Si Sambiling owoy sa Senang
Sinulat i Mark Banday Lu, iya sa tegodon sa hagdi eg-etud bébê
Aken si Sambiling Banday, nekeugfà diyà teliwada tuduk. Egoh anay, nekeugfà a diyà medoo etaw. Egoh sasang kesetimbakay owoy keseimatayay, egkedan a danà sa feso. Inuwit ku sa naken segemalay diyà teliwada tuduk, diyà menuwa endà dé meuma di sa medoo medaet etaw.
Migbael ké dalesan anay mekeuma ké dutu. Kineanaw simag, tumibah ké anì mekehemula ké falay, kelang, katilà, owoy katilà kayu. Meuma sa keenem owoy kefitu gesigef, tumegeinif a sa senang. “O Sambiling, mefion ka etaw,” guwaen sa senang. “Ledaben ka, huenan di nekeuma ka dini. Huenan di tabangan ko kuna sa kaugfà ko dini.”
Sumiod a owoy tumaen a bakil. Enda egkegaga subela babuy, agkaen hinemulaan. Meuma telu agdaw, tumelow a bakil. Hinaa ku duen defanug. Toltulen ku sa defanug. Mekeuma a sa dakel batu, enda dé haawen ku sa defanug. Meukaan sa batu. Hauwen ku sa senang. Mikagi. “Egdalem ka.” Diyà ludef, duen hinaa ku medoo etaw metaes belengos. Felas da mebabuy. Mikagi sa datu babuy, “Ginafen bakil ko sa anak ku maama, huenan di bulung ko. Amuk enda bulungen ko duu, matay. Amuk matay, matay ka ma. Tabeli ko sa sigfù ko owoy lumikù ka.”
Mekeuma a dalesan, luminadu a. Enda fekeenaw a. Enda ma egkaen. Egtalà sa bekong. Eg-segoysoy sa ngingi di, owoy mekesugat kenaken. Lagà a egfeguwal-uwal ubal. Fenelikuan ko sigfù ko igfetantang sa datu babuy. Mekeuma a dutu datu babuy. Mikagi kagdi, “Temù maama ka. Huenan di danà ko, nehagtay sa anak ku. Ifasawa ku keniko sa anak ku bayi.” Enda ma egkeiyaf a, ugéd kinawing kédo. Huenan di nekemudi a babuy.
Agulé ehoh ku eglikù hanaa ku sa senang. Guwaen di, “O, kailawan, fetéél ka likù. Tumalà kani melaud Lambangian. Legkang diyà tuduk metu mangay diyà legaeben. Amuk melayafan kelamag sa bata, luminadu da.”
Mekeuma a dalesan, haawen ku medoo bébê ku. Dok hinilu da. Anan da megsilaylayan na meglinado. Nool lédé mehafun dé, mifanaw a lumenged si melaud Lambangian dutu legaeben dô. Tikong di mesesumbak ké si melaud enda felafela. Inigsaan di aken, “Ngayan ko?” Sagbì ku, “Eglenged a si melaud Lambangian.” Guwaen di, “Oho, mebaluy ok kediya.”
Dumutu a. Haawen ko Bébê Fangagading. Fitu sefang sidung di. Ketulengan ku medoo bébê ku. Guwaen ku, “O bébê, fekiskis a sa sidung ko nagawa kelikuan medoo bébê ku.” Tikong di bumulit folo. Balbalen di aken lubog. Melaguy a. Fekelid a diyà lagfian. Meliteg a owoy mekesaba a diyà sa inay kayo aglébéd-lébéd diyà dakel kayo. Taman iya enda dé hinaa ku saglohot kenaken. Mikagi dema sa senang. Guwaen di, “Nesabaan ko siiya, kagdi bulung sa medoo épê tuduk, épê wayeg, épê kayo, owoy épê batu.”
“Salamat,” guwaen ku. Nool lédé mifanaw a dé. Mekeuma a diyà sagfaw legaeben. Neukaan fetow delama ya. Lumudef a owoy haawen ku sa medoo telakiyén bébê ta. Enda fekefigtuu a. Dasi sudoysudoy mata dasi sudoysudoy leeg, owoy medoo dakel da maama. Sa lifo kagfa, owoy dasi tinabadak.
Medoo ma etaw kailawan ma dalem. Netelas da egoh anay owoy minekasawa da dumata na sa dilong. Iya egmangana kanaken. “Ifasyal ku kuna,” guwaen da. Munut a. Haawen ku sa kansad-kansad bulawan. Medoo bulawan, timbak, owoy gamit lukes dutu. Buyug simag lumikù a. Egoh ku mekeuma a, bulungen ku medoo bébê ku, owoy nelikuan da melô.
Tumudug a ki neliteg. Agulé mehafun dé umanaw a dé. Minem a kafi. Ubus iya wé telowen ku kelangan ku ya. Tikong haawen ku sinefi ubal. Beken-ukul di! Nool lédé egbulit a. Bumael a tufil owoy igtaen ku.
Enaw semag, agulé telowen ku sa tufil, haawen ku ubal minefeleng. Mikagi, “Hê, nekekuwa tufil ku ya.” Melum fulo sa bayi ubal. Guwaen di sa anak di, “Naal fa kasalafan yu daya. Haayu emâ yu ya, nematay dé.” Nagaef a ki mig-olom sa ubal. Sagbì ku, “Sala yu huenan di. Seféen yu daa sa kelang. Enda ma kaenen yu du. Atong keg kaliteg egkelu.” Tinagakan ku. Edong egoh, enda dé egkaen a ubal. Etaw ma doo folo iya wê nebaloy ubal egoh anay danà sa medoo nebatun.
Sebaen agdaw, inolomon a sa senang. Guwaen di, “Ifanaw ka angay katelow siod.” Mangay a tumelow siod. Netalas a. Folo tikong haawen ku sa lawi nedugbunan det manduo tafasal. Salilen ku. Haawen ku dalem sa lukes si Belahungen. Guwaen di, “A kaaya ka dé. Angay ka langit dò.”
“Tiegen kaangay ko dutu?” mikagi a. “Enda ma duen naken idu balakat.”
“Sini telinga ku owoy lisen ku,” sagbì di.
Migdeket kenaken sa telinga di owoy lisen di. Enda ma eghauwen kuduu telinga owoy lisen, ugéd egdinegen ko sa afaydifa ekagiyin fusong ko owoy, egoh ku egkedan, mekeifanaw a diya awang.
Duen fitu maama migsiegung kanak. Guwain ku do muwit kenaken dutu langit, do atok medoo madaet etaw folò. Iya wé mikagi sa fusong da, “Nabuen ta kani dutu fangfang kelamag.” Egfesu a. Egletu a. Fetow a minakaoma diyà kenà i Blahungen, igfelikù telinga owoy lisen di.
Lumikù a. Meuma fila agdaw, haawen ku dé ma sa senang. Mikagi kagdi, “Mokit bitil. Kuna da enda bitilin. Angay ko sido lebuk diya teliwada tinalong. Dalem siini, duen haawen ko telu gebelahan begas owoy telu gebelahan falay. Kuwa ko siini owoy ifekaen sa malayan ko amuk temebow sa sasang bitil.”
Egoh ku eghaa sa lebuk, tinagfed ku. Haawen ko telu meitem owoy tulo mabula. Enda mafelas di begas owoy enda mafelas di falay. Huenan di, egbuong ku. Sa kelikù ku, eg-igsaan di aken si Belahungen, “Kenâ di dé egfakuwa ku keniko?” Sagbì a, “Beken du edò é.” Megbulit sa senang. Mikagi di, “Ini dé dudi é angay ko, sidò sawi nematay.”
Inangay ku egtelow sa delama sa sigtulù sa senang. Meukaan lumudef a. Hauwen ku sawi nematay ya. Guwaen di, “Dineg dineg ka. Amuk mesugat ko sa sagbì ko diyà sa igsa ku, mekegaun ka. Amuk enda, matay ka. Enda dé mekegaun ka. Ini i sa igsa ku: Ngadan kaiyafan ko ya, makailing ka si Inay Tomigel nebaton o miling ka sa tufo ko nematay diyà tanà? Fasiyafat ka sagbì!”
Guwaen ku, “Munut a sa tufo ku nematay diyà tanà. Tikong nekegaun a. Enda nekuwa ku sido sawi mematay. Migsa sa senang, “Nakuwa ko?” Mikagi a, “Enda.” Agulé binegayan di aken tegulong kayo. “Hemula ko. Amuk mehagtay meketuu sa kabeliyan ko. Amuk enda, matay ka doo diyà tanà.” Mikagi a, “Maen dé.” Agulé meg-ebal dé, “Enda di haawen ko akin taman sa taman.” Edung-egoh iya, endà dé hinaa ku duu.
*
Si Sambiling at ang Sinag
Isinulat ni Mark Banday Lu, batay sa salaysay ng kaniyang yumaong lolo
Ako si Sambiling Banday, nakatira sa gitna ng bundok. Noong una, nakatira ako sa maraming tao. Nang magkaroon ng barilan at patayan, umalis ako dahil sa takot. Dinala ko ang aking pamilya sa gitna ng bundok, sa lugar na hindi maaabot ng masasamang tao.
Gumawa kami ng bahay pagdating namin doon. Kinaumagahan, nanghawan kami para makapagtanim kami ng palay, mais, kamote, at kamoteng kahoy. Pagdating ng ikaanim at ikapitong gabi, napanaginipan ko ang isang sinag. “O Sambiling, mabuti kang tao,” ang sabi ng sinag. “Umiiwas ka sa gulo, kaya nakarating ka rito. Kaya tutulungan kita sa pagtira mo rito.”
Gumawa ako ng siod at naglatag ako ng bakil. Hindi makaya ang mga baboy, napakaraming kinakain na tanim. Pagdating ng tatlong araw, tiningnan ko ang bakil. Nakita kong may dugo. Sinundan ko ang dugo. Nakarating ako sa isang malaking bato. Nabuksan ang bato. Nakita ko ang sinag. Sabi nito, “Pumasok ka.” Sa loob, may nakita akong mga tao na may mahahabang nguso. Kamukha sila ng baboy. Sabi ng kanilang datu, “Nahuli ng bakil mo ang anak kong lalaki, kaya gamutin mo siya. Kapag hindi mo siya ginamot, mamamatay siya. Kapag namatay siya, mamamatay ka rin. Iwan mo ang sibat mo at umuwi ka.”
Pagdating ko ng bahay, nagkasakit ako. Hindi ako makabangon. Hindi rin ako makakain. Dumaan ang isang butiki. Tumulo ang laway niya at tumama sa akin. Para akong unggoy na biglang bumangon. Binalikan ko ang sibat ko na ipinaiwan ng datu ng baboy. Sabi niya, “Tunay na lalaki ka. Dahil sa ’yo, nabuhay ang anak ko. Ipapaasawa ko sa ’yo ang anak kong babae.” Hindi ko gusto, pero ikinasal pa rin nila kami. Kaya nagkaroon ako ng pangalawang asawa na baboy.
Habang pauwi ako, nakita ko ang sinag. Sabi niya, “O tagalupa, magmadali kang umuwi. Dadaan mamaya roon ang binatang si Lambangian. Galing siya ng bulkan at papunta ng alapaap. Kapag nadampian ng hangin ang mga bata, magkakasakit sila.”
Pagdating ko ng bahay, nakita ko ang mga apo ko. Nahihilo sila. Lahat sila ay nakahandusay na nagkakasakit. Nang dumating ang hapon, umalis ako upang puntahan ang binatang si Lambangian sa alapaap. Nakasalubong ko ang isang ahas. Tinanong niya ako, “Saan ka pupunta?” Sagot ko, “Inimbita ako ng binatang si Lambangian.” Sabi niya, “Sige, kung ganoon.”
Nagpatuloy ako. Nakita ko si Tandang Fangagading. May pitong sanga ang sungay niya. Naalala ko ang mga apo ko. Sabi ko, “O Lolo, pakiskis naman sa sungay mo para gumaling ang mga apo ko.” Dahil doon nagalit siya. Papaluin niya ako ng lubog. Tumakbo ako. Napagulong-gulong ako sa dalisdis. Napagod ako at napahawak sa isang baging na nakapulupot sa malaking puno. Nawala ang humahabol sa akin. Muling nagsalita ang sinag. Sabi niya, “’Yang nahawakan mong baging, ’yan ang gamot ng mga may-ari ng bukid, may-ari ng tubig, may-ari ng kahoy, at may-ari ng bato.”
“Salamat,” sabi ko. Pagkatapos umalis na ako. Narating ko ang talon sa alapaap. Nabuksan bigla ang malaking bato. Pumasok ako at nakita ko ang mga nilalang na naririnig ko lang dati sa mga kuwento ng lolo ko. Hindi ako makapaniwala. Nakalaylay ang kanilang mata at leeg, at malalaki silang tao. Isang dipa ang kanilang dibdib, at kasinlaki ng langka ang kanilang mga itlog.
Marami ring tagalupa sa loob. Sila ang mga nawala noon at nakapangasawa ng mga hindi nakikita. Sila ang nag-asikaso sa akin. “Ipapasyal ka namin,” sabi nila. Sumama ako. Nakita ko ang patong-patong na ginto. Maraming ginto, baril, at mga gamit ng sinaunang tao roon. Pagdating ng madaling araw, umuwi ako. Nang makarating ako ng bahay, ginamot ko ang aking mga apo, at gumaling sila.
Natulog ako dahil sa pagod. Hapon na nang magising ako. Uminom ako ng kape. Pagkatapos tiningnan ko ang maisan ko. Nakita ko na pinitas ng unggoy ang mga mais. Napakarami! Dahil doon, nagalit ako. Gumawa ako ng tufil at nilatag ito.
Kinabukasan, nang tingnan ko ang tufil, nakita ko ang isang unggoy na nakabigti. Sabi ko, “Aha, nakakuha ang tufil ko.” May babaeng unggoy na biglang nagsalita. Sabi niya sa mga anak niya, “Tama na ang paglalaro ninyo diyan. Tingnan ninyo ang ama ninyo, patay na.” Nagtaka ako na nagsasalita ang unggoy. Sagot ko, “Kasalanan ninyo kasi. Pinipitas lang ninyo ang mais. Hindi naman ninyo kinakain. Napapagod ako kakalinis.” Iniwan ko siya. Mula noon, hindi na ako kumakain ng unggoy. Tao pala ang mga ito na ginawang unggoy ng mga beliyan noong unang panahon.
Nang sumunod na araw, kinausap ako ng sinag. Sabi niya, “Tingnan mo ang siod mo.” Kinaumagahan, tumungo ako sa aking siod. Nawala ako. May nakita akong isang bahay na natatabunan ng kalabasa. Sinilip ko. Nakita ko sa loob ang matandang si Belahungen. Sabi niya, “A, nandiyan ka na pala. Pumunta ka ng langit.”
“Paano ako makakapunta roon?” sabi ko. “Wala naman akong kapangyarihan.”
“Hiramin mo ang mga tenga at paa ko,” sagot niya.
Dumikit sa akin ang kaniyang mga tenga at paa. Hindi ko nakikita ang mga tenga at paa, ngunit naririnig ko ang mga sinasabi at tibok ng puso ng iba at, nang umalis ako, nakakapaglakad ako sa hangin.
May pitong lalaking sumalubong sa akin. Akala ko sila ang magdadala sa akin sa langit, pero masasamang tao pala sila. Sabi ng puso nila, “Ihulog natin ito mamaya roon sa pinagmumulan ng hangin.” Natakot ako. Tumakbo ako. Nang makarating ako sa bahay ni Belahungen, ibinalik ko ang mga tenga at paa niya.
Umuwi ako. Paglipas ng ilang araw, nakita ko na naman ang sinag. Sabi niya, “Dadaan ang taggutom. Ikaw lang ang hindi magugutom. Puntahan mo ang kawayan sa gitna ng gubat. Sa loob nito, may makikita kang tatlong dakot ng palay at tatlong dakot ng bigas. Kunin mo ang mga ito at ipakain sa pamilya mo pagdating ng taggutom.”
Nang mahanap ko ang kawayan, pinutol ko ito. May nakita akong tatlong itim at talong puti. Hindi mukhang palay at hindi mukhang bigas. Dahil doon, itinapon ko ang mga ito. Pagbalik ko, tinanong ako ni Belahungen, “Saan na ang pinakuha ko sa ’yo?” Sagot ko, “Hindi naman totoo ang sinabi mo.” Nagalit ang sinag. Sabi niya, “Ito na ang huling puntahan mo, ang bumubuhay ng patay.”
Pinuntahan ko ang yungib na itinuro ng sinag. Bumukas ito at pumasok ako. Nakita ko ang bumubuhay ng patay. Sabi niya, “Makinig kang mabuti. Kapag tama ang sagot mo sa tanong ko, makakalabas ka. Kung hindi, mamamatay ka. Hindi ka na makakalabas. Ito ang tanong ko: Ano ang gusto mo, matutulad ka kay Inay Tomigel na nakapunta ng langit o kagaya sa mga kalahi mo, namatay sa lupa? Sagot, bilis!”
Sabi ko, “Sasama ako sa lahi kong namamatay sa lupa.” Bigla akong nakalabas ng yungib. Hindi ko nakuha ang pambuhay sa patay. Nagtanong ang sinag, “Nakuha mo?” Sabi ko, “Hindi.” Pagkatapos binigyan niya ako ng talbos ng kahoy. “Itanim mo. Kapag nabuhay, magiging beliyan ka. Kung hindi, mamamatay ka sa lupa.” Sabi ko, “Bahala na.” Dahil doon, nagpaalam siya. “Hindi mo na ako makikita kahit kailan.” Mula noon hindi ko na siya nakita.