Ni Gerald Galindez
Tula
Maalikabok ka lang pero kaganda mo,
lalo na sa mga hapon pag ginatamaan ka ng ilaw ng araw na nagalubog sa Daguma—
ang korona mo ay nagabaga.
Maalikabok ka lang
pero grabe kainit ang pag-alaga mo—
wala kang ginapili, wala kang paborito, giyakap mo lahat ng tribu.
Maalikabok ka lang
pero kadami mong ginatago
mga kayamanan sa iyong buhok,
mga pakpak na ginto, apoy sa dulo ng mga yantok,
mga perlas sa tawa ng mga masayahing tao.
Maalikabok ka lang
pero kadaming nagaasa sa iyong paaralan
ang iyong industriya ay buhay sa mga pangarap ng iyong mga anak,
ng mga babu at bapa, ng mga manong at manang, ng mga iyoy at iyay
gintahi mo ang mga malalim na sugat ng kasaysayan.
Maalikabok ka lang
pero kalalim ng iyong ugat
sa ’yo nagadaloy ang mga pinaghalong tula at awit at kulay,
ang mga sayaw na nagasabog
ang pinag-isang kultura na patuloy sa paglipad ay
tulad ng mga ibon na tunay na nagamay-ari ng lupa.
Tacurong,
maalikabok ka lang pero kaganda mo.