By Maureen Gaddi dela Cruz (Poetry)
Hindi kayo mga pangalan lamang
o mga numerong itinatala sa pisara
naming mga naghihintay, nangangamba
sa bawat pag-alingawngaw ng putok
at pagtama ng bala, sa bawat pagtangis
ng naghihinagpis na anak o asawa.
Kayo ay mga ngiti na hindi na muling masisilayan,
mga yakap na hindi madama ng kaibiga’t kaanak,
mga tinig ng pakikibaka’t tagumpay na nilunod
ng nakagigimbal na katahimikan.
Kayo ay buhay na ibinuwis sa kamay ng mga sakim
at mapaniil, dugong idinilig sa lupaing uhaw sa katarungan.
Kayo ang pag-asang binawi ngunit muling paaalabin
naming nakikiisa’t nakikiramay,
ang gunitang hindi mabubura sa isipan naming
hindi lamang mangungulila at mag-aabang sa balita,
hindi lamang magbibilang ng mga bakas at bangkay
kundi kikilos, magpapatuloy:
kayong mga hindi nagpadaig,
hindi bumitiw sa laban
ang siyang kaluluwa at himig
ng ipinagtatanggol na kalayaan.
You Are Not Mere Names
You are not mere names
nor numbers, tally marks on a board
as we wait in fear for each round of shots,
as we guess the trajectory of the next bullet
and listen to each fresh wail of grief.
You are the smiles that will no longer greet us,
the long-missed embraces, the courageous,
triumphant voices lulled to grim silence.
You are the lives cut short by the oppressor’s greed,
the blood sprinkled on this land that thirsts for justice.
You are the hope once wrested from us
that we seek to rekindle—we who mourn and remember
shall unite in your struggle.
You are the memory that can never be erased.
We shall not sit still awaiting the news,
we shall not keep counting the traces and the corpses:
we shall continue your fight.
For you who refused to yield, who never cowered in fear,
are the soul, the rhythm,
of our hard-won freedom.