Kukum

by Sharmin Tanael (Fiction)

“Nebut tu eginu mondu kuy ne la ou du hematay kul!” hete udel Nga Mi ditu be gono sekukum.

“Moen du, ke kat ti hegel ne la uu du hematay kul? Moen, ke la tulonem du yom ketahu hen ne uu hemtay du yom kom twogu.” lobo udel tau mogot kukum.

Ominen bud semabat du Nga Mi yom kun udel, “Moen du ke kat henugus ye ou temulon du ne ou wen sala en? Sok genomu be dou keno ne la ou du yom hematay kul!” kik udel Nga Mi ditu be datu.

Nahen hegeloni bele en yom sotu libun mogot kukum ne nebuten iginu kemodu bele en ominen semolok du, “Ou Boi Kenaban. Tulonem dou nga, yom kede katahu hen, henungol lu uu. Tedu buten mo en ke matay yom kom tewogu ne yom kom fog?” ganag solok libun be Nga Mi. “Be meyak temulon du yom ketahu hen.”

Ne tenutol Nga Mi yom hol buten. “Mebut ni kedeen, timbol matay yom kum tuha.”

“Moen ke melef  yom kuy tuha du?” semlok udel Libun Kenaban.

“Melef yom kum tuha timbow wen kem tau tabag mogow, mekaf be gono, ne kenfo en mi. Timbow matuu yom kum ma na hen dilut de sotu badung ominen semafuk kul heyu se deng me geloy lewu me tewogu hu.” kik tulon Nga Mi kay bud gehedem men kede tabu bele le.

“Omin bon du bud sefu hen yom gefa bele ye yo?” solok libun.

“Yom dou tewogu libun newit kun yehen be lemlunay abayse deng le sesunggud yom kum tuha hana lenutut le he yom dou tewogu, mung newit ten ou yom dou tewogu be yom kul gono.  Ditu be gono tu, tey gel hensidek yom dou fog yom dou tewogu, laendu kedaw ne laendu lemegem be lowo yom dou tewogu, endu kedaw se ne la me mekik. Teye gekodu be dou tewogu okom endu bang kemo ketobong ngu du abayse gel benantak ken o yom dou fog.”

“Yo ko buten mo en ke wen kekelit tem du yom kom fog?” solok libun.

Benala Nga Mi yom libun semolok du, monen, “Tahu se yo, olokom la gebek ku du hemsidek du! Abayse tey kenbong nawa hu yom dou tewogu.”

“Sotu kedaw be yo, mulek yom dou fog ne tey sidek kegenomen du, abayse tebelen yom libun kenbong nawa hen, ne to le segeng lemnok libun Henwu, libun dou fog. Ne hana le lemnek tey kenbong nawa yom libun yo dou fog endu kedaw se ne la le seton mengang sotu kedaw tulon Nga Man yom kun kekebong nawa be Libun Henwu omin henmoyo nawa hen. Mebuten betu senfasad le ne la le bud seko. Timbow be tu helobo yom libun tenagak ken, omin gehedemen meles be yom libun teles le du. Olokom yom dou fog timbol kol be gono, hebesut ten bele me yom kun kesebakil lem hendemen kegenomen du, lanen gemafit du yom kum dumu setewoli no be gono le.

“Miwes yom hilu bulon, deng sefili adat yom dou fog, wen kedawen tey heyu ne wen kedawen tey sebeweg yom lem uteken hendemen. Kede tonen gotu henobo en, mengangen to kihu tau lenengeten.

“Sotu kedaw mangay el yom dou tewogu libun ne denumu yom dou fog, timbow ton yom libun tehe tenagak ken, ne tey sidek kegenomen du. Nemoen kede en ani bud semfule bele en yom dou fog melan be kehelayam men du yom dou tewogu.

“Gefet yom helayam nemo Libun Henwu to tey sidek kegenomen du dou fog. Ne laendu kendawen la hedesen du yom dou tewogu ne ou, denge tafa nawa ke tedu kat metabu be dou fog yo se nemo u semolok ke be hemilol moen du ke tey hedes sen mi yom dou fog? Mengangu to temngon du yom Libun Henwu hemayam be fog gu. Gena tulonu be dou fog ne Libun Henwu hemalit bele le, la ko hentahu hen do abayse tey kenbong nawahen seneen Libun Henwu, laendu ko tau hemtahu dou be yom dou tengon yo.

“Sotu kedaw teye tenga laen bud bud kemdol yom dou tewogu libun. Gotu tenaw yom kun kede lowo. Denge melef ne yom dou tewogu melef laendu des genomen. Timbow deng kelef yom dou libun hegeloni bele u yom dou fog mekik meni tobong.”

“Boluyen du yom tobong heni fogem bele em?” Solok Libun Kenaban.

“Meni tobong mo be kun klowil abay se deng tengonen sekun yom buten moen ke melef ne moen ke tey hensideken yom yehenen, timbow la bud gebeken mit du yom libug gefa be kun fes lowo, to mebel hatay nim dou fog abayse la gebeken du lemonon du Libun Henwu be yom kun nemo. Na hen ma badung ne kenlengen yom kun lihol. Be keliko u, la ke ko eh gedo be dou gono meda. Timbow wen tau meton du tu kon, tulonen ou be datu ne newit le ou dini be gono sekukum. Timbol kol be tau mogot kukum hol lonon le dou ne ou kun hematay du yom dou fog ne hemayam du yom dou libun.”

Ani lana yom kelonon le du dou ne he kemolut libol bele ye.

Timbow kemolut te libol, ne he meluf de ani en se ke laendu sala u abayse yom libol yo koni deng wen bulung su le lemen. Yo kem tau kemlit dou.

Yo su genamten Libun Kenaban twoli Libun Henwu temifu be datu ne wen tau hemsu bulung be gono kemolut mo e meluf. Ominen  bud hemni be datu ne bud sensulit yom dou kekeolut libol, ne henmoyo datu ne bud sensulit yom dou kekolut libol.

Ne be gelewu hen bude kemolut libol ne la e meluf abayse laendu sala nemo u.

*

Batas

“Kanina ko pa sinasabi sa inyo, hindi ako ang pumatay sa kanila,” pasigaw na sabi ni Ngà Mi sa loob ng bahay-hukuman.

“Bakit ka ba nagmamatigas na hindi ikaw ang pumatay? Bakit ayaw mong amining ikaw ang pumaslang sa iyong ate.” ang sabi ng datung hukom.

“Bakit ba ninyo iginigiit na ako ang may kasalanan? Alam ko sa aking sarili na hindi ako ang pumatay sa kanila.” paiyak na sagot ni Ngà Mi sa datu.

Lumapit kay Ngà Mi ang isa sa babaeng katuwang na hukom. Kanina pa ito naaawang nakikinig sa kaniya. “Ako si Boi Kenaban. Sabihin mo sa akin ang buong katotohanan, pakikinggan kita. Ano ang puno’t dulo bakit namatay ang iyong ate at ang kaniyang bana?” mahinahong tanong ng babaeng hukom kay Ngà Mi. “Huwag kang mahiyang ilahad ang katotohanan.”

Isinalaysay ni Ngà Mi ang buong pangyayari. “Nagsimula ang lahat nang mamatay ang aming mga magulang.”

“Bakit sila namatay?” tanong ni Libun Kenaban.

“Namatay sila nang may masasamang táong nanloob sa amin. Nanlaban ang aming ama. Kinuha ng isa sa mga nanloob ang kaniyang itak. At pinaslang ang aming ama at ina. Tumakas naman kaming magkapatid.” naiiyak na sagot ni Ngà Mi nang masariwa sa alaala ang sandaling iyon.

“Ano ang nangyari pagkatapos sa inyong magkapatid?” tanong ni Libun Kenaban.

“Dinala ang aking ate sa kaniyang magiging bana sa Lemlunay. Naikasundo na kasi silang dalawa noong nasa sinapupunan pa lamang ang aking ate. Dinala na rin ako ng aking ate sa kanilang naging bahay. Dito, sinasaktan ng aking bayaw ang aking ate. Walang araw na walang pasâ ang aking ate. Walang araw na hindi siya umiiyak. Naaawa ako sa kaniya pero wala akong magawa dahil sinasaktan din ako ng aking bayaw.”

“Iyan ba ang dahilan kaya ka nagalit sa iyong bayaw?” tanong pa ni Libun Kenaban.

Sumagot si Ngà Mi, “Totoong galit ako sa kaniya pero hindi ko kailanman magagawa ang ganoong kasamaan sa aking bayaw. Mahal na mahal ko ang aking ate.

“Pero isang araw, umuwi ang aking bayaw na masama ang pakiramdam. Sinabi niyang iniwan daw siya ng kaniyang pinakamamahal na babae. Sabi pa niya, sabay daw silang lumaki ng babaeng si Libun Henwu, ang babaeng mahal niya. Noong maliit pa sila, walang araw daw na hindi sila nagkikita. Kaya dumating ang araw na sinabi ng aking bayaw kay Libun Henwu ang nararamdaman niya. Tinanggap ito ni Libun Henwu. Nangako rin sila simula noon na hindi na maghihiwalay pa. Nang malaman ni Libun Henwu na ipinagkasundo na sa aking ate ang aking bayaw, nagalit ito at naisip na maghiganti sa babaeng ipinagpalit sa kaniya. Ganoon ang mga sinabi ng aking bayaw nang umuwi ito, lalo na nang maabutan ang iba pa naming kamag-anak sa bahay.

“Lumipas ang ilang buwan, nagbago ang ugali ng aking bayaw. Mayroong mga araw na labis ang kabaitan. Mayroong mga araw naman na magulo. Lahat ng táong makikita niya ay kaniyang pinagagalitan. Kahit sino na lamang.

“Isang araw, habang nag-iigib ang aking ate kasama ang aking bayaw, nakita sila ni Libun Henwu. Dahil sa sobrang sama ng loob ni Henwu, nasabi nitong gagawin ang lahat bumalik lang ang aking bahay sa kaniya. Isusumpa raw niya ang aking ate.

“Dumating ang isang sumpa ni Henwu isang araw. Naging labis na masama ang pakiramdam ng aking bayaw. Mula noon, walang araw na hindi niya sinasaktan ang aking ate at ako. Nabahala ako sa nangyari kaya ipinagtatanong-tanong ko sa iba ang dahilan. Doon ko lamang nalaman na isinumpa ni Henwu ang aking bayaw. Sinabi ko agad ito sa aking bayaw ngunit hindi niya ako pinaniwalaan. Para sa kaniya, mahal siya ni Libun Henwu. Sinabi ko pa ito sa iba ngunit hindi rin nila ako pinaniwalaan.

“Isang araw, nagulat akong hindi na gumagalaw ang aking ate. Malamig na ang kaniyang katawan. Namatay siyang wala namang sakit. Lumapit pagkatapos ang aking bayaw sa malamig na bangkay. Umiiyak ito at humihingi ng tulong sa akin.”

“At ano ang hininging tulong ng iyong bayaw?” tanong ni Libun Kenaban.

“Humingi siya sa akin ng tulong pagkatapos niyang malaman ang buong katotohanan sa pagkamatay ng aking ate at sa dahilan ng pananakit niya sa amin. Hindi na raw niya káya, lalo na ang pagbintangan si Libun Henwu, kayâ kinuha niya ang kaniyang itak at pinugutan ang sarili. Sa aking takot, hindi ako nakagalaw. Nang may nakakita sa akin, sinumbong na ako sa datu at dinala rito sa bahay-hukuman. Idinidiin nilang ako ang pumaslang sa aking bayaw at ang sumumpa sa aking ate.”

Pagkatapos ng pagsasalaysay, napagdesisyunang gawin ang kmolut libol, ang ritwal ng pagsawsaw sa kumukulong tubig para mapatunayan kung may sala ang isang tao.

Isinawsaw ni Ngà Mi ang kaniyang kamay sa palayok na may kumukulong tubig. At napasò siya!

Nagsalita si Libun Kenaban at isinumbong sa datu na mayroon palang gamot na inihalo sa tubig kaya napasò si Ngà Mi. Nakiusap din itong ulitin ang ritwal. Sinabi rin niyang siya pala ay isang kapatid ni Libun Henwu.

Sa ikalawang pagkakataon, isinawsaw muli ni Ngà Mi ang kaniyang kamay. Hindi na siya napasò.

Advertisements