay koon nanda mabatyagan mo ang tood nga tender loving care, pero ngaa wara to nakun nabatyagan. Kay imo tana mismo nga kaburugtuan makabati ka kang indi amo. Ang ginadahum mo nga magbulig sa imo, mag-una-una pa kang panunlog sa imo. Mapaisip na lang ko kung gab-i kis-a nga nagbahul man ko ba nga indi man lain sa iban nga mga bata—naghampang kang takyan, nagsyatong, naghimo kang pinggan-pinggan nga halin sa lupa kag ginhaloan kang laway, nagsugba kang dahon kag baklun gamit ang panit kang kindi. Nakita ko nga mayad ang tanan. Ang indi ko lang gid maintindihan, ang abnormal nga utok kang iban.

Mapaiskwilahan, dalan, tindahan, kompyuteran o bulantihan, indi madura ang mata gaturok sa imo, mata nga dara panghimantay sa imo nga pagkatawo. Nag-abot sa akun panghunahuna kag natiman-an ko man nga biskan ano ka pa gali ka brayt, biskan gali raku-raku ang imong naadtunan nga lugar kay tungod lang sa mga kuntes nga nadaugan, kag biskan ano pa nga pakitang tao ang himoon mo, ang mga tawo bala isa lang ang makoon sa imo—kag amo ra kung ano lang ang makita nanda sa imo.

Hangtud kadja sa balay, agi ang tawag nanda sa akun. Biskan si Katay magsunlog nga dalagingging ang tawag sa akon. Ginapaintindi ni Kanay nga ang agi indi bayot sa amun kundi hinay maglihok nga daw bahi. Naintindihan ko run sanda, ang akun pamilya, kag amo to ang nagtatak sa akun. Indi ko bayot. Agi ko.

Hangtud kadja nagkinabuhi ko sa kalibutan nga puno kang mata nga turukon kaw mapabuhok paadto kuko. Nagkinabuhi ko nga dara-dara ang nalung-ong sa akun kaagi. Kung pabay-an mo ang mga tawo magdikta sa imo nga pagkatawo, pildi ka. Wara ka mahimo kada kundi magkinabuhi kung ano lamang ang andang ikoon kay gusto mo gid dawaton ka nanda.

Ginparas ko ang panghunahuna nga amo kato. Ginsulat ko gid sa akun ulo nga indi mo kinanglan magpaayun sa andang ikoon, magpadawat para madawat. Dawata lang gid kaugalingon mo kung ano timo. Nalung-ong ko nga indi mo kinanglan magpakitang tao—nga ang tood nga lalaki brusko, macho, may bungot, kag dalum ang limog—kay ang tood nga laki may jan bahul nga respeto—respeto sa bahi, sa ginikanan, sa iban tawo, kag mismo sa sarili. Ang pinakanami gid nga buhaton, man-anun mo ang tagipusoon mo. Man-an mo ang ginahunghong niya kag kilala mo kaugalingon mo. Kag man-an mo kung ano ang tood nga ginatudlo kang Ginoo. Amo ra ang pinaka-importante sa tanan.

Mismo ang sitwasyon kag panahon nagtudlo sa akun nga indi na magpaapekto. May madura haw sa imo kung ano man ang ikoon nanda? May madawat ka haw kung batuan mo sanda? Wara biskan sentimo.

Buayahon

Ni Hannah Adtoon Leceña
Gumalaysay

“Nanie buayahon!”

Mao ni ang permanente nako madungog sa akoang mga kadula sukad pa sa una. Buayahon daw kuno ko. Kana bang tuo-tuo nga aduna koy buaya sa akoang kamot maong wala koy mga igsuon. Kay tungod lagi gitukob daw nako sila.

Tinuod. Upat unta mi karon nga mag-igsuon. Ingon sa mga tawo, do-re-mi unta mi. Apan ambot unsay nahitabo nga ako ra man ang nabuhi sa amoa. Ug kung dili ako ang una nahimugso, mabuhi kaha sila?

Akoang una nga igsuon, baynte anyos na unta siya karon—lalaki, gwapo, liwat kuno sa akoang amahan, taliwtig og ilong. Ang misunod kaniya, babae. Igo ra kini nakahilak ug namatay dayon. Nilabay ang pila ka tuig, nasundan na sab kini, ang akong igsuon nga si Princess, nga nabuhi pa og usa ka buwan. Ingon sa mga tawo, gwapa daw kaayo kini. Maong Princess iyahang ngalan kay mora kuno siyag usa ka prinsesa. Nagmaya ang tibuok banay sa pag-abot niya sa amoang kinabuhi. Apan nilabay ang usa ka buwan, nagsakit na sab kini. Nagpulihanay ra mig sakit ni Princess. Halos maglurat na kuno iyahang mata tungod sa kainit, ug paghuman niya mahuwasi, ako na man sab ang maglimbaglimbag tungod sa taas nga hilanat.

Paghuman sa usa ka buwan, namatay siya.

Dili nako mahinumdoman ang kinatibuokan tungod kay hanap kini sa akoang panumdoman. Mag-upat ka tuig pa ko niadtong panahona. Apan dili nako makalimtan ang sakit. Dili mahimong makalimot ko sa kapait nga akoang gibati sa una (ug tingalig hangtod karon).

Gamay nga lungon nga kolor pink ang gipanday ni Angkol Balong alang kang Daping, angga ni Princess. Mihilak si Lolo sa hilom. Nilagupok ang bungbong sa balay, ug nasamad ang kinumo ni Papang. Ningaab akoang Lola Pilang ug mga iyaan. Ilahang mga mata nitan-aw kanako, samtang ako nisiplat kang Daping, tua sa higdaanan giilisan ni Mamang og sanina. Gisuot ni Princess akoang paborito nga sinina.

Pila na ka manambalan ang giadtoan sa akoang ginikanan aron lang pakudlitan akoang kamot. Sukad katong elementarya pa ko. Moadto mi usahay og bukid sa Kansan ug sa Pansulan aron magpakitabang sa mga manambalan aron lagi mamanghoran na ko. Sumala pa sa akoang inahan, katong bata pa ko, gipakudlitan kuno ko sa usa ka manambalan—si Sigon, nga gikan pa kuno sa Lake Sebu. Gigisian niini akoang palad ug gitunol sa kagabhion nga hayag kaayo ang buwan anha gihimo ang ritwal. Paghuman, abi sa mga tawo naayo na gyod ko, apan wala diay gihapon.

“Ikaw, tungod sa imo maong namatay ang imong mga igsuon!” Mao kini ang nadungog nako sa akoang inahan sa gabii nga nagbilar sila sa haya ni Princess.

“Tungod nako namatay sila,” ingon pod nako sa akong kaugalingon.

Hangtod sa nitungha ako sa eskuylahan, mao lang gihapon ang sunlog sa akoa sa akoang mga kadula. “Nanie buayahon!”

Hangtod sa nitungha ko og kolehiyo, ikapila makuhaan si Mamang. Ikapila na sab ko magpatambal sa bisag kinsa bisan pa og sukwahi kini sa akoang ginatuohan. Nakahinumdom ko, adunay usa ka manambalan nga miadto sa amoang balay. Tag-as kaayo kinig kuko, ug gisuksok niini iyahang mga kuko sa akoang mga kuko samtang nagsulti og mga pulong nga wala namo masabti. Nagdugo intawon akoang kamot. Nakahilak ko dili sa kasakit sa akoang kamot apan tungod sa gibati sa akoang dughan. Nilabay ang pila ka buwan, nagmabdos akoang inahan, tulo ka buwan.

“Ayaw sa og uli diri kay nagmabdos imohang mama,” segun ni Papang.

Tama. Dili sa ko angay magpaduol sa akoang inahan. Apan naunsang pagkaunsa man nga bisag layo na kaayo ko sa ilaha, nahulogan ra man gihapon siya. “Bisag nakudlitan na ka, kung dili ka motuo, dili gihapon na moepekto!” segun sa akoa sa mga tawo.

Sala gihapon diay nako. Sala sa akoang mga kamot. Itambong ko na ba kaha kini sa impyerno?

“Buayahon ka?” pangutana sa akoang classmate nga si April sa akoa usa ka adlaw nga nahisgotan namo sa eskuylahan ang tuo-tuo sa amoa nganong wala koy igsuon. “Ako wala sab koy igsuon,” ingon niya. “Tulo pod unta mi, pero namatay pod sila. Gipangsulod namo sila sa gamay nga botelya.”

Nahikurat ko sa nadungog gikan niya. “Buayahon sab ka?” pangutana nako.

“Dili. Ingon sa manambalan, naay lungon sa akoang kamot.”

“Lungon?”

“Oo, lungon. Ug kabalo ba ka, Han, kung dili ta magpakudlit, dili sab ta magkaanak?”

“Ha?”

“Sumpa kini.”

Mitan-aw ko sa mga kuriskuris sa akoang palad. Ani diay kagamhanan ang kamot nako.

Karong kalagkalag, duawon na pod nako si Princess sa iyahang lubnganan. Wala ko pa gihapon napasaylo akoang kaugalingon sa nahitabo. Lisod patuohon ang akoang kaugalingon nga dili ako ang sad-an nganong nawala siya namo.

Antigong Salamin

Ni PG Murillo
Tula

Nakaharap ako sa
isang antigong salamin
na pamana pa ng aking lolo,
na nabakbak na ang kahoy
dahil sa tagal nang panahon
na pakikipaglaban
sa kaniyang tibay.
Walang bakas ng kahapon
ang namumuo sa pakikipagsapalaran
ng kaniyang linaw.
Maaliwalas pa rin at hindi makikita
na milyong lungkot na
ang sa kaniya’y nakadungaw.
Alam ng mga nagpapaalam
ang sagot sa pagpapaalam,
na hindi ito alam ng mga humihinga
sa kasiyahan. Hindi nagdadamot ang salamin
para ipaubaya ang kalayaan ninuman.
Magkakaroon lang ng balita
kung magpapasakop sa mga nauna.
Ngunit alam kong hindi ito
ang hagdanan at tarangkahan ng langit
na hinahangad nila.
Kasalanan ito sa mata ng Diyos,
ngunit hindi ito kasalanan
sa mga matang bumabalot ng kalungkutan—
ito ang sagot sa mga naghihikahos.
Sa mga oras na ito ako ay nakadungaw sa
napaglumaang salamin,
walang pagbigkas ang namumuo sa labi,
walang bakas ng salita
na didikit sa kaniyang napakaaliwalas na linaw.

Tinignan ko lamang ito,
at halos ayaw pumikit ng aking mga talukap.
Habang sa pagtanaw ko’y
may namumuo nang tubig sa aking mga mata.
Nakaharap na pala ako sa bintana ng aking kaluluwa.

Isang Puta

Ni Prince Vincent M. Tolorio
Maikling Kuwento

Nakikita ko siya tuwing hatinggabi, nakasandal sa isang estante sa tabi ng daan, may nakasungalngal na sigarilyo sa labi. Siya si Elisa. Narinig ko lang ang kaniyang pangalan sa mga tumatawag sa kaniya. Maganda siya. Malaperlas sa ningning ang kaniyang mga binti, na kitang-kita dahil lagi siyang nakasuot ng pekpek shorts.

Nakita ko siya isang gabi na may kasamang lalake. Medyo matanda na ito at pangmayaman ang porma. Sinundan ko sila patungo sa isang lugar na puwedeng parausan nang ilang oras pero hindi masyadong mahal. Pumasok sila sa isang kuwarto. Narinig ko ang boses ni Elisa. “Ah, ah, ah. Sige pa. Ipasok mo pa. Bayuhin mo pa ako.” Paulit-ulit ko siyang narinig hanggang siya’y tumahimik. Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas ang lalaki na may ngiting sa demonyo.

Napalitan ng pandidiri at pagkasuka ang pagkahumaling ko sa ganda ni Elisa. Hindi pala sa panlabas na kaanyuan nakikita ang ganda. Panakip lang ito sa katauhang marumi pa sa agos ng tubig sa squatter’s area.

Ilang linggo ring hindi ako dumaan sa kalyeng iyon. Siguro ayaw ko siyang makita, o nasasayangan lang talaga ako sa mukha at katauhan niya. Noong gabing para akong espiya sa isang pelikula, hindi ako makatulog pagkatapos. Palagi ko siyang naaalala. Ewan ko ba kung naaawa ako sa kaniya o nasasayangan sa ganda niya. Hindi niya ginamit ang ganda niya sa tamang paraan. Kaya hindi umuunlad ang bansang ito ay dahil sa mga taong gustong kumita nang mabilisan. Di bale nang ibenta pati kaluluwa at dignidad nila basta’t instant ang pagkayaman. Talagang iniisip ng tao ngayon ay pera ang nagpapaikot ng mundo. Ngunit ibahin ni’yo ako. Naghahanap ako ng tunay na ganda sa mundong ito. ’Yon bang gandang ipagmamalaki mo kahit kanino nang walang pag-aalinlangan dahil walang bahid ng kadumihan at kasamaan.

Tatlong linggo ang lumipas simula nang nahumaling ako sa maling babae. Pumunta ako sa palengke, nagbabakasakali na may mabiling bagong pantalon na gagamitin ko sa opisina. Pagkababa ko pa lang sa kotseng sinasakyan ko, agad na nahagip ko ang mukha ni Elisa, mukhang nagmamadali at parang may hinahanap. Agad ko naman siyang sinundan, at ito na naman ako, parang ulol na nagmamasid sa kaniya.

Bumili siya ng islaks at puting T-shirt at agad binayaran ito sa tindera. Sinundan ko siya hanggang makaabot siya sa kanilang bahay. Malapit lang pala sa palengke ang bahay niya, sa dulo ng squatter’s area. Ang liit nito at hindi lang siya ang nakatira.

Ilang sandali pa lang ako sa pagmamasid ay agad akong nakarinig ng mga kumalansing na mga bagay. “Putang ina kang bata ka! Di ba sabi ko, bumili ka ng pampulutan ko doon sa palengke? Ba’t mga damit ang binili mo? Letse ka talagang bata ka. Akin na. Akin na ang pera mo. Ako na ang bibili!” Lumabas sa bahay ang isang matabang lalake na lasing at may dala-dalang pera.

May mga babaeng nakikiusyoso sa nangyari sa bahay ni Elisa. Narinig ko ang usapan nila.

“Kawawa naman si Elisa. Napilitang gamitin ang ganda para mapakain ang pamilya.”

“Mukhang binilhan niya ng uniporme ang nag-aaral na kapatid.”

“Nagalit pa ang tatay. Inuuna ang bisyo. Walang kuwenta talaga.”

Nanlumo ako sa aking mga narinig. Agad kong pinagsisihan ang mga naisip ko dati. Parang hindi ko mapatawad ang aking sarili. Agad kong hinusgahan ang isang taong hindi ko alam kung bakit ginagawa ang mga bagay na kaniyang ginagawa.

Umuwi ako ng bahay nang nakayuko ang ulo. Hindi ko alam kung magagalit ako sa sarili ko o sa tatay ni Elisa na tamad at walang ginagawa para itama ang buhay ng kaniyang anak.

Natuklasan ko ang aking sarili sa tabi ng daan nang gabing iyon, lumalapit  kay Elisa. Hindi ako makahinga. Hindi ako tiyak sa gagawin. Nagpang-abot ang aming mga mata. Mga ilang sandali rin akong hindi makakilos. Tutok na tutok lang ako sa mapang-akit niyang mga mata.

Hinawakan niya ako sa kamay, at ngumiti siya sa akin, ’yong ngiting naglalandi. Para akong matigas na puno na kahit anong bagyo ang dumaan ay hindi maalis-alis sa kinatatayuan, at sa pagbalik ng aking wisyo, ang isa pa niyang kamay ay nasa harapan na ng aking pantalon, pumipisil nang dahan-dahan hanggang sa bumilis. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Huminto siya at sinabing, “Ilan ba ang dalang pera mo diyan?” Siyempre, ako ’tong si gago na kinakabahan at hindi alam ang gagawin, kaya sinabi ko ang totoo. “Tatlong libo.”

Pumunta kami sa isang motel. Agad siyang naghubad sa aking harapan. Kitang-kita ko ang lahat sa kaniya. Ibinalik ko ang tingin sa mukha niya. “Ayoko,” bigla kong nasambit.

Nagulat siya. Nainsulto siya marahil dahil baka ako pa lang ang tumanggi sa matatayog niyang bundok. “Bakit mo ako tinitingnan na parang asong ulol kanina kung ayaw mo sa akin?” sabi niya.

Hindi ako makasagot.

“Para namang kalakihan eh mas malaki pa nga ang hinliliit ko sa titi mo,” dagdag niya.

Hindi ko pinansin ang galit niya. “Bat mo ginagawa ’to?” tanong ko.

Siya naman ang hindi makasagot.

“Maganda ka,” patuloy ko. “May potensiyal. Magkakapera ka kahit hindi itong paghuhubad ang gawin mo.”

Tinalikuran niya ako at nagbihis, at bago siya lumabas ng kuwarto, sinagot niya ako, “Bakit? Makukuha ko ba sa isang marangal na trabaho ang perang kinikita ko sa isang gabi lang? Ang mga maykaya lang ang may karapatang magkaroon ng marangal na trabaho. Hindi lahat nakakain sa sinasabi mo.”

Nanatili ako sa kuwartong iyon nang gabing iyon. Ginunita ko lahat ng nangyari at sinabi niya. Naaalala ko ang mukha niya. Kahit mahinahon ang kaniyang pagsasalita, may nasilayan akong luha sa tagiliran ng kaniyang mga mata. Nakatulog ako na ang mukha niya ang nakikita ko.

Makalipas ang ilang araw, pinuntahan ko si Elisa sa bahay niya. Gulat na galit ang reaksiyon niya. Nagtataka malamang siya kung bakit alam ko kung saan siya nakatira. Agad siyang umaktong pagsarhan ako ng pinto, ngunit hinarang ko ito at iniabot sa kaniya ang isang liham na matagal kong pinag-isipan at isinulat.

Umalis lang ako nang tinanggap niya ang liham. Hindi ko na hinintay na basahin niya. Hindi ko rin alam kung babasahin niya o hindi, ngunit hiling ko na basahin niya para hindi ako manatiling nagmamasid sa kaniya sa tabi ng daan tuwing gabi.

Manang Arsilinda

Ni Adrian Pete Medina Pregonir
Maikling Kuwento

Maliit lamang sa simula ang pumpon ng mga taong nagtipon, ngunit nang tumaas ang sikat ng araw at kumalat sa bayan ng Sto. Niño ang balitang namatay ang isang kapitana dahil sa karumal-dumal na pagtaga, tila guguho ang isang bakuran sa dami ng mga taong nais makahagilap ng tsismis.

Nagkakagulo, nagsisiksikan, nagtutulakan, nagsisigawan, at ang bawat isa’y naghahangad na makalapit sa balkonahe ni Manang Arsilinda.

“Matuod bala, Nang?” tanong sa kaniya ng isang tanod na sumasawata sa nagkakagulong mga tao.

“Ginasukot niya ako sang diyes mil, kag ginbuno ko siya gilayon sa tuman niya nga pagpamilit!” tumatayong tuwid habang nangangatwiran si Manang Arsilinda. Mahigpit ang hawak niya sa isang pitaka. Tila umaapoy ang kaniyang mga titig sa mga taong nasa palibot. May bahid pa ng dugo’t putik ang suot niyang kupas na daster.

“Pirti!” anang tanod na humihingal. “Indi ako makapati sa nabuhat mo, Nang. Abi ko kon nakalampuwas kamo sang magsara ang Kapa. Indi gid ko ya makapati.”

Hindi na nagsalita si Manang Arsilinda. Hinahaplos na lamang niya ang kaniyang batok. Sa hindi kalayuan mula sa kinatatayuan niya ay papalapit ang mga pulis upang damputin siya. Ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga tao dahil ibig nilang makita ang suspek. Sa mahabang oras na pakikipagtalastasan ng mainit na hangin sa kulumpon ng mga tao ay walang landong ang tumama sa kanila.

“Ngaa bawion niya sa akon ang diyes mil?” muling sabi ni Manang Arsilinda. “Ginluib ko bala siya? Abi ko kon maka-pay out dira na kami magtururunga sang blessing? Tapos siling niya ipadakop niya ko kon waay ako sing may mahatag? Tinonto!”

Pinilit siya ng mga pulis na sumama sa kanila sa presinto, ngunit nagunyapit sa balkonahe si Manang Arsilinda, at nagawa pa niyang hambalusin ng kamay si SPO2 Demavivas nang poposasan na sana siya.

“Sa kalinti!” bulyaw ng isang pamangkin ni Kapitana mula sa bayan ng Banga. “Waay mo tani ginbuno si Kapitana! Sin-o gali ang nangawat sang papeles sang basakan ni Kapitana kag ginbaligya sa balor nga mil kinyentos?”

Taas-noong nakatayo ang lalaki sa pagitan ng maraming tao. “Wala ka bala nahuya nga ang basakan nga ginbaligya mo amo ang lupa nga ginatanoman mo, kag si Kapitana amo ang imo agalon?” panunumbat nito kay Manang Arsilinda.

Mas naggigitgitan ang mga tao. Mas gumulo pa, at napakahirap pigilan ang sigawan na ikulong si Manang Arsilinda. Kaya biglang nagpaputok ng baril ang isang pulis. Ilan sa matatandang naroon ay nahimatay sa takot, ngunit nagpatuloy ang kaguluhan.

“Arsilinda, dapat ka prisohon!”

“Ginpatay mo ang bangka sang Kapa nga buwas-damlag naton!”

Nang hindi na nakayanan ng mga pulis ang mga pagsisiksikan at sigawan, bigla nilang hinablot si Manang Arsilinda upang ipasok sa sasakyan. Ngunit malakas siyang pumiglas at kinuha ang maliit na kutsilyo sa hawak na pitaka. Sumigaw siya, “Para sa hustisya, agod nga magbukas liwan, buhaton ko ini. Tatay Digong, pamatii kami!”

Lalong lumakas ang sigawan nang kaniyang tinaga ang sariling leeg.