Tnalak

By Mark Angeles
Poetry

Unang inilathala ang akdang ito sa Likhaan: Journal of Contemporary Philippine Literature noong 2016.

Kumunday-kunday ang tapis
1234na tnalak—humapong rara avis—
12345678pumagaspas at umawit.

Bakas sa mewel ang kathambuhay
1234ng libun at ng buo niyang angkan.
12345678Ito ang mewet ng Tboli sa kalikasan:

Hindi kailanman mapapatid.
1234Maging sa bugtong na panaginip
12345678magpapatuloy ito sa pag-ikid.

Bawat hulwaran ay namumukod-tangi
1234dahil panagimpan ang talang nalimi
12345678sa talaytay ng pula, itim, at puti.

Paghiga ng libun sa nakikiramay na kama,
1234matiyaga siyang maghihintay na mabisita
12345678ni Fù Dalu na siyang diwata ng abaka.

Handurawan ay ikikintal sa kanyang noo
1234ng milagrosang si Fù Dalu
12345678tulad ng bathalang nanaginip ng mundo.

Maaaring ang pahayag ay tigulang,
1234mga butiki, dahong nagsasayaw,
12345678langkay ng ulap, tutubi sa parang.

Maaaring mabalasik na kampana,
1234nagliliparang mga pana,
12345678kalasag ng mandirigma.

Banal na ang libun mula pagkagising
1234at hindi na maaaring abalahin,
12345678kailangang ang abaka ay konsagrahin.

Ihihiwalay sa bunton ng sapal
1234ang gagamiting mga himaymay
12345678bago harapin ang habihan.

Kailangang dagta ay kumapit:
1234pula sa katapangan at pag-ibig;
12345678itim sa paghahamok at ligalig.

Sakripisyo ang paghimpil sa blaba.
1234Kailangang hulwaran ay umalagwa
12345678sa bawat buhol at lala sa tela.

Hindi pinapayagang sumiping
1234ang libun na naatangan ng tungkulin
12345678tulad ng isang alay na birhen.

Aabutin ng ilang buwan ang sakripisyo
1234kaya laman ng isip, masagrado
12345678tnalak na tagapamagitan sa dibino.

Kubong ang tnalak ng kapuwa-lumad,
1234lampin ng bagong panganak,
12345678kaloob sa kasal kapag nagbabasbas.

Hindi maaaring tabasin o labhan
1234at kung ikakalakal, sa tanso ilagay
12345678kung ayaw magkasakit o mamatay.

Tuwing ang libun ay nananaginip
1234nalalantad sa kanya ang daigdig.
12345678Maging mga badya ng panganib.

Itim. Gumapang ang itim sa tnalak.
1234Mariin ang babala ni Fù Dalu sa lumad:
12345678Dumating na ang mga mangwawasak!

Wala nang masilungan ang mga ibon,
1234mga ilog ay dinaluyan na ng lason.
12345678Itim. Itim ang panaginip ng mga libun.

Ngunit si Fù Dalu na rin ang nagdala
1234ng balitang tigmak ng panibagong pag-asa:
12345678sa tnalak dadanak ang tingkad ng pula.

Advertisement