Antigong Salamin

Ni PG Murillo
Tula

Nakaharap ako sa
isang antigong salamin
na pamana pa ng aking lolo,
na nabakbak na ang kahoy
dahil sa tagal nang panahon
na pakikipaglaban
sa kaniyang tibay.
Walang bakas ng kahapon
ang namumuo sa pakikipagsapalaran
ng kaniyang linaw.
Maaliwalas pa rin at hindi makikita
na milyong lungkot na
ang sa kaniya’y nakadungaw.
Alam ng mga nagpapaalam
ang sagot sa pagpapaalam,
na hindi ito alam ng mga humihinga
sa kasiyahan. Hindi nagdadamot ang salamin
para ipaubaya ang kalayaan ninuman.
Magkakaroon lang ng balita
kung magpapasakop sa mga nauna.
Ngunit alam kong hindi ito
ang hagdanan at tarangkahan ng langit
na hinahangad nila.
Kasalanan ito sa mata ng Diyos,
ngunit hindi ito kasalanan
sa mga matang bumabalot ng kalungkutan—
ito ang sagot sa mga naghihikahos.
Sa mga oras na ito ako ay nakadungaw sa
napaglumaang salamin,
walang pagbigkas ang namumuo sa labi,
walang bakas ng salita
na didikit sa kaniyang napakaaliwalas na linaw.

Tinignan ko lamang ito,
at halos ayaw pumikit ng aking mga talukap.
Habang sa pagtanaw ko’y
may namumuo nang tubig sa aking mga mata.
Nakaharap na pala ako sa bintana ng aking kaluluwa.

Isang Puta

Ni Prince Vincent M. Tolorio
Maikling Kuwento

Nakikita ko siya tuwing hatinggabi, nakasandal sa isang estante sa tabi ng daan, may nakasungalngal na sigarilyo sa labi. Siya si Elisa. Narinig ko lang ang kaniyang pangalan sa mga tumatawag sa kaniya. Maganda siya. Malaperlas sa ningning ang kaniyang mga binti, na kitang-kita dahil lagi siyang nakasuot ng pekpek shorts.

Nakita ko siya isang gabi na may kasamang lalake. Medyo matanda na ito at pangmayaman ang porma. Sinundan ko sila patungo sa isang lugar na puwedeng parausan nang ilang oras pero hindi masyadong mahal. Pumasok sila sa isang kuwarto. Narinig ko ang boses ni Elisa. “Ah, ah, ah. Sige pa. Ipasok mo pa. Bayuhin mo pa ako.” Paulit-ulit ko siyang narinig hanggang siya’y tumahimik. Pagkalipas ng ilang minuto, lumabas ang lalaki na may ngiting sa demonyo.

Napalitan ng pandidiri at pagkasuka ang pagkahumaling ko sa ganda ni Elisa. Hindi pala sa panlabas na kaanyuan nakikita ang ganda. Panakip lang ito sa katauhang marumi pa sa agos ng tubig sa squatter’s area.

Ilang linggo ring hindi ako dumaan sa kalyeng iyon. Siguro ayaw ko siyang makita, o nasasayangan lang talaga ako sa mukha at katauhan niya. Noong gabing para akong espiya sa isang pelikula, hindi ako makatulog pagkatapos. Palagi ko siyang naaalala. Ewan ko ba kung naaawa ako sa kaniya o nasasayangan sa ganda niya. Hindi niya ginamit ang ganda niya sa tamang paraan. Kaya hindi umuunlad ang bansang ito ay dahil sa mga taong gustong kumita nang mabilisan. Di bale nang ibenta pati kaluluwa at dignidad nila basta’t instant ang pagkayaman. Talagang iniisip ng tao ngayon ay pera ang nagpapaikot ng mundo. Ngunit ibahin ni’yo ako. Naghahanap ako ng tunay na ganda sa mundong ito. ’Yon bang gandang ipagmamalaki mo kahit kanino nang walang pag-aalinlangan dahil walang bahid ng kadumihan at kasamaan.

Tatlong linggo ang lumipas simula nang nahumaling ako sa maling babae. Pumunta ako sa palengke, nagbabakasakali na may mabiling bagong pantalon na gagamitin ko sa opisina. Pagkababa ko pa lang sa kotseng sinasakyan ko, agad na nahagip ko ang mukha ni Elisa, mukhang nagmamadali at parang may hinahanap. Agad ko naman siyang sinundan, at ito na naman ako, parang ulol na nagmamasid sa kaniya.

Bumili siya ng islaks at puting T-shirt at agad binayaran ito sa tindera. Sinundan ko siya hanggang makaabot siya sa kanilang bahay. Malapit lang pala sa palengke ang bahay niya, sa dulo ng squatter’s area. Ang liit nito at hindi lang siya ang nakatira.

Ilang sandali pa lang ako sa pagmamasid ay agad akong nakarinig ng mga kumalansing na mga bagay. “Putang ina kang bata ka! Di ba sabi ko, bumili ka ng pampulutan ko doon sa palengke? Ba’t mga damit ang binili mo? Letse ka talagang bata ka. Akin na. Akin na ang pera mo. Ako na ang bibili!” Lumabas sa bahay ang isang matabang lalake na lasing at may dala-dalang pera.

May mga babaeng nakikiusyoso sa nangyari sa bahay ni Elisa. Narinig ko ang usapan nila.

“Kawawa naman si Elisa. Napilitang gamitin ang ganda para mapakain ang pamilya.”

“Mukhang binilhan niya ng uniporme ang nag-aaral na kapatid.”

“Nagalit pa ang tatay. Inuuna ang bisyo. Walang kuwenta talaga.”

Nanlumo ako sa aking mga narinig. Agad kong pinagsisihan ang mga naisip ko dati. Parang hindi ko mapatawad ang aking sarili. Agad kong hinusgahan ang isang taong hindi ko alam kung bakit ginagawa ang mga bagay na kaniyang ginagawa.

Umuwi ako ng bahay nang nakayuko ang ulo. Hindi ko alam kung magagalit ako sa sarili ko o sa tatay ni Elisa na tamad at walang ginagawa para itama ang buhay ng kaniyang anak.

Natuklasan ko ang aking sarili sa tabi ng daan nang gabing iyon, lumalapit  kay Elisa. Hindi ako makahinga. Hindi ako tiyak sa gagawin. Nagpang-abot ang aming mga mata. Mga ilang sandali rin akong hindi makakilos. Tutok na tutok lang ako sa mapang-akit niyang mga mata.

Hinawakan niya ako sa kamay, at ngumiti siya sa akin, ’yong ngiting naglalandi. Para akong matigas na puno na kahit anong bagyo ang dumaan ay hindi maalis-alis sa kinatatayuan, at sa pagbalik ng aking wisyo, ang isa pa niyang kamay ay nasa harapan na ng aking pantalon, pumipisil nang dahan-dahan hanggang sa bumilis. Bumilis din ang tibok ng puso ko. Huminto siya at sinabing, “Ilan ba ang dalang pera mo diyan?” Siyempre, ako ’tong si gago na kinakabahan at hindi alam ang gagawin, kaya sinabi ko ang totoo. “Tatlong libo.”

Pumunta kami sa isang motel. Agad siyang naghubad sa aking harapan. Kitang-kita ko ang lahat sa kaniya. Ibinalik ko ang tingin sa mukha niya. “Ayoko,” bigla kong nasambit.

Nagulat siya. Nainsulto siya marahil dahil baka ako pa lang ang tumanggi sa matatayog niyang bundok. “Bakit mo ako tinitingnan na parang asong ulol kanina kung ayaw mo sa akin?” sabi niya.

Hindi ako makasagot.

“Para namang kalakihan eh mas malaki pa nga ang hinliliit ko sa titi mo,” dagdag niya.

Hindi ko pinansin ang galit niya. “Bat mo ginagawa ’to?” tanong ko.

Siya naman ang hindi makasagot.

“Maganda ka,” patuloy ko. “May potensiyal. Magkakapera ka kahit hindi itong paghuhubad ang gawin mo.”

Tinalikuran niya ako at nagbihis, at bago siya lumabas ng kuwarto, sinagot niya ako, “Bakit? Makukuha ko ba sa isang marangal na trabaho ang perang kinikita ko sa isang gabi lang? Ang mga maykaya lang ang may karapatang magkaroon ng marangal na trabaho. Hindi lahat nakakain sa sinasabi mo.”

Nanatili ako sa kuwartong iyon nang gabing iyon. Ginunita ko lahat ng nangyari at sinabi niya. Naaalala ko ang mukha niya. Kahit mahinahon ang kaniyang pagsasalita, may nasilayan akong luha sa tagiliran ng kaniyang mga mata. Nakatulog ako na ang mukha niya ang nakikita ko.

Makalipas ang ilang araw, pinuntahan ko si Elisa sa bahay niya. Gulat na galit ang reaksiyon niya. Nagtataka malamang siya kung bakit alam ko kung saan siya nakatira. Agad siyang umaktong pagsarhan ako ng pinto, ngunit hinarang ko ito at iniabot sa kaniya ang isang liham na matagal kong pinag-isipan at isinulat.

Umalis lang ako nang tinanggap niya ang liham. Hindi ko na hinintay na basahin niya. Hindi ko rin alam kung babasahin niya o hindi, ngunit hiling ko na basahin niya para hindi ako manatiling nagmamasid sa kaniya sa tabi ng daan tuwing gabi.

Manang Arsilinda

Ni Adrian Pete Medina Pregonir
Maikling Kuwento

Maliit lamang sa simula ang pumpon ng mga taong nagtipon, ngunit nang tumaas ang sikat ng araw at kumalat sa bayan ng Sto. Niño ang balitang namatay ang isang kapitana dahil sa karumal-dumal na pagtaga, tila guguho ang isang bakuran sa dami ng mga taong nais makahagilap ng tsismis.

Nagkakagulo, nagsisiksikan, nagtutulakan, nagsisigawan, at ang bawat isa’y naghahangad na makalapit sa balkonahe ni Manang Arsilinda.

“Matuod bala, Nang?” tanong sa kaniya ng isang tanod na sumasawata sa nagkakagulong mga tao.

“Ginasukot niya ako sang diyes mil, kag ginbuno ko siya gilayon sa tuman niya nga pagpamilit!” tumatayong tuwid habang nangangatwiran si Manang Arsilinda. Mahigpit ang hawak niya sa isang pitaka. Tila umaapoy ang kaniyang mga titig sa mga taong nasa palibot. May bahid pa ng dugo’t putik ang suot niyang kupas na daster.

“Pirti!” anang tanod na humihingal. “Indi ako makapati sa nabuhat mo, Nang. Abi ko kon nakalampuwas kamo sang magsara ang Kapa. Indi gid ko ya makapati.”

Hindi na nagsalita si Manang Arsilinda. Hinahaplos na lamang niya ang kaniyang batok. Sa hindi kalayuan mula sa kinatatayuan niya ay papalapit ang mga pulis upang damputin siya. Ipinagtutulakan ng mga pulis ang mga tao dahil ibig nilang makita ang suspek. Sa mahabang oras na pakikipagtalastasan ng mainit na hangin sa kulumpon ng mga tao ay walang landong ang tumama sa kanila.

“Ngaa bawion niya sa akon ang diyes mil?” muling sabi ni Manang Arsilinda. “Ginluib ko bala siya? Abi ko kon maka-pay out dira na kami magtururunga sang blessing? Tapos siling niya ipadakop niya ko kon waay ako sing may mahatag? Tinonto!”

Pinilit siya ng mga pulis na sumama sa kanila sa presinto, ngunit nagunyapit sa balkonahe si Manang Arsilinda, at nagawa pa niyang hambalusin ng kamay si SPO2 Demavivas nang poposasan na sana siya.

“Sa kalinti!” bulyaw ng isang pamangkin ni Kapitana mula sa bayan ng Banga. “Waay mo tani ginbuno si Kapitana! Sin-o gali ang nangawat sang papeles sang basakan ni Kapitana kag ginbaligya sa balor nga mil kinyentos?”

Taas-noong nakatayo ang lalaki sa pagitan ng maraming tao. “Wala ka bala nahuya nga ang basakan nga ginbaligya mo amo ang lupa nga ginatanoman mo, kag si Kapitana amo ang imo agalon?” panunumbat nito kay Manang Arsilinda.

Mas naggigitgitan ang mga tao. Mas gumulo pa, at napakahirap pigilan ang sigawan na ikulong si Manang Arsilinda. Kaya biglang nagpaputok ng baril ang isang pulis. Ilan sa matatandang naroon ay nahimatay sa takot, ngunit nagpatuloy ang kaguluhan.

“Arsilinda, dapat ka prisohon!”

“Ginpatay mo ang bangka sang Kapa nga buwas-damlag naton!”

Nang hindi na nakayanan ng mga pulis ang mga pagsisiksikan at sigawan, bigla nilang hinablot si Manang Arsilinda upang ipasok sa sasakyan. Ngunit malakas siyang pumiglas at kinuha ang maliit na kutsilyo sa hawak na pitaka. Sumigaw siya, “Para sa hustisya, agod nga magbukas liwan, buhaton ko ini. Tatay Digong, pamatii kami!”

Lalong lumakas ang sigawan nang kaniyang tinaga ang sariling leeg.

Editors and Contributors

CONTRIBUTORS

Hannah Adtoon Leceña is a high school teacher and spoken word artist from Kiamba, Sarangani Province. She was a fellow at the 2018 Davao Writers Workshop, the 3rd Bathalad–Sugbo Creative Writing Workshop (2019), and the 26th Iligan National Writers Workshop (2019), where her story received a special Jimmy Y. Balacuit Literary Award. She earned her Bachelor of Secondary Education (major in Filipino) degree at Mindanao State University in General Santos City.

Jerico L. Marcelino is from Carmen, Cotabato Province, and earned his Bachelor of Science in Accountancy degree from the University of Southern Mindanao in the same province.

PG Murillo is an independent rap artist and battle emcee. He won first place at the rap battle of the 2017 GenSan Summer Youth Fest and was declared champion at the spoken word competition of the 2019 GenSan Summer Youth Fest. He studied information technology at Systems Technology Institute (STI) in General Santos City.

Adrian Pete Medina Pregonir is a senior high school student in Banga, South Cotabato. He has been published in Cotabato Literary Journal and Liwayway, and he was a fellow for poetry at the 2018 Davao Writers Workshop. His piece in this issue, “Noon Akto-o Hén Fa Gali Em (May Katotohanan Pa Pala),” won third prize in the Kabataan Sanaysay category of the 69th Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature (2019).

Prince Vincent M. Tolorio teaches at Holy Trinity College of General Santos City and earned his bachelor’s degree in Filipino at Mindanao State University in the same city. He is currently taking up Master of Arts in Teaching Filipino at Sultan Kudarat State University.

EDITORS

Jude Ortega (Editor in Chief) is the author of the short story collection Seekers of Spirits (UP Press, 2018). In 2015, he received honorable mention at the inaugural F. Sionil José Young Writers Awards and at the Philippines Graphic Nick Joaquin Literary Awards. He studied political science at Notre Dame of Marbel University in Koronadal City, South Cotabato, and currently stays most of the time in Isulan, Sultan Kudarat.

David Jayson Oquendo (Editor for Fiction) is from Polomolok, South Cotabato, and works in Davao City as an electrical engineer. He was a fellow for fiction at the 2018 Davao Writers Workshop and is a former editor in chief of the official student publication of Mindanao State University in General Santos City.

Andrea D. Lim (Editor for Poetry) is working as an editor for a publishing company in Cebu City while taking her master’s degree in literature at the University of San Carlos. She was a fellow at the 24th Iligan National Writers Workshop (2017) and is a former editor in chief of the official student publication of Silliman University in Dumaguete City, Negros Oriental. Her family lives in General Santos City.

Paul Randy P. Gumanao (Editor for Poetry) hails from Kidapawan City, Cotabato Province, and teaches chemistry at Philippine Science High School–SOCCSKSARGEN Region Campus in Koronadal City, South Cotabato. He was a fellow for poetry at the 2009 Davao Writers Workshop and the 2010 IYAS National Writers Workshop. He is a former editor in chief of the official student publication of Ateneo de Davao University, where he earned his bachelor’s degree and is finishing his master’s degree in chemistry.

Hazel-Gin Lorenzo Aspera (Editor for Nonfiction) is a registered nurse, artist, and writer. She spent her childhood in Cotabato City and is now based in Cagayan de Oro City. A fellow for literary essay at the 1st Cagayan de Oro Writers Workshop, some of her feature stories appear in the book Peace Journeys: A Collection of Peacebuilding Stories in Mindanao. Currently, she is Associate Director for Communications and Junior Fellow for Literary Essay of Nagkahiusang Magsusulat sa Cagayan de Oro (NAGMAC).

Jennie P. Arado (Editor for Nonfiction) is from Koronadal City, South Cotabato, and currently works for a newspaper in Davao City as editor of the lifestyle section. She earned her BA in English (major in creative writing) from the University of the Philippines–Mindanao and was a fellow for creative nonfiction at the 2016 University of Santo Tomas National Writers Workshop. Her story “Ang Dako nga Yahong sang Batchoy” won the South Cotabato Children’s Story Writing Contest in 2018.

Norman Ralph Isla (Editor for Play) is from Tacurong City, Sultan Kudarat, and a department head at Mindanao State University in General Santos City. He was a fellow for drama at the 2015 Davao Writers Workshop and at the 4th Amelia Lapeña–Bonifacio Writers Workshop (2019). Several of his plays have been staged in General Santos City and South Cotabato.

Introduction to October 2019 Issue

Featured in this issue are six literary works—two poems, one micro essay, and three short stories. Four of them deal with love, a subject that is relevant regardless of what time of year it is. Most of them are distinctly set in the region, an indication of the growing consciousness among local writers to write local stories for local readers. All of them are well-written, whatever language they are in.

“Oh, My Mandarangan” by Vincent Carlo Duran Cuzon looks back on a love that failed, and “Handum” by Adrian Pete Medina Pregonir yearns for a love to be fulfilled. Poetry editor Paul Randy Gumanao selected and reviewed the two poems:

Cuzon’s poem is a creative interlacing of folklore and the persona’s narrative. Here, the Kidapawanon poet features as the central setting of the poem a local landmark of Kidapawan City—the Mandarangan Trail of Mt. Apo. In Bagobo folklore, Mandarangan is a powerful spirit who dwells with his wife, Darago, in a great fissure in Mt. Apo. In the poem, Mandarangan is addressed as someone to whom the persona was lured and with whom had a serendipitous affair, which eventually did not prosper causing the persona to earn the ire of Mandarangan’s wife.

The poem ushers the readers through the thickets, warm vents, and foggy atmosphere of the Mandarangan Trail on the way to the peak of Mt. Apo, as it reveals a story of a fleeting and unfortunate romance with someone who is already committed to another. The poem is a must-read especially this month when the Mandarangan Trail is again open for tourists and trekkers for the annual Mt. Apo October Trek.

Ang binalaybay ni Pregonir nagalarawan sa madalum nga handum kag paglaum sang persona nga makaupod ang ginahulat nga pinalangga nga nagpasalig sa iya nga dal-on siya sa lawud nga [ila]/ ginadahum kag indi magauntat tubtub/ indi [siya] madala sa/ pantalan sang [ila] ginhawa. Matahum ang paghulagway sang iya nga kahidlaw. May sagol nga kabalaka ang iya nga handum kag ini mabatyagan sa mga imahe sang nagalupad/ nga mga ipot-ipot sa kahanginan, sang nagauyog [nga] kapunoan, kag sang wala untat/ [nga] pagtayhop sang amihan.

Kung san-o ang katumanan sang iya nga handum, wala pa sing kasiguruhan. Ugaling, tungod sa gugma, nagapadayon siya nga malaumon pinaagi sa pagpanday/ sang balay sang tinaga/ agud mangin isa/ ka binalaybay.

* * *

Sa maikling sanayay na “Liko’t Lubak,” inilahad ni Allan Ace Dignadice ang kaniyang mga karanasan at pagmumuni-muni upang lalong makilala ang sarili at humantong sa isang desisyon. Payak man ang paksa, nakakaaliw basahin ang gawa dahil malinis at may indayog ang wika at matapat ang paglalahad. Ipinapahayag din sa sanaysay na ang mga paglalakbay ay laging para sa sarili at bumabalik sa pinanggalingan.

Mahitungod ang sugilanon nga “Ginadili” ni Hannah Adtoon Leceña sa usa ka Kristiyano nga babaye nga naay uyab nga Muslim, ug tutol ang iyahang amahan sa ilahang paghigugmaay. Nipadulong ang suliran sa bayolente nga pagpakigharong, ug dinhi nigawas ang matuod nga  kinaiyahan sa mga tawo. Pinaagi sa matud-anong dayalogo, nahimong buhi ang mga eksena sa hunahuna sa magbabasa.

Tungkol naman sa sapilitang pagpapakasal ang kuwentong “Bihag” ni Norsalim S. Haron. Sa isang kulturang malaki ang pagpapahalaga sa dangal, hindi bihira ang pangyayaring ito. Sa pag-usad ng kuwento, matutuklasang hindi lamang pisikal ang pagkakabihag sa pangunahing tauhan. Ipinapasilip sa akda ang mga kaugalian at paniniwala ng mga Maguindanon.

“Scars under Her Feet” by Angelo Serrano is a long short story about a girl and her adventure in a magical land. The quest she accepts, however, is far from simple or ideal. As she comes face to face with the villain, her perception of good and evil, of truth and lies, is challenged. Of the local writers his age, Serrano arguably has the best command of the English language.

These six writers are still in their teens or twenties, as most of the contributors of this journal are. If they persevere and continue to produce works that are of the same quality as or better than the ones here, the region’s literature will thrive even further. This journal has so much to be grateful for and look forward to.

Jude Ortega
Isulan, Sultan Kudarat

Oh, My Mandarangan

By Vincent Carlo Duran Cuzon
Poetry

I was on the way
to the peak
of the great Apo
when I saw you—
Oh, my Mandarangan.

You were seducing me
to be with you.
It was a sacrifice of my time.
But your eyes were gleaming.
I obeyed.
Oh, my Mandarangan.

I lost sight of the peak.
I followed your trail
for the longest time.
How I loved the warm vents you showed me
And the fogs we created.
Oh, my Mandarangan.

Then—
I decided to move out
from us.
I tried to focus on the peak again.
Oh, the long struggle.
I tried to get closer to the peak.
But I wanted you.
Oh, my Mandarangan.

Now, I’m trying to get your attention
Again.
Let’s begin—again.
Take me to the warm vents.
But
You just summoned the cold—
Cold winds of Apo

And from a short distance,
Darago is impaling me
with fierce eyes.
Oh, the stupid me.
You should have told me.
Oh, my Mandarangan.

I regret
That I chose the peak
Over your warm vents.
How I wish to be there
With you,
Create the fogs we loved
Together.
Oh, my Mandarangan.

It hurts.
But—
Thank you.
How I wish you would
But—
Don’t look back.
Oh, my Mandarangan.

Handum

Ni Adrian Pete Medina Pregonir
Binalaybay

Kadamo sang nagalupad
nga mga ipot-ipot
sa kahanginan,
palangga.
Siling ko, isa-isa ko ini
pagaisipon para sa imo
samtang
nagatalabiris ang balhas
gikan sa taguangkan
sang akon handum.
Nagauyog ang kapunoan
samtang wala untat
ang pagtayhop sang amihan.
Nagakatulog ang kabulakan
nga aton ginakalipay
sa mga tinion nga ang
mga ini magabuklad
sang ila mga sipad.
Kag kon magaabot ang tig-ilinit,
may ulihi nga igapasunod
nga duag ang mga ini.
Siling mo, palangga,
magabuhat ikaw sang bangka
kay magaumpisa kita
sang aton panakayon
sa lawud nga aton
ginadahum. Nungka ikaw
magauntat tubtub
indi mo ko madala sa
pantalan sang aton ginhawa. Ugaling,
madamo ako sing
may ginabalibaran
sa mga pagpasalig
nga dapat pagasaligan
kag mga pagbalibad
sa indi dapat balibaran,
mga butang nga dapat
angkonon tubtub sa kinaadman.
Subong nga kagab-ihon,
palangga, yari ako sa kwarto,
nagaisahanon, nagaatubang
sa mitsa,
magaumpisa sa pagpanday
sang balay sang tinaga
agud mangin isa
ka binalaybay.

Liko’t Lubak

Ni Allan Ace Dignadice
Sanaysay

 

“How do you see yourself ten years from now?”

Biglang gumulo ang klase. May mga bulong-bulungan at tawanan. Bigla akong kinabahan. Bumilis ang tibok ng aking puso. Napaisip. Napahinto.

Ano na nga ba ako ten years from now? Ano nga ba talaga ang gusto ko?

* * *

Hindi ko na matandaan kung ano ang pinakauna kong “gusto kong maging.” Siguro ang maging guro dahil guro si Lola Eling, si Angkol Val, at ang iba ko pang mga pinsan. Natatandaan ko ring minsan ginusto kong maging isang scientist o astronaut dala na rin siguro ng pagkahumaling ko sa mga pambatang palabas sa telebisyon. Aaminin kong naisip ko ring maging pulis o sundalo, kaso nga lang di ako pinagpala sa tangkad, kaya hindi talaga ako siguro para doon. Oo, pinangarap ko ring makapaglaro sa Wowowee o di kaya’y makapasok sa Pinoy Big Brother—maging artista at maging mayaman.

Minsan, sa exchange gifts noong ako’y nasa ikalawa o ikatlong baitang, niregaluhan ako ng aking monita ng isang pares ng boxing gloves. Nang malaman ni Papang, ginawan niya ako ng punching bag gamit ang sako na pinuno ng mga lumang damit para pag-ensayuhan. Malaki kasi ang pera kung magiging boksingero gaya ni Pacquiao. Masyado nga lang suntok sa buwan.

Pagtuntong ko ng high school, natuon sa agham at sipnayan ang mga hilig ko at ang pinapangarap kong maging balang araw. Nang minsang makasali ako sa isang advocacy campaign para sa pangagalaga ng karagatan, nahabag ako nang sobra at naisipang maging isang marine biologist. Dumagdag pa ang pagkamangha ko sa pag-aaral sa katubigan nang mabasa ko ang Twenty Thousand Leagues Under the Sea ni Jules Verne. Isang kudkuran sa aking haraya ang nobela na para bang inaakit akong halungkatin kung ano pa ang mga itinatago sa kailaliman ng karagatan. Subalit hindi ako marunong lumangoy. Sayang.

Naging career model student naman ako nang grade 10 sa hindi ko malamang dahilan. Ang masaya pa, sa araw ng career guidance, nakalimutan kong kailangan pala naming gumayak gaya ng gusto naming propesyon balang-araw. Kaya naman nang tinawag na ako upang magpakilala, suot ko’y puting T-shirt at khaki pants. Kumuha ako ng rolyo ng kartolina at hiniram ang hard hat ng isa kong kasama.

“Ako nga pala si Allan Ace Dignadice,” pakilala ko. “Gusto kong maging surveyor . . .”

Hindi ko na matandaan kung ano pa ang pinagsasabi ko nang araw na iyon. Ayaw ko na rin namang alalahanin. At isa pa, ayoko naman talagang maging isang surveyor.

Pagsapit ng grade 12, halos lahat ay sabik sa kaliwa’t kanang exams para sa mga kolehiyong nais nilang pasukan. Habang ako ay hindi pa rin alam kung ano nga ba ang tatahakin. Sinubukan kong kumuha ng University of the Philippines College Admission Test dahil libre naman at wala rin akong balak na doon mag-aral, ngunit nang lumabas ang resulta at nakapasa ako sa pinili kong kampus at kurso, magkahalong saya at ligalig ang naramdaman ko.

Kaya ko bang maging isang chemical engineer? tanong ko sa sarili. Masyadong malayo ang Maynila. Hindi ako marunong magluto, maglaba. Paano kung magkasakit ako? Hindi ko kaya. Pero sayang.

Sa mga panahong ito ako napaisip kung ano nga ba ang gusto ko maging. Hindi na puwede ang magkamali. Kinabukasan na ang nakataya.

* * *

Tumayo ako, nanginginig at natatakot. Naramdaman ko ang paglapat ng mga mata ng aking mga kaklase sa akin. Biglang tumahimik ang silid.

“I am Allan Ace Dignadice, and I see myself ten years from now . . . here.” Naramdaman ko ang panunuyo ng aking lalamunan. Nilunok ko ang aking laway. “I’ll be teaching here as a professor at Mindanao State University.”

Noong panahong iyon, hindi ko masukat ang kaba at pananabik kong makita ang hinaharap at magkatotoo ang mga salitang binitiwan ko. Hindi na ako bata upang mangarap ng suntok sa buwan, ngunit hindi ako bata upang hindi manindigan.

Nasa dugo ko na siguro talaga ang maging guro, hindi dahil angkan kami ng mga guro kundi dahil nakita ko ang pangangailangan ng komunidad. Masyado nang marami ang gustong umalis upang maghanap ng karangyaan sa ibang lugar. Masyado nang marami ang nagbabalak na iwan ang lugar na kanilang kinalakihan. Ayaw ko nang dumagdag.

Alam kong masyadong idealistic, masyadong madrama, ’yong tipong papunta na sa ulirang mamamayan. Ngunit sa lahat ng ginusto kong maging, ngayon ako mas sigurado. At ang bawat paliko-liko at mga lubak-lubak na dinaanan ko bago ako pumirmi sa desisyon kong ito ang patunay na anuman ang mangyari, makakarating ako sa kung saan ako dapat sa mundong ito. Alam ko na ang gusto ko—gusto kong makatulong sa aking pamayanan.

Ginadili

Ni Hannah Adtoon Leceña
Sugilanon

Wala pa kasulod sa ilahang balay si Rosemarie apan gitampalong na kini sa amahan. Nagakalayo ang mga mata niini. “Di ba ana ko nga manguyab ka og maskin kinsa basta ayaw lang nang Muslim, Rosemarie? Gahi kaayo ka og uwo!” singhag niini sa iyaha.

“Tay, gihigugma ko si Rashid!” singhal usab sa dalaga nga gigunitan ang namuwang aping.

“Motubag pa gyud ka ay! Sulod diri!” Giguyod ni Raul ang iyahang anak nga baye sa sulod sa ilahang panimalay. Mura og baboy nga nagtiyabaw si Rosemarie, ug nagtabisay na intawon ang sip-on ug luha sa dalaga. Naa sa kusina ang iyahang inahan nga nagpreparar og panihapon, ug nahikurat kini sa nadungog nga nilagubo sa salas, ug nagdalidali kini og anhi.

“Raul! Tama na, Raul! Maluoy intawon ka sa imohang anak!” Mihilak si Pilang nga nidagan aron patindogon ang anak sa pagkakita nga moaksyon naman sab og patid ang bana.

“Asa ka man gud intawon gikan, Rosemarie, nga gabii na kaayo?” ang naingon sa inahan. “Di ba ana ko nga dili na maglaroylaroy! Kabalo nang alert kaayo karon!”

Wala makatubag si Rosemarie. Nagdugo ang ngabil niya. Apan wala pa gihapon nahuman og yawyaw ang iyahang amahan. Mas nikusog hinuon kini. “Daan na tika giingnang bayhana ka nga ayaw panguyab og Muslim, apan ambot unsa imong nakaon, nganong ginaunok-unok man gyud ko nimo!”

Nidanguyngoy lamang intawon si Rosemarie sa daplin. Dili gayod siya makasukol sa amahan. Aduna kini high blood. Nahadlok siya nga atakehon kini.

“Pwe! Aduna man untay anak nga seaman didto si kumpare, apan giunsa nimo, Rosemarie?” dungag sa iyahang amahan. “Diyos Santisima, Rosemarie! Kung wala pa lang kamo nakita sa atoang silingan didto sa basakan, dili kami makabalo ni mama mo sa imohang kabuang. Brayt ka man untang bataa ka, apan wala gyod nimo gigamit imong utok kay tungod uwagan kang dako!”

Gipapahawa na lamang sa iyahang inahan ang dalaga kay tingalig mahinaykan kini ni Raul.

Nisulod sa iyahang lawak si Rosemarie ug nihilak pag-ayo. Dungog kaayo niya hangtod sa sulod ang gipanulti sa iyahang amahan.

“Unsa na lamang ang iingon sa atoang mga higala ug silingan, Pilang! Unsaon na lang kon mabuntis nang imong anak! Dili gyod ko makadawat og apo nga Muslim!”

“Tama na na, Raul,” miingon ang tiguwang baye. “Kabawo na man ka sa mga batan-on karon, uyab karon, magbulag ugma. Tingali sabton sa nato imohang anak karon.”

Gisampongan ni Rosemarie ang iyahang dalunggan, ug iyahang nahunahunaan ang mga kaagi nila ni Rashid sa nilabay nga tulo ka tuig.

Klasmeyt niya si Rashid sukad elementary, apan nagkasuod lamang sila sugod kadtong nitungha siya sa Mindanao State University sa General Santos City, kay tungod kababayan niya kini ug pareho kini niya og kurso. Nahibal-an sab niya nga buotan ang ulitawo, tungod usab siguro kay anak kini sa usa ka imam ug, labaw sa tanan, kining tawhana adunay kahadlok sa Ginoo. Kabalo siya nga wala na gyod siyay makita nga laki nga susama ka mapailobon ni Rashid. Wala nagatuo si Rosemarie nga ang Kristiyano para lang sa Kristiyano ug ang Muslim para lang sa Muslim.

Permente dungan mouli si Rashid ug si Rosemarie sa ilaha sa Kiamba. Tapad sila sa van, apan mohunong sa palengke si Rashid ug sa eskwelahan si Rosemarie aron dili mahalata sa mga tawo nga nagkuyog sila. Usahay dili malikayan nga mohapit sila sa balay ni Rashid, ug gidawat man siya sa maayong kabubut-on sa mga ginikanan sa lalaki. Kabalo na siya sa una pa lamang nga dili gusto sa iyahang amahan nga maminyo siya og Muslim kay tungod lagi ginatuohan sa iyahang mga kaapohan nga mga Muslim ang gahaling og kagubot sa ilahang baryo. Apan sa nakita ni Rosemarie kang Rashid ug sa pamilya niini, dili kini tinuod.

“Rosemarie, anak, mosugot kami ni mama mo nga moeskwela ka sa syudad, kay dili namo gusto nga makulong ka dinhi sa atoa ug makapangasawa og mananggotay,” komedya sa iyahang amahan sa iyaha kadtong high school pa siya.

Nakatawa ang dalaga. “Papang uy, bata pa tawon kaayo ko alang ana,” tubag niya.

Apan katong nakaila niya pag-ayo si Rashid, nabag-o ang tanan niyang panlantaw sa kinabuhi. Sa pagkatinuod ana, siya ang una nakapansin sa lalaki kay tungod sa kamaayo niini moabi-abi. Si Rosemarie man sab usa ka opisyales sa ilahang organisasyon, ug nakita ni Rashid ang kaanyag sa dalaga.

“Rashid, ayaw sa intawon mo pagdalidali ni Marie ha!” komedya ni Norojil, usa nila ka higala.

“Inday Rosemarie, pagbantay intawon ha,” gipahimangnoan siya sa higala nga si Susan. “Kabalo na baya ka karon nga kung mabuntis ang baye ipakasal dayon.”

“O lage, day, uy, pero ayaw ko isumbong kang papa ha?” hangyo sa dalaga.

Nagpadayon gihapon ang maayo nga relasyon sa duha bisan pa og daghan ang babag sa ilaha isip manag-uyab.

Nagapuyo sa Boys’ Dorm si Rashid, ug sa Girls’ Annex Dorm si Rosemarie. Nagadungan sila og kaon matag udto ug gabii. Ginahatod usab ni Rashid ang babae sa dormitoryo inig kagabii na kay nabalaka kini sa trato.

Sa paghunahuna sa mga kaagi nilang duha, mas nisamot kabug-at ang kasingkasing ni Rosemarie. Ang kaul-ol ug kasakit nibati na sa iyahang tibuok lawas, dili lamang sa iyahang aping nga natamparosan.

Tinuod gayod diay nga walay aso nga makumkom.

Tinuod nga nagkita si Rashid ug Rosemarie sa basakan niadtong gabhiona. Mas nidaghan ang bituon sa kawanangan. Mura og nahimuot ang mga kini sa panagtagbo nilahang duha. Walay kasudlan ang kalipay sa dalaga niadtong taknaa. Nagkantakanta pa siya pauli sa ilaha, apan pag-abot sa ilahang tugkaran, nahikurat siya sa kakusog sa sagpa nga iyahang nahiagoman gikan sa amahan. Kompyansa ra kaayo sila ni Rashid.

Nanuktok ang inahan ni Marie, apan wala kini niya panumbalinga. Iyahang hunahuna naglatagaw gihapon, anaa lang gihapon sa hinigugma, ug mas nikusog ang iyang pagbakho sa pagkahunahuna sa ulahi nga pakig-istorya niya sa trato.

“Sid, nagmabdos ko,” ingon niya. “Itaban na intawon ko. Mamahawa na kita dinhi!”

“Dili ko musugot nga magtaban kita, Marie,” tubag ni Rashid. “Ugma atubangon nato ang imohang amahan.” Gihalukan ni Rashid ang agtang sa dalaga.

“Rosemarie, unsa ba!” singgit ni Pilang sa gawas sa lawak ni Rosemarie. “Abrihi ang purtahan kay ang imong amahan!”

Nahikurat si Rosemarie ug nibalik sa husto nga panimuot. Giabrihan niya ang purtahan, ug nahikaplagan niya ang inahan nga mura og nagsalimuang.

“Imohang amahan intawon!” ingon ni Pilang. “Niadto sa balay ni Rashid, gidala iyahang pistola!”

Nagdalidali og guwa si Rosemarie sa ilahang panimalay. Wala na niya masul-ob ang iyahang tsinelas, maong nagkalapok ang iyahang tiil. Nikaratil siya og dagan, apan wala pa man siya makaliko sa kurbada paingon sa basakan, aduna siyay nadungog nga usa ka buto.

Mas mikusog pa ang iyahang dagan paingon sa dalan sa balay nilang Rashid.

“Rashid! Rashid!” singgit niya samtang naglingilingi sa iyahang palibot.

Gitapion niya ang iyahang kamot sa iyahang dughan, ug gigunitan niya ang iyahang tiyan.

Sa wala madugay, nakakita siya og anino nga naghinagudlos paingon niya.

“Pagdali, dalhon ta siya sa ospital.”

Si Rashid kadto, gibaba ang iyahang amahan.